Chapter 48 [Suddenly]

1.4K 11 4
                                    

[Suddenly]

“Eh basta! Ayokong iwan ka nalang dito mag-isa. Kasi na-realize ko na kahit na-love at first sight ako sa kaibigan mo… Mahal pa rin kita.”

Di ako makagalaw sa pwesto ko.

“J-jetty.”

“Joke lang!” ^__^

(__.__”) Lokong to. Grabe. Promise. Sobra talaga akong kinabahan.

“Nagbibiro lang ako. Haha. Saka nakapag-desisyon na ako. :P Uh, gusto ko lang sanang sabihin na mamimiss kita!”

“Baliw! Kung anu-anong pinagsasasabi mo. -___- hindi naman ako aalis eh. Mag- best friend pa rin tayo. Habambuhay na yun.”

“Yun oh! Hahaha. Sige na. Puntahan mo na si Charles.” 

“Huh? Bukas nalang. Mag-iisip pa ako ng sasabihin eh.”

“Ganun ba? Osige. Uh, pwede ba tayong mag-date muna?”

“Ano?” Taas kilay kong tanong sa kanya.

“Damot. Last day na to oh. Bukas kasi, wala na akong crush eh.” :(

Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Jetty. Mamimiss ko rin siya. Syempre. Kapag naging sila na ni Claire, panigurado puro date yung dalawa. Mababawasan na yung time na magkasama kami.

“Game! ^_^”

Kumain kami ni Jetty sa Cake shop. Sa Ice cream shop tapos gumala sa buong subdivision. Pinasyalan lahat ng pwedeng pasyalan.

Hinatid na niya ako. At kasalukuyan kaming nakatayo sa tapat ng bahay ko.

“Thank you Kerry-kerry.” Niyakap ko siya.

“No. Ako dapat ang magpasalamat sayo. Thank you sa lahat lahat lahat. Simula sa mga ginawa mo para sa akin sa States hanggang dito sa Pilipinas. Simula nung bata pa tayo hanggang ngayong mga binata’t dalaga na tayo.”

“You’re welcome. ^_^ Sige na. Pumasok ka na. You have a long day tomorrow. Bye. Good night.” Hinalikan niya ako sa noo. At tumalikod na siya.

Hindi nakatakas sa dalawang mata ko ang munting luha na tumulo mula sa mga mata niya. *sighs* I knew it. He’s still hurt. Pinipilit niya lang maging masaya. Jetty, naniniwala ako na one day, you’ll find your own happiness. Promise talaga. I will help you with that.

**Kinabukasan

Inalalayan ako ni Jetty na bumaba ako ng kotse at naramdaman ko kaagad ang pagtama sa akin ng sikat ng araw. Umaga palang pero ang init na.

*sighs* Ito na to. Sa muling pagkakataon, papasok na naman ako sa classroom ng 4-A.

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon