Chapter 27 [Acceptance]

2K 18 6
                                    

 [Acceptance]

"Hay! One word para i-describe ang ating sarili." ~ Kelly, habang ang lahat ay nakapangalumbaba.

"Ano naman?" Tanong ni Nech.

"LUGMOK! Nakakamiss kaya. Di man lang sinabing aalis pala siya." :(

Nabalitaan kasi nilang umalis pala ng bansa ang kaibigan dahil may aasikasuhin sa Canada.

"Oo nga eh. Kahit di natin masyadong nakasama yung baliw na yun. Haaay. Nakakaiyak." ~ Nech

Hindi pa ito alam ni Chessa dahil kakadating pa lamang ng balita at wala pa sa silid-aralan si Chessa.

"Sayang talaga! Crush ko pa naman yun. Ugh!" Kunot-noong pahayag naman ni Claire.

Nakatunganga lang sila at hindi pa rin matanggap ang nasagap na balita.

Gusto nilang maiyak pero hindi magawa.

Umaasa kasi sila na hindi iyon totoo.

Wala pa sa room ang Deadly desserts pati na rin si Hannah kaya hindi alam nila Kelly kung alam na ba ng mga ito ang tungkol sa balita.

Sa kabilang panig, ay si Chessa na naglalakad sa corridor papunta sa classroom.

"Hi Ate Chessa!"

"Hello :D"

"Chessa! Good morning :)"

"Good morning rin!"

"Hello Ke-- Chessa."

"Hahaha. Nalito ka pa. Hi Jerome and friends. Have a nice day!"

She's so proud to be called Chessa. 

Simula ng magkabati sila ni Luigi, umayos na rin ang lahat. Araw2x na siyang ganyan at wala nang pinoproblema.

Kung meron man, nananatili pa rin itong nakangiti at saka aayusin kung ano man yun.

Nakarating na ito sa classroom at hinanap agad ang mga kaibigan.

Nang mapansin naman siya ng mga ito, agad nilang niyuko ang mga ulo at nagkunwaring hindi nakita si Chessa.

Pero huli na. Dahil isa sa kanila, natamaan ng tingin ang matalas na mata ni Chessa.

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon