~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[First Day of School]
(Part two)
Sa may dulo na ako umupo. Ako lang mag-isa. Mabuti na yun para matahimik ako. Yung cute naman na kasabay ko kanina, sa may harap siya.
Sighs. Sinubsob ko nalang yung mukha ko dun sa table. makatulog nga muna... Siguro wala naman masyadong gagawin ngayon. First day eh.
"Hi class, good morning!" Ay bakla! Kung kelan naman malapit na akong makatulog saka pa dumating. Grrr. Tumingala na ako para tignan yung teacher. And guess what...
Bading nga! XD
"Good morning Sir?" Bwahaha. Patanong talaga? Di nila sure kung sir ang itatawag. Hahaha. Ang baliw din nitong classmates ko ah!
"Correction, you should call me Miss. Okay. You may sit now." Umupo na kami. Miss pa daw haha. Mukhang nasa 20's lang siya. Nakakatuwa naman.
Haaaaaay. Parang gusto ko nang maging ako. Parang ang saya siguro. Kaso...
NATATAKOT ako.
Ayaw ko magtiwala dahil dala... Ay next time na lang. Magsa-salita na si MISS Cruz. X) Ang cool ng teacher na 'to.
"I'm Miss Cruz. I will be your adviser and your English teacher for this school year. So, let's go to our topic now. Today is the first day of school and as a tradition, you're going to introduce yourselves in front of the class." Eew. Ang corny!
"But because you are already in 4th year, we're gonna make the introduction more exciting." Oooh. Nice. Buti naman may twist.
"After sharing your background informations, you'll also let your classmates know your talents. In short, you will perform in front of the class." Ah per--
"WHAT?!" Oopps. Tinginan sila oh. Eh bakit ba! Mahiyain ako eh. Kutusan ko kaya kayo! President kaya ako! T__T Ayaw ko nitooo--
*TOK! * TOK!* Inalis na nila yung tingin nila sa akin at ibinaling sa may pinto. Haha. Kung sino man yun, salamat sa kanya at nawala ang tingin sa akin.
"Yes? What do you need? Come in."
HALATANG HALATA ang mga babaeng kinikilig dahil sa pumasok na lalaki. Psh. Oo, gwapo siya. Pero OA naman ng mga babae dito. Pumasok lang sa room, kinilig na. What more kung kausapin pa sila? Tsk!
May binigay siyang folder dun sa teacher. Pagkatapos magsulat ni MISS Cruz, iniharap niya yung lalaki sa amin. Baka chansing lang yan! Boohoo!
"Class, this is Charles Drake Efron. President of English and Science club." Ngumiti lang siya. Di ko mabasa ang ngiti niya. Mayabang ba o nahihiya? Paki ko ba? Tss.
BINABASA MO ANG
Gangster's "I Hate You"
Romance[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is unstoppable. But she's determined to hear those three words. When will she hear those? Or when will they?] A perfectly imperfect story writte...