Chapter 32 [Raise Your Glass]

1.8K 16 9
                                    

Malapit na ata siyang matapos. Siguro more or less 20 chapters? lol. Malapit na yoooon?! XD 

So... here's the update. Medyo mahaba. Yay! :)))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Raise Your Glass]

 "Ate Chessaaaaa."

Nagkatinginan si Chessa at ang Yaya niya. Meron kasing boses na nanggaling sa labas ng bahay.

Hindi nila alam kung sino ang tumatawag na iyon. Napaka dalang lang na may tumawag mula sa labas. Isa pa, may doorbell naman.

"Ate Chessaaaaa."

"Yaya, ako na po."

Lumabas na si Chessa at binuksan ang gate nila.

Nakita niya ang isang sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay. Bukod doon, ay isang batang lalaki na may maamong mukha. Iyon marahil, ang tumatawag sa kanya kanina. May dala itong isang piraso ng rosas.

"H-hi po. Ate Chessa *o* C-crush p-po kita. Ang g-ganda mo po. Ito po oh." Sabay abot ng bata sa rosas. Napatawa naman ng bahagya ang dalaga pero hindi niya ipinahalata dahil baka mahiya ang bata.

Umupo ng konti si Chessa upang makapantay ang bata at makausap ito ng maayos.

"Hello. Ang cute cute mo naman. Paano mo naman ako nakilala? Ikaw ba yung susundo sa akin? Ikaw ba yung kausap ko sa phone? Ang cute ng boses mo. Hahaha." Hindi nakasagot ang bata at namula lang. Pinisil pisil kasi ni Chessa ang pisngi niya.

"Hindi. Ako yun." Napa-angat ang ulo ng dalaga pati na rin ng bata.

"Drake? Anong ginagawa mo dito?" Naglalakad ang binata palapit sa kanila kaya napatayo na si Chessa.

"Like what I've said before, I'm here to pick you up."

"Wut? Wait. PMS ka na naman? Psh." Nag-roll eyes ang dalaga. Ito na naman kasi ang usual na mukha ng binata.

"Mianna, I'm not gay."

"Whatever! Tara na nga baka ma-late pa tayo niyan eh!" Nag-umpisa nang maglakad si Chessa. "Uy! Oo nga pala. Nasaan na yung bata? Hala!" Nagulat si Chessa nang mapansing wala na ang bata.

"He went home." Simpleng sagot ng binata.

"Huh?! Kaano-ano mo ba yun?"

"I do not know him. I just saw him playing in front of your house, so I gave him chocolates, asked him a favor and he did." Napanganga si Chessa sa paliwanag ng binata. Hindi niya kasi inaasahang nadampot lang pala ni Charles ang batang iyon.

"Ay! Pasaway ka! Eh kanino galing yung rose?" Itinuro ni Charles ang sarili. Nag-nod nalang si Chessa at naglakad na sila papunta sa sasakyan.

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon