Chapter 33 [Ow-key? .__.]*

1.7K 14 3
                                    

Dedicated kay anime_lover08 :D Thank you for reading! <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Ow-key? .__.]

Mataas na ang sikat ng araw pero mahimbing pa rin ang tulog ng mga tao.....

Halos lahat ay pagod at bagsak ang katawan.

"Hmmm..."

***

"Hay! Asan kaya si Chessa?! Hindi siya sumasagot sa mga tawag at text ko. Batang yun oo!" Tita niya na nag-aalala na.

"Nako! Hindi ko nga rin alam eh. Buong barkada nila nawawala. Pero wag muna tayong mag-panic. Baka naman may pinuntahan lang sila." Pahayag naman ng Tita ni Charles.

"Pinuntahan? Hindi man lang nagpaalam? Ang kukulit talaga."

"Teka nga. Subukan nga nating  tawagan si Josh. Hindi ko pa yun natatawagan. Baka sakaling may alam siya." Nag-nod lang si Tita Alice.

Tinawagan na nga ni Tita Ana ang kaibigan ng pamangkin na si Josh. 

(Heluw? Gud morneng.)

"Josh! Buti naman sumagot ka! Alam mo ba kung nasaan si Charles o Chessa?"

(Nasa unit ko zila. Yung malapit za bar. Hehehe. May spare key si yaya namin.)

"Ganun ba? Sige salamat."

- Call Ended - 

May epekto pa rin ang ininom ng binata kagabi kaya siguro ganun nalang ito sumagot. Inintindi nalang ito ng dalawang tiyahin.

"Alice! Nasa condo daw sila ni Josh. Yung malapit daw sa bar nila. Daanan na muna natin yung susi sa bahay ni Josh saka tayo pumunta."

"Sige. Leggo!"

*TUGSH!*

"Hoy! Aba! Sira ulo ka ah! Bakit mo ko binatukan? Paganti ako."

"Ano? :P Hahaha. Habulin mo ko Alice!" 

"Baliw ka Ana! Para tayong bata dito. Aish! Tara na nga! Haha. Pero sandali, lahat ba sila nandoon?"

"Ay oo nga noh! Ewan ko. Sabi niya kasi sila eh. Malay ko kung anong tinutukoy niya dun. Tignan nalang natin." Muli ay nag-nod nalang ang tita ni Chessa.

 Lumabas na ang dalawang tita sa bahay ng Tita ni Charles.

Sa sobrang pag-aalala kasi kanina ay nagpasya na ang Tita Alice ni Chessa na puntahan si Tita Ana sa bahay nito. Nagbabakasakaling nandoon ang pamangkin. Nalaman nalang niya na wala rin pala ang pamangkin ng kaibigan.

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon