Sorry sa maliiiii. :3 Correct niyo nalang po ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Story of Us]
Sino nga ba si Jethro Park?
Siya. Isang lalaking ibang klase.
Siya na umiwan sa akin dati.
Sakanya una kong naramdaman kung paano maiwanan. Sa kanya, unang tumibok ang matigas kong puso.
Kaiinis lang. Di ko magawang magalit diyan eh! Bukod sa best friend ko, sinisi ko rin ang sarili ko sa pag-alis niya.
Ewan ko ba :( Namiss ko din tong lalaking na to. Noon, nung kasama ko siya, si Keres kahit papaano nagagawang maging Chessa. Si Keres kahit papaano nagmumukhang mabait. Yung babeng nababalutan ng lamig nakakaramdam ng init.
Pero wala eh. Umalis din siya noon. Iniwan niya rin ako. Pero ngayon, ito na siya. Bumalik na siya. Dapat ko ba tong ipagpasalamat? Kaso… baka… baka iwan na naman niya ako.
Kung naaalala niyo pa, noong araw na nag-kwento ako kay Drake. (Chapter 7) Siya yung tinutukoy kong nang-iwan sa akin bukod kay Kuya. Siya yung tinutukoy ko na may gang na tinulungan ko. Siya yung tinutukoy kong best friend.
Ang pag-iwan niya sa akin noon ay ang bahagi na bumuo sa pagkatao ni Keres. Mahabang paliwanag. Pero isa lang ang masasabi ko. Hindi pa ito yung panahon para ipaliwanag ko ang nangyari kay Keres. May tamang panahon para doon.
“Kerry-kerry.” Sambit niya sabay umakbay sa akin.
Ngumiti nalang ako. Ilang taon ding walang ganito sa akin. I mean, yung walang best friend na kahit makulit siya, magagawa ka niyang i-comfort.
Sanay na naman kami sa ganito. Though alam namin dalawa na may feelings kami sa isa’t isa noon, nananaig pa rin yung magkapatid o mag-best friend na turingan namin.
“Naalala mo ba noon? Nung una tayong magkita?” tanong niya sa akin.
“Psh. Tinatanong pa ba yun? Syempre hindi ko yun malilimutan noh! Yun ata yung araw na nakahanap ako ng best friend!”
“Haha. Ako nga rin eh…”
*Flashback*
Dismissal na. Salamat naman at makakaalis na ko sa impyernong school na to. Tss. Puno ng malalanding babae at mayayabang na lalaki -___-
Tatlong buwan palang ako dito pero feeling ko sampung taon na. Bakit kasi college na si Kuya eh. At ako freshman palang. Magkaiba tuloy kami ng school.
“Hi miss.” Bati sa akin ng isang lalaki na bigla nalang sumulpot habang naglalakad ako palabas. Hindi ko siya pinansin kaya naman hinila niya yung braso ko.
BINABASA MO ANG
Gangster's "I Hate You"
Romance[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is unstoppable. But she's determined to hear those three words. When will she hear those? Or when will they?] A perfectly imperfect story writte...