[Moving Closer]
Isang malakas na kulog ang narinig nila.
"Hala!" sambit ni Chessa.
"Tara na! Tumakbo na tayo!" Hihilain na sana ni Charles ang kasama.
"No! Blessing 'to! Dapat hindi tinatakbuhan!"
"Ha? Pero--" Hindi na natapos ni Charles ang sasabihin dahil bumuhos na ang ulan.
"Yeeeeeey! Lakas pa! Yeeeey! Hoy Drake! Wag ka na magtago diyan. Maligo ka rin dapat!" Hinila ni Chessa ang kasama papunta sa gitna na kanina ay pilit sumisilong sa malaking puno.
Napansin ni Chessa na sila lang ni Charles ang tanging naliligo sa ulan. Ang iba ay nagsiksikan sa kubo at ang iba naman ay tumakbo na papunta sa kani-kanilang sasakyan.
"Mga ate at kuya! Maligo po tayo! Minsan lang umulan ng ganito. Masaya pong maligo pag sama-sama! Tara na po!" Paga-anyaya ni Chessa sa mga taong nanonood sa kanila. Todo pigil naman si Charles kay Chessa dahil baka akalaing baliw na siya pero gaya sa kanina, hindi siya sinunod ng dalaga.
Ngumiti ang mga tao kay Chessa at unti-unti nang lumabas sa kubo at nag-umpisa na ring enjoy-in ang ulan. May ilan ding bata na nakalaro si Chessa ng habulan.
Malamig man, naging masaya ang lahat sa ulan na bumuhos. Tamang tama lang ito. Hindi sobrang lakas at hindi rin naman sobrang hina.
Nagpasalamat naman ang ilan sa dalaga dahil naging paraan iyon ng pagkakaroon ng masayang bonding ng pamilya at pati narin pakikipag kaibigan sa kapwa. Kahit sa sandaling panahon, nagkasama sama sila.
****
"Uy! Nasan tayo?" tanong ni Chessa ng tumigil ang sasakyan ni Charles sa parking ng isang malaking gusali.
"Nasa condo ko."
"Oh? Akala ko kila Tita Ana ka nakatira."
"Madalas dun ako. Pag maraming ginagawa, dito. O kaya pag ganitong umuulan." Napa-tango nalang si Chessa.
Medyo natuyo na sila kaya naisip nilang dito nalang tumuloy para makapagpalit agad at makakain na rin.
"HA-HA-HACHOOOOO!!!" Naka-ilang bahing na si Chessa nang matapos maligo at makapagbihis.
"Hahahaha. Ang kulit ng ilong ko! Ayaw tumig--Hachooooo!" Naputol ang sanang sasabihin niya dahil sa pagbahing.
"Sabi ko naman kasi sayo wag na tayong maligo. Ayan tuloy, sinisipon ka ngayon. Baka mamaya magkasait ka pa niyan."
"Wala namang akong pinagsisisihan eh. Ang saya kaya. Ikaw rin naman kanina masaya eh. Nakita ko. Ha-hachooo! Aish! Pahiram na nga lang ng damit!"
"Psh" Pumasok na si Charles para kumuha ng damit niya na hihiramin ni Chessa. Masikip daw kasi yung isang t-shirt na binili ni Charles na suot ngayon ni Chessa.
BINABASA MO ANG
Gangster's "I Hate You"
Romance[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is unstoppable. But she's determined to hear those three words. When will she hear those? Or when will they?] A perfectly imperfect story writte...