Chapter 44 [Best best best]*

1.5K 14 5
                                    

[Best best best ]

 

 

TIME FLIES SO FAST…

Ilang araw na din ang nakalipas nang mag-umpisa ang Disyembre. Dadating na si Jetty. Sa wakas. ^o^

Kaya lang... Ipapakilala na rin niya ako sa mama niya. >_> Sana maging maganda yung una naming pagkikita.

Nandito ako ngayon sa bahay. Hindi ako pumasok. Gusto ko kasi sunduin si Jetty. Pumayag naman siya ^_^

“Tita pupunta na po akong airport. Susunduin ko po yung best friend ko eh.” Ngumiti ako kay Tita.

“Chessa. Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung anong nangyari sa mga sugat mo?” Biglang nawala ang mga ngiti ko. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin sinasabi sa kanila at hindi ko rin sinabi yung ginawa ni Richard kahit ilang ulit na nilang tinatanong.

Siguro dapat ko na ding sabihin. Umupo ako sa tabi ni Tita at kinwento sa kanya ang lahat. Sakto namang dumating sila Mae at Yaya Sol kaya hinayaan ko na rin silang makinig.

“Masyado na po akong naging mahina. Kaya pati pag-depensa sa sarili ko, hindi ko na nagawa. Haha. Pero hindi naman na po masakit eh.”

“Hija, alam ko. Maaring hindi na masakit ang sugat mo. Pero hindi mo maitatago na masakit pa rin ang puso mo.” Napatingin ako sa taas at ngumiti. Pinipigilang tumulo ang nagbabadyang mga luha.

“Tita. Sorry po kung hindi ko agad sinabi. Ayoko lang po kasing madamay kayo eh.”

“Naiintindihan ko. Pero gusto mo ba kausapin ko si Charles?”

“Nako. Wag na po tita. Tingin ko naman, masaya na sila ni Raiza. Hayaan na po natin sila. Sadyang mapaglaro lang po talaga ang tadhana eh.”

“Hay. Kung yan ang gusto mo, wala na akong magagawa. Pero please lang hija. Sabihin mo kung kailangan mo ng tulong. Handa kaming lahat na tulungan ka , okay?”

“Opo tita. Salamat. Salamat din Mae at Yaya Sol. Alis na po ako ha.”

“Ingat ka!” Sabay sabay nilang sabi. Nag-wave lang ako at lumabas na.

Nakarating na ako sa airport. Bago ako bumaba, inayos ko muna yung foundation na nasa mukha ko para hindi halata yung mga pasa ko. Buti nalang at hindi marami sa mukha. Bumaba na ako. Pagpunta ko sa waiting area, kaka-announce lang na dumating na yung mga galing Cali. Ilang minuto ng paghihintay…

“Kerry-kerryyyyyy!” Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. At nakita ko ang isang lalaki na may dalang maleta at sa gilid niya ay isang babae na nasa 40’s ang edad na may dala naman na malaking bag.

DUGDUG DUGDUG

Nako puso. Tumigil kaaaa. Ay joke. Ayoko pang mamatay! -o-

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon