Yohanna's POV
First day of class na!! Yeah! At nasa Grade 11 na ako. Yeah! Grade 11 na ako pero pang Grade 9 pa rin yung height ko. Huhuhu... -_-
Bahala na kahit kulang man sa height, at least maganda ako, diba? Wag na nga kayong aangal! Maganda naman talaga ako eh! Short-haired ako kaya mukha tuloy akong Dora!! Kulang nalang siguro kong may purple backpack ako at map!! Hahahaha!! Joke lang!!
Hi! My name is Yohanna Crix Bay! 17 years old. Half Pinay-Half British. Yeah! I have a british accent in english but sad to say, you can't hear me because we are only using wattpad. Huhuhu... ang sad naman pag ganun! Hindi niyo tuloy maririnig yung angelic voice ko!! Joke!
I am now studying at Millenial University. Dito sa school na ito, ang mga millenials like me are allowed to use gadgets inside the school premises because kailangan talaga naman namin yun sa school. Ito yung ginagamit sa lectures, nagbibigay ng online test ang mga teachers at sa fb ipopost ng teacher ang assignment namin. Ang galing noh?!
Excited na nga ako eh!! Kasi first time ko sa school na yun!! I am now on my way to the school. Huhuhu... Kinakabahan na akooo! Kahit malamig dito sa kotse ni Mang Juan, pinag-papawisan ako!!. Hindi yung 'Mang Juan' na junk foods ha?!! Tao po to!
"Mam Yohanna? May problema po ba? Gusto niyo, lakasan ko pa ang aircon? Pinagpapawisan ka po eh."
"Ay wag na Mang Juan! Okay lang ako!" Huhuhu... napakasinungaling ko talaga! Kahit obvious na nagsisinungaling na ako, hindi parin ako nabibisto ni Mang Juan no!!
"Mam, mukhang nandito na po tayo."
"Ayy!! Agad-agad?! Grabe! Ang bilis ah!"
Nakita ko ang isang malaking gate na may nakasulat na "Millenial University" Oopps!! Na sabi ko yata ng malakas.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malapalasyong na eskwelahan. Wow!! Ito na ba? This is it pansit! Lumabas na ako ng kotse at nagbuntong-hininga. Huhuhu... Nakaka nerbyos grabe!!
"Mang Juan, sunduin niyo nalang po ako mamayang 5 ha?"
"Opo, mam." At umalis na si Mang Juan.
Pumasok na ako sa gate. Napakaraming estudyante na naglalakad patungo sa isang napakalaking bulletin board. Ay! Dun siguro malalaman namin yung mga sections kung nasaan kami na belong!!
Tumungo din ako sa direction nayun para makita san ang section ko. Huhuhu... sana mababait ang mga kaklase ko noh? Nakipag-siksikan ako sa mga tao para makita ko ng malapitan ang nakasulat na mga pangalan sa mga section.
Sa unang papel ay ang 11-Amazing. Wow ha! Amazing talaga! Tinignan ko kung nandun ba ang name ko pero wala. Huhuhu... Sayang! Ganda pa naman ng section!
Sa isang papel naman ay ang 11-Charming. Wow! Charming? May beautiful ba dito na section? Baka dun ako na belong eh! Hahahaha! Joke! Wala rin dun ang pangalan ko eh.
May nahagip akong papel sa isang sulok na hindi masyadong tinitignan ng mga tao. Ano kaya ang meron dun?
Tinignan ko naman para mawala ang curiousity ko. Curiousity kills eh!
"Naku! Ang hirap makapasok diyan sa 11-Best! Puro mga magagaling! Lalo na yung 11-Amazing! Lahat matatalino!"
"Sus! Mga OA lang ang makakapasok diyan! Lahat siguro may lahi! Pwe! Akala mo kung sinong matatalino! Mas matalino kaya yung taga Amazing!"
"Best? Please! We all know na napakagaling silang mangopya!"
Ayy! Makajudge tong mga taong toh! Akala mo magaling?! Tinignan ko ang papel sa 11-Best at nakita ko ang pangalan ko! Yes!!! Woohoo!
"Sa 11-Best ka rin ba?"
Lumingon ako sa nagsalita. Wow! Ganda niya ah! Mataas ang kanyang buhok na napakastraight! Sino kaya tong babaitang dyosa na to?
"Umm... Yeah, by the way, I'm Yohanna. And you are?"
"Fayeline Crezza Fine. Faye nalang for short! Nice to meet you, classmate!"
Classmate? So magkakaklase kami? Yehey!! My new friend na ako!! Wut wut!!
"Alam mo ba kung nasaan ang room natin?"
"Ummm... Hindi rin eh! Tara! Hanapin natin!" At hinila niya ako papunta sa hagdan. Grabe tong babaeng to ha! Ang sakit manghatak!! Itulak ko kaya to sa hagdan? Hahaha joke!!
Dinaanan na namin ang mga section sa Grade 10 so siguro nasa dulo yung classroom namin. Pero pagdating namin ng dulo ay wala pa rin ang section namin! Ano bayan! 3rd floor na nga to!! Huhuhu... wag niyong sabihin sa 4th floor ang room namin? Grabe!!
"Halika, Yohanna! Baka sa 4th floor ang room natin!!"
"Hah?! Ang layo naman!! Wala silang elevator dito?! Ang shaket na ng paa ko oh!"
"Wala eh! Napakapristigious nga ng school nato, wala namang elevator!"
"Hay naku! Tara na nga! Baka malate pa tayo eh!"
At hinatak niya ulit ako papunta ng hagdan. Huhuhu... mababali talaga ang buto ko sa babaeng ito!!
Ang first room sa 4th floor ay ang 11-Amazing. Grabe ah! Feeling ko matatalino lahat ng mga tao diyan. Nagbabasa kasi sila ng libro eh! Tas ang iba naman ay nagdadrawing o nagcecellphone! Sus mabuti nalang at hindi akonabelong diyan! Napakaseryoso kasi nila!!
At nandito na kami ngayon! At last!! Sa tapat ng classroom namin! Yes! Pinihit ni Faye ang doorknob at pumasok na kami sa loob. Napatingin silang lahat sa amin. Grabe ha! Ano ba ang ginawa namin?!
"Hi guys!! Kami pala ang mga transferees!! Nice to meet you all!!" After sinabi ni Faye yun ay nagpalakpakan sila. Ang weird naman ng mga taong toh!
Lumapit sa amin ang isang lalaking may katangkaran sakin ng konti at kayumanggi ang kulay ng skin niya. Napakapormal niyang tao. Mascular din siya. But above all, hindi ko siya type. Hehehe wala lang! Ayoko muna maglablyp noh! School is my priority first. Later na yang lablyp!!
Palapit ng palapit ang lalaki sa amin. May weird smile din siya. Ang weird noh? It's more of a smirk. Tumigil siya sa pagpalakpak, gayun din ang iba.
"WELCOME TO 11-BEST!"
A/N:
Did you like it guys?? Hehehe siguro nagtataka kayo kung si boy na lumapit sa kanila yung isa sa weirdos. Well, isospoil ko nalang kayo! Hehehe... Hindi po yun isa sa mga kaloveteam ng ating bida! He is playing for a role of... secret! Hahaha!! Next chapter niyo malalaman!! Magvote at mag comment din kayu para masaya!!
Enjoy reading pipol!! 😉
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Roman pour AdolescentsMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...