Yohanna's POV
Nasa isang coffee shop kami ngayon malapit sa school with tuko—I mean Barbie. Panay parin ang kapit niya sa mga braso ni Ken kasi silang dalawa ang magkatabi at katapat ko naman si Ken. Itong katabi ko naman, parang wala lang sa kanya yung ginagawa ni Barbie sa kasama namin na para bang sanay na siya. Ugh!! Bakit ba kasi sinali nila ako dito?!!
"Hey Ken, have you heard of the news?" Basag ni Jex sa katahimikan. Ahh... I think the news he is talking about is Angel's murder. Hindi Angel's burger ah! Murder!
"Ano? Sobra kasi akong natense nung malaman ko na may bwisita na bibisita sa'kin." Pagpaparinig niya sa tukong kapit ng kapit sa kanya. Parang wala lang sa katabi niya ang sinabi niya kasi patuloy lang ito sa pagkapit eh.
"One of our schoolmate was murdered yesterday. You know Angel? Yung anak nung isang Casino owner?" Nagulat ang dalawa, yeah kasama yung tuko, sa sinabi ni Jex. Oh, ang rich nila grabe! Nahiya ako! Sobra!
"Oh si Angel Buencamino. She is the daughter of Mr. Gustave Buencamino the owner of Staria Casinos. He is one of the closest friend of my dad and so as Angel, she is my friend. I really feel bad for her." Di ko alam pero feeling kaplastikan parin yung naririnig ko sa kanya. I just rolled my eyes.
"Ahh! The allegedly mafia boss. Bakit? About ba sa pagkakadawit ng tatay niya sa underground economy kaya siya napatay?" Tanong ni Ken sa kasama ko. Tumango naman ito bilang tugon.
"I think iniisa na nila ang mga anak ng mga kasali sa mafia. And I think na may isang mafia na gustong tumapos sa mga possible mafia heirs." Seryosong tugon ni Jex. Bakit ba kung about sa mafia na yan ang pinag-uusapan ang seryo-seryoso niya?
"Ehem! Excuse me? Baka nakakalimutan niyo na nandito pa ako? Pwede ba! Wag niyong pag-usapan ang taong patay na! Nangyari na ang nangyari! Bakit ba ang seryoso niyo about sa mafia na yan? Kasali ba kayo? Kayo na ba ang susunod na biktima?" Sabi ko sa kanila. Iniignore na nila ako eh! Matapos nila akong idrag papunta dito?! Gagawin lang pala ang spectator?!
"Hindi naman sa ganun. Concern lang kami sa mga inosenteng schoolmates natin na walang kaalam-alam tungkol sa pagsali ng mga magulang nila sa isang sindikato. Baka kung sinu-sino pa ang madamay sa gulong ito!" Paliwanag naman ni Ken. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Concern? Kailan ka pa nagkaconcern?" Pagbabara ko sa kanya.
"May concern kaya si Ken ko! Ikaw yata ang wala eh." Sabat ng babaeng tuko na kumakapit parin sa braso ni Ken.
"Ken ko my ass! Maka 'Ken ko' ka akala mo sa'yo si Ken! At FYI, ang plastic mo gurl! Try mo kaya idispose yang sarili mo sa trashcan para naman masave ang mother earth natin!" Bara ko naman sa babaeng tuko na to. Napupuno na ako eh. Alam niyo naman na maldita talaga ako! Tumawa lang ang mga kasama namin. Anong tinawa tawa nila? Am I funny?!
"Hahaha!! So what kung plastic ako? At least I'm an imported plastic and made with sophisticated design. Eh ikaw? Isa kalang pipitsuging malandi na gustong makuha ang Ken ko! Let me remind you na wala kang alam about business and not in good terms ang dalawang pamilya niyo! Kung ako kasi sa inyo, wag niyo ng ulitin ang nakaraan! Dahil kung hindi, mauulit din ang kapalaran niyo sa kapalaran noong nakaraan." Sabi niya sabay walk out. The hell?! Ano ba ang pinagsasasabi niya?! Hindi ko nga nilalandi ang lalaking to eh! Siya yung lumalapit no!
"I'm really sorry about that Yohanna. Alam ko naman na b*tch yung babaeng yun at may split personality disorder pa! I'm really sorry na kinaladkad pa talaga dito." Sabi ni Ken sabay hawak sa kamay ko. Ano ba tong lalaking to! Chansing! Agad namang binawi ni Jex ang kamay ko para makawala sa kamay ni Ken. Ehh? Anong nakain nito?
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Novela JuvenilMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...