Chapter 33: Nasaan ka, Yohanna? II (Encountering Ex)

242 7 1
                                    

Christian's POV

Maaga akong nagising ngayon, bakit? Hahanapin ko pa kasi ang maganda kong kapatid. Naglayas siya dahil sa pagkasinungaling namin. Haaay... Sana pala sinabi ko na sa kanya to noon pa.

Gagawin ko kasi yung request nung classmate ni Yohanna slash kapatid ng ex ko na si Ken. Napag-isip-isip ko kasi na its about time na harapin ko babaeng nasaktan ko. Ayokong may grudges pa siya sa'kin gusto ko ng humingi ng tawad.

Nung sa intramurals nila Yohanna muntikan na kaming magkita, buti nalang umalis agad ako. Pero ang di mawala sa isip ko ay yung batang karga-karga ko na sa kanya pala. What if totoo nga ang tukso sa'kin ni Yohanna? What if anak ko nga yun?

Kung sakaling magkita nga kami ngayon, gusto ko ring malaman ang tungkol dun sa bata. If that kid is mine, dapat ko tong tanggapin at sustensuhan. Okay lang sa'kin na hindi kami magkabalikan ni Kendra basta makita ko yung bata, okay na.

Papunta na ako sa dinning table namin ng naabutan ko si daddy at si mommy na nag-iiyakan. Simula kasi nung nabalitaan ni daddy na nawawala si Yohanna, umuwi siya agad dito para tumulong sa paghahanap.

Hindi ko nalang dinestorbo ang moment nila at pumunta nalang sa kusina at magtoast ng sarili kong bread. Toast at coffee sapat na sa'kin.

***

Kanina pa ako palakad-lakad at patanong-tanong dito sa aming subdivision pero wala niisa sa kanila ang nakakita kay Yohanna. Haaay! Nasaana ka na ba Yohanna?!

Isang bahay nalang ang hindi ko pa napagtatanungan. Ang bahay na pilit kong iniiwasan. Ang bahay na pilit kong kalimutan. Pero kahit anong pilit ko, naaalala at nakakasalamuha ko parin ito.

This is the moment of truth! Wala na tong atrasan! Kung nakaya ko nga ang panliligaw sa kanya 4 years ago edi makakaya ko rin to!

Pagdoorbell ko, agad kong pinunasan ang namumuong pawis sa ulo ko. Woooh! Nakakakaba naman nito!!

Pagbukas ng gate, iniluwa nun ang kasambahay nila na si aleng Neva. Isasarado na sana ang pinto kasi nakilala niya yata ako kaya agad ko naman itong pinigilan.

"Hey aling Neva! Please naman oh! Papasukin niyo naman ako kahit saglit lang! Itatanong ko lang sa kaklase ni Yohanna kung nandito ba siya!" Sabi ko sa kanilang kasambahay. Agad naman itong umiling.

"Pasensya na talaga hijo! Ayaw na ayaw kasi ng tatay nila na papasukin ka dito! Kaya umalis ka na." Pakiusap ni aleng Neva habang sinusubukan niyang isirado ang gate. Agad ko naman siyang pinigilan.

"Sige na po! Kahit saglit lang po! Hindi naman ako nanggugulo eh! Please po alen Neva!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Bumukas ang pinto ng mansion nila at iniluwa dun ang batang—Ano nga ang pangalan niya? Jason?

"Aleng Nena! What are you doing?" Tanong niya kay Aleng Neva. Agad naman siyang napatingin sa'kin. Lumawak ang ngiti niya at dali-daling tumakbo papalapit sa'kin.

"Daaaaaddddddyyyyyy~" Sigaw niya sa'kin sabay yakap sa'kin. Wow! Ang bilis ng instincts ng batang to!

"H-hey there kiddo!" Sabi ko sabay karga sa kanya. Grabe. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Is this what they call, lukso ng dugo?

"JOOOOOHN!! STAY AWAY FROM HIM!!" Nagulat nalang ako ng biglang may babaeng humablot kay Jerome—I mean John sa'kin. Oppss.. Nandito na si angry mama.

"But he is my da—"

"He is not your daddy!! Matagal ng wala ang daddy mo! Dapat na siyang kalimutan at ibaon sa lupa!!" Ouch. Sakit nun ah. Parang wala lang ako dito. Haaay... Same old, same old Kendra.

Chatting With The WeirdosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon