Yohanna's POV
WHAT THE HELL AM I DOING IN MR. T'S MANSION?!! AGAIN?!!
Sinong ungas ang nagdala sa akin dito sa lugar na 'to?!! All I remembered is yung barilan ng mga goons at ni....
YORIN?!!!
●▽●
Hindi kaya si Yorin ang nagdala sa akin dito? Pero bakit dito?!! Hello!! May bahay ako!!
Agad akong tumayo pero bigla akong nahilo. Sheeeeeet kakabangon ko lang palaaaaa!!
Agad akong napaupo pabalik sa kama dahil sa hilo. Anak ng pusa naman oh! Ngayon pa ako nahilo!
Napaangat ako ng tingin ng may biglang nagbukas ng pintuan sa kwarto. Isang katulong lang pala ang dumating.
"Ma'am, gising na po pala kayo. Ito pala yung pagkaing pinapaakyat ni Master sa inyo. Sige po, enjoy your meal!" Sabi ng katulong sabay lapag ng pagkain sa mesa. Agad naman siyang umaktong umalis ng magsalita ako.
"Sandali!! Diba bahay to ni Mr. T? Yung Big Boss? Siya rin ba ang nag-utos sa'yo na dalhan ako ng pagkain?" Tanong ko kaagad sa kanya. Nakahawak parin siya sa doorknob kahit nakatingin sa akin.
"Opo ma'am. Pero hindi po si Master T ang nag-utos sa akin. Yung isa pong Master namin." Sagot niya sa akin. Huh? Dalawa ang master? Pwede ba yun?
"Sinong 'Master' ba ang tinutukoy mo?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Isa po sa mga kasamahan ni Master T ma'am." Sagot niya sa akin. Ay... Akala ko na kung sino pang boss ang sinasabi niya.
"Sige na ho. Tutuloy na ho ako." Sabi niya sabay bow at umalis. Tumango-tango nalang ako. Akala ko kung ano na eh.
Agad akong lumapit sa mesa at nilantakan ang pagkaing dinala ni ateng katulong kasi gutom na gutom na ako! Grabe!! Wala nga akong lunch eh!! Tas nakatulog pa ako hanggang gabi!
Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinalughog ang buong kwarto ko para hanapin ang bag ko para makauwi na ako. Baka kasi nag-aalala na si mommy, si daddy at kuya Christian sa akin!
Nakita ko ang bag ko sa drawer malapit sa kama. Pero napag-isip-isip ko, bakit ba ako tatakas kung wala naman akong takas dito diba?
Hay! Maka online nga muna! May wifi naman kasi dito eh. Hehehe...
Eme's POV
Ay nag-improve! May POV na ako!! Hahahahaha!!
Well, anyways! Nandito ako ngayon sa apartment ko. Sobrang BORING! GRABE! Di ko naman machat ang anak-anakan kong gaga na si Yohanna dahil out of reach! Di nag-oonline!!
HAY NAKU!! SAANG LUPALOP NA NAMAN KAYA NAGSUOT YUNG GAGANG YUN?!! NI HINDI MAN LANG AKO NAKAKUHA NG CHIKA PATUNGKOL SA DATE NILA NI YORIN——
OMFG?!!! DI KAYA MAY NANGYARI SA KANILA?!! LIKE--LIKE--- DINALA NIYA SI YOHANNA SA ISANG MOTEL TAPOS... TAPOS NAG-STAY SILA SA IISANG ROOM TAPOS---NAG CA-COWGIRL-----
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Teen FictionMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...