Chapter 32: Nasaan ka, Yohanna? I (Worried Classmates)

278 8 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Di parin makapaniwala ang pamilya ni Yohanna dahil sa paglalayas nito. Nagsisisi sila dahil sa hindi nila pag-amin kay Yohanna about sa Mafia thingy na kinasangkutan ng kanilang pamilya.

Ginagawa nila ang lahat para mahanap si Yohanna. Binalikan nila ang ospital kung saan siya huling nakita, nagtanong sa mga kaibigan, kaklase at teachers, at nanawagan na rin sila sa mga radyo at telebisiyon.

Ngunit kahit anong hanap ng pamilya kay Yohanna, hindi nila ito makita. Kung magtatanong lang naman kayo sa'kin sa comment section kung nasaan na si Yohanna dahil ako yung author at baka alam ko ang sagot, pwes nagkakamali kayo! Ano ako? Wizard? Duuuh! Tao ako no! Si Lord lang ang may alam kung nasaan na yung si Yohanna!

Ito namang mga kaklase ni Yohanna, tumutulong na rin sa paghahanap sa kanya. Nag-aalala na daw sila para sa kaligtasan ng kanilang magandang kaklase.

*11-Best ✌_________________________

Jex: Ano? May balita na ba kay Yohanna? 😓

Emanuel: Wala parin bro! 😞

Carol: Naku!! Kawawa naman ang kambal ko! 😭😭

Yorin: Sabi sa news kanina, nakaligtas na raw si Francis sa bingit ng kamatayan. Nakuha successfully ang bala sa likod niya. Okay na siya ngayon pero si Yohanna, she is still on the loose. 😞

Faye: Bakit ba kasi inarrange marriage pa si Yohanna eh!! Edi sana hindi siya nawala ngayon!! 😠

Eme: Hindi naman siya nagalit dun sa arrange marriage eh... Baka sinisisi niya ang sarili niya sa pagkabaril ni Francis... 😞

Jex: Bakit parang alam mo yata ang bagay na yan Eme?

Eme: Ah eh ano kasi.... Ako yung unang sinabihan ni Yohanna about sa you know... 😁✌✌

Faye: What?!! You know na ikakasal na siya?!! 😱😱

Jex: Sinabi niya sa'yo?!!! 😱😱

Eme: Oo? Hehehe... Mama niya ako eh! Siyempre no secrets! 😉

Ken: Bwisit ka Jex!! Bakit mo hinayaang makawala dun si Yohanna!! Edi sana hindi siya nawawala ngayon! 😠

Jex: Hindi nga ako makalapit dun eh!! Alam mo naman siguro na secured siya sa mga tauhan ni Francis na archnemisis namin! 😒

Ken: Kahit na bro!! 😭😭

Ken: Di ko kayang mawala si Yohanna!! 😭😭😭😭

Ken: Ikamamatay ko yuuuuun!!! 😭😭

Eme: Drama mo! Bakit kayo ba? 😏

Carol: Kung ikamamatay mo ang pagkawala niya, bakit ka pa nagchachat? 😏😏

Charlie: Ang bakla mo dude! 😂😂

Ken: Nevermind that! Pinakialaman ng kapatid ko ang phone ko. 😒

Jex: Si ate Kendra? Weehh?? Di ako naniniwala... 😂😂

Carol: Palusot pa more Ken! 😂😂

Faye: Wag mo ng ipagkait, bulilyaso ka na namin!! 😂😂

Ken: Kainis kayo ah!! Sabing nevermind it na nga eh!! 😒😒

Eme: Hala! Nagalit yata si Father! Naku bad yan sa image mo! 😂😂

Ruvy: Oh ano mga fafalabs at sangres? May balita na ba sa gagang kaibigan nating si Yohanna?

Chatting With The WeirdosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon