Yohanna's POV
Hinatid ako ni Ken pagkatapos namin sakyan ang lahat ng rides sa school. It was fun! But I screwed up at the roller coaster and vommited at the CR. That was gross. VERY gross!
"Thanks for the rides kanina! I enjoyed it." Sabi ko sa kanya sabay hagis ng helmet niya. Nasalo naman niya agad ito at nilagay sa handle ng motor niya.
Bumaba siya ng motor niya at lumapit sa'kin with a happy smile. Nung una hindi siya makapaniwala pero agad itong napalitan ng isang ngiti.
"Really? So, mahal mo na ba ako?" Nagulat ako sa sinabi niya. Grabe? Agad-agad?! Di ba pwedeng like muna?
"Ang atat naman nito! Nag-enjoy lang mahal agad? Di pwedeng like muna?" Sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya.
"HAHAHAHA!! Okay, mas okay na yung like mo ko kaysa nothing. Sana ma-improve pa natin yang like na yan." Sabi niya sabay hawak ng mga kamay ko.
"I think this is the only chance na sabihin ko to sa'yo." Sabi niya in a serious tone. Bigla namang tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"What is it?"
"I want to..... Ano... Gusto kong ligawan kita! Pwede ba?" Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!!
"I-I don't know? S-sige? Why not?" Sabi ko sa kanya kaya napa-yes siya at sumuntok pa sa hangin. Grabe ah! Hindi ko pa nga sinasagot!
"YES!! I promise you, gagawin ko ang lahat mapasagot lang kita!!" Sabi niya sabay yakap sa kin ng mahigpit. Ugh! I can't breath!
"Galingan mo talaga! Alam mo naman siguro na high standard ang hinahanap ko sa lalaki." Sabi ko sa kanya. With a wink. Hinawakan ko ang kamay niya at inintertwine ko.
"But I'm sure you'll exceed my expectations, hon. Ikaw pa?" Sabi ko sa kanya sabay kiss sa cheeks niya. Nanlaki ang mata niya at hinawakan ang pisngi niya.
"Bye!! See you tomorrow!" Sabi ko sa kanya sabay takbo papunta ng gate namin. Iniwan ko siyang nakatunganga parim sa labas. Pfft! Hindi parin makamove on!
Pagpasok ko sa bahay, sobrang tahimik nito na para bang walang tao. O hindi naman kaya wala talagang tao dahil busy?
Pagdating ko sa sala, nandun si mommy with a wine on the center table. Aahhh... Kaya pala ang tahimik.
"Dumating ka na pala." Sabi ni mommy habang binebeso ko siya.
"Aakyat na po a-"
"No, stay here. May sasabihin ako sa'yo." Sabi niya sabay pat sa sofa saying that I should sit beside her.
Ginawa ko yung sinabi ni mommy at nilagay naman niya ang wine glass the center table. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Your engagement with Mr. Kim is moved." Nagulat ako sa sinabi ni mommy at the same time happy. What?!! Seriously?! Yes!!
"Really? Mommy? When?"
"When you reach the age of 18."
"WHAAAAT??!!" That's even worst!! Next year is my birthday!! So meaning I only have a year to stay single?!! What the f?!!
"But why?!! Sabi niyo hindi kayo nagmamadali?!!" Pangangatwiran ko. Hindi to tama! Ni hindi ko nga masyadong kilala yung tao!!
"The market is slowing down. Kailangan na nating ipag-isa ang company ng mga Kim at ng Bay para hindi tayo ma bankrupt. When you will marry him, masasalba natin ang kompanya natin at magkakaroon ka ng maginhawang buhay! They earned millions a month dahil sa ilang mga business nila." Pag-eexplain ni mommy. But bakit ako pa?! I'm sure magagawan nila ng paraan yan diba?
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Teen FictionMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...