Yohanna's POVMake-up. Check!
Mabangong perfume. Check!
Pinakamagandang casual dress sa wardrobe ko. Check!
Cute accessories. Check!
Cute na backpack. Check!
Cute na white rubber shoes na may cute na socks din. Check!
Cute na hairstyle. Check!
Yaaaaaan!! Ang cute ko na! (*^ω^*) Dapat yata maganda ako at cute para sa first date ko (=^-ω-^=)
First date mo si Ken baka nakakalimutan mo? (〜^∇^)〜
Hindi kaya yun date! It was a hangout!! Magkaiba yun!!
May hangout bang naghahalikan?
〈( ^.^)ノEdi wow! Sige, sabihin na natin na date nga yun at may nangyaring ganun nga. Pero iba to eh!! Hindi ako pinilit dahil kusa akong pumayag! (((´♡‿♡'+)))。
Edi wow din! Ang OA nito masyado!
‾︿‾Bahala ka diyan siszt! Basta ako, handang handa! Malapit na ang 8:00 kaya nagselfie muna ako bago lumabas ng bahay. Ipopost ko to sa fb at insta para mainggit yung unggoy at alagad ni santanas! Hahahaha!! Ipopost ko to as "#OTW2DateSome1 😍" ( • ̀ω•́ )✧
Ken's POV
Nakainis din minsan tung si Jex oh! Ako pa talaga ang sinama sa food tasting dito sa hotel na pinagbook niya para sa event ng mama niya. Sabi kasi ni tito Jonas, magpapa-homecoming party siya para kay tita Catherine. Kasi nga daw, kailangan malaman ng lahat na nagbalik na ang pinakamamahal niyang babae sa buong mundo. Kaya nga lodi ko tung si tito Jonas! Pareho kaming sobra magmahal!
<(‾︶‾)>Pero ito na nga, food tasting ang pinunta namin dito sa hotel pero hanggang ngayon wala pang food! Ano ba yan! Kanina pa kaming 7:30 dito!
"Wala pa ba ang food? Gutom na ako ehh (っ˘̩╭╮˘̩)っ" Sabi ko sabay pout. Ang sarap kasing asarin tong si Jex eh. (〜^∇^)〜
"Ang bakla mo talaga Johnson! Kaya nga hindi ka pa sinasagot ni Yohanna eh!" Banat niya sabay smirk. Gago din to minsan eh! Namemersonal! ‾︿‾
"Ikaw naman din ah! Kala mo kung sino makapagsalita! Atleast kami nagkakamabutihan na!" Pagmamayabang ko sa kanya. Binatukan naman ako ng loko. Aray ah! Alam niya bang napakahirap mag wax ng buhok ko?
"Assuming ka din noh? Nagkakamabutihan my ass!! For I know pinipilit mo lang siya! O hindi kaya aksidente!" NAK NANG! Bestfriend ko ba tong si Jex o bestfriend ni Yohanna?! Bakit kinakampihan niya si Yohanna?
"Akala ko ba bestfriend kita tol! Sinamahan na nga kita dito! Ano ba bang kulang—"
"Alam mo, tigilan mo na yan. Mukha kang bakla! Ang OA mo!" Pagpigil niya sa akin. Nak ng tinolang pato tung si Jex oh! Di niya pinapansin ang effort ng bestie for life niya!
"Bahala ka nga diyan! Mag-a-ROS muna ako! Buti pa dun! Makaka-chicken dinner pa ako at mapapansin ang effort ko!" Sabi ko sabay kuha ng phone ko. Nakakaganda kasi ng feeling ang paglalaro ng online games. Kasi nakaka-interact ka ng tao kahit nasa phone lang kayo naglalaro.
"Edi maglaro ka. Pero feel ko mas dapat mo atang tignan ang facebook post ni Yohanna." Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa sinabi niya. Agad kong inopen ang fb app ko at tinignan kung ano ang pinost ni Yohanna.
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Fiksi RemajaMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...