Chapter 25: Finding John

234 11 0
                                    

Kendra's POV

"JOOOOOHHHHNNN!!!"

"JOOOOOHHHHNNN!!!"

"JOOOOOHHHHNNN!!!"

Nasaan na ba ang batang yun!! Bibili lang sana ako ng cotton candy pero pagtalikod ko wala na siya!! Huhuhu... Nasaan na ba ang anak kong yun!!! Huhuhu.... Bakit ba palagi nalang akong iniiwan ng mga mahal ko? Naging pabaya ba ako? Masama ba akong tao? Hindi ko tuloy maiwasang maiyak sa paghahanap sa anak ko.

"Ate? Ate!! Bakit kayo umiiyak?" Tanong sa akin ng kapatid ko habang papalapit siya sa akin. Agad ko naman siyang niyakap.

"S-si John!! Si John nawawala!! Huhuhu... Naging pabaya ako!! Nalinga lang ako sandali tapos nawala na siya!! Huhuhu... Hanapin natin siya TimTim!!" Sabi ko habang nakayakap ako sa kanya.

"Hahanapin natin siya!! Let's go to the office, ireport natin to para mahanap natin siya ng mas mabilis." Agad siyang kumawala at agad akong hinila papunta sa office nila.

Pagdating namin dun, nakaclose ang office kasi 12 na pala kaya naglunch pa ang mga teachers!! Huhuhu... Si John!! Kawawang baby ko!! Umiyak ako ulit habang kalong ako ni Ken. Ang anak koo...

"Mahahanap natin si John ate. Pangako yan." Sabi ni Ken. Huhuhu... Sana nga!

Biglang tumunog ang phone ni Ken at nakarehistro dun ang number ni Yohanna. Kumawala muna siya para sagutin ang tawag ni Yohanna.

Bagay talaga silang dalawa. Sila na yata ang magpapatuloy ng naudlot na pag-iibigan namin ni Christian. Sana hindi magaya sa'min ang kanilang istorya. Sana hindi maging gago tung kapatid ko.

"Hello? Yohanna? Napatawag-T-talaga?! Thank you!! Thank you Yohanna!! We'll be there right away!!" Agad niyang binaba ang phone at tumingin sa'kin.

"Nasa booth daw namin si John! Nakita daw ni Yohanna kanina! Let's go ate!!" Hinila niya ako papunta sa booth nila. Hindi na ako umangal pa.

Ang gusto ko lang ay ang makita ang anak ko. Mabuti nalang at nandiyan si Yohanna. Ang bait niya talaga. Kaya boto ako sa kaniya para sa kapatid ko. They are meant to be and will always be.

Yohanna's POV

Nasa booth parin kami ni kuya habang karga-karga niya si John. Ayaw kasing kumawala ang bata sa kakayakap nito kay kuya. Hahaha!! Nagmumukha tuloy siyang tatay!

"Hoy Yohanna, kuya mo yan diba? May anak na pala siya?" Tanong sa akin ni Faye. Binatukan ko naman siya kaya napa-aray siya.

"Baliw! Pamangkin yan ni Ken! Nakita ko siyang naglalakad na umiiyak dun sa grounds." Sabi ko sa kanya. Hindi parin siya kumbinsido sa sinabi ko kaya nagtanong ulit siya.

"Pero magkamukhang-magkamukha sila! Sure ka bang hindi yung kuya mo ang tatay niyan?"

"Alam mo yan rin ang iniisip ko eh... Paano kung siya nga yung ama ng bata no? Alam mo kasi, ang bata-bata pa ng ate ni Ken, mga nasa 20s pa halos magkaedad lang sila ni kuya kaya hindi malabong siya ang pwedeng maging ama."

"Naku! Ang laking problema niyan pag nagkataon!"

Pagkatapos ang chikahan namin ni Faye, nagulat kami sa grand entrance ni ate Kendra habang umiiyak. Nakabutot lang si Ken sa kanya pero hindi gaya ni ate Kendra, hindi ito umiiyak. Agad akong lumapit sa kanila para kausapin.

"Ate Kendra-"

"Yohanna! Nasaan si John? Nasaan ang anak ko? Okay lang ba siya?" Natatarantang tanong ni ate Kendra sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya at ningitian.

"Okay lang po siya! Nandun po siya sa kuya ko, kinakakarga. Ayaw kasing bumitiw ni John sa kanya." Paliwanag ko. Biglang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Bakit? May masama ba sa sinabi ko?

"Kuya? Sinong kuya?" Tanong ni ate Kendra sa'kin. Oh! Hindi niya pala alam!

"Si kuya Christian ko po. Yung nakakatanda kong kapatid." Agad siyang napaiyak at pumiglas sa pagkakahawak ko.

Tumakbo siya papasok para tignan ang anak niya. Bakit? Ayaw niya ba sa kapatid ko? O hindi siya nagtitiwala sa hindi niya kakilala? Nakita niya ang anak niyang nakatulog sa sa benches pero wala na dun si kuya. Ehh? Nasaan si kuya?

"John!! Anak!! Buti ligtas ka! Huhuhu..." Mangiyak-ngiyak na tugon ni ate Kendra habang nakayakap kay John.

"Y-Yohanna, nasaan ang kuya mo?" Tanong sa'kin ni Ken na nasa likod ko pala.

"Hindi ko nga alam eh. Baka nag-cr." Sagot ko sa tanong niya. Bumuntong-hininga lang siya at nilapitan ang ate niya. Nakagising na rin si John dahil sa ingay nila.

"M-mommy? Why are you crying?" Tanong ng batang inosente. Haaay.. Ang cute niya talaga! Sana may pamangkin din akong ganyan!! Si kuya kasi ayaw pa mag-asawa! Tsk! Palibhasa kasi work ang inuuna!

"Akala kasi ng mommy na nawala kana baby! Huhuhuhu..."

"You know what mommy, I saw daddy today! He's alive ang kicking!" Masiglang sabi ng bata. Pffft!! Nagpigil nalang ako ng tawa ng sabihin niya yun. Inakala niya talaga na daddy niya si kuya? Grabe talaga!!

"He-He's not your daddy anak, his dead long time ago-"

"But he is so real!! He even hug me ang carry me!!" Kawawang bata talaga tong si John. Nakita lang yung kapatid kong kamukha niya, inakala niya ng daddy. Tsk tsk...

"Tama ang mommy mo John, hindi siya ang daddy mo. He's my kuya." Sabi ko sa bata. Napakunot naman ang noo ng bata. Awwee... Kahit nakakunot ang noo nitong batang to ang cute parin!!

"Noooo... He is my daddy!! I sa-"

"Ate Kendra umuwi nalang kayo ni John. He needs to rest." Putol ni Ken sa sasabihin ng bata. Napapout naman tuloy ang bata. Ang cute niya sobra!!

Tumango naman ang kapatid nito at umalis agad sa booth namin. Woooh! That was a commotion! Napailing nalang si Ken at tsaka napaface palm. Frustrated ganern? Bakit? Siya ba ang nawalan?

"Oh? Parang frustrated ka diyan? Ikaw ba yung nawalan ng anak ha?" Tanong ko sa kanya. Bigla siyang tumingin sa akin at nagsmirk. Siya lang talaga ang unggoy na nagsismirk! Grabe! Nice talent!

"Haaaaayy... Alam mo ba ang nangyari 3 years ago? Bago umalis ang kuya mo papuntang Europe?" Tanong niya sa'kin. Huh? Ano naman ang kinalaman noong 3 years ago sa present?

"Bakit mo naman naitanong?"

"Just answer it!" Siya pa tong galit ganern? Inirapan ko nalang siya baga magsalita.

"I don't know what happened 3 years or how many years pa ang dumaan. I was in the hospital all the time o hindi kaya nasa bahay lang... I am not intouch with the civilization. I am a nobody before." Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Tsk! Ang iyakin ko talaga!

"What do you mean?"

"I have a congenital heart disease and kakatransplant ko lang last year."

Chatting With The WeirdosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon