Sorry ah? Di pala to update!! 😁✌✌ Isishare ko sa inyo ang nangyari sa'kin kaya ako nagmahal, nasaktan, gumanda HAHAHAHA 😂😂
Ganito kasi yun....
Naranasan niyo na bang pinagpalit sa sarili mong kaibigan?
Like close friend mo si girl tas pinili ni boy yung close friend mo kesa sayo?
That's what happened....
Meron akong classmate na nagconfess sa akin noong nakaraang buwan. He said I was his first crush back then first day of school. And I feel flattered kasi I never expect that someone would ever confess on me. Kasi nga, maganda ako sa unang tingin na aakalain ng iba na maldita at may boyfriend. Ako yung tipo na baabe na kinatatakutan ng lalaking matino kasi feeling nila madali daw akong masaktan, in short, I am fragile in their eyes.
Before kasi nung nagconfess siya, friends na talaga kami, super close friend ko siya. Yun nga lang sa chat lang. Hindi kasi niya ako kayang harapin in person kahit na classmates lang kami dahil nga, super ganda ko na to the point na nahihiya siyang lumapit sakin. Pero luuh, di ako na ngangagat. Promise! Ang bait ko kaya!! Approachable nga ako ehh.
But nevertheless, noong palagi kaming nagchachat, I have this feeling na may crush talaga siya sa'kin. Well nakakaintindi kasi ako sa mga kilos ng tao kaya alam kong meron talaga siyang pagtingin sa'kin. Dahil kwela naman siyang kasama, unti-unti narin akong nahuhulog sa kanya.
Kaya noong nagconfess siya, I also confess na we feel the same way. The feeling is mutual. I like you. I love you. Kaya ayun, nag MU kami kasi daw pa daw niya mag involve sa isang relationship. May endearment pa nga kami eh.
Sa chat lang kami sweet actually. Hindi kami showy sa classroom like holding hands or akbay2 churvaness. Sobrang layo namin, as in! Ang laki ng distance namin! Hindi nga nakapaniwala ang ibang kaklase namin na magMU kami eh. Hinsi kasi siya lumalapit sa'kin. Lumapit siya sa'kin minsan noong may sinus ako. Siya mismo yung naghilot sa'kin kaya ayun nalaman nila na magMU pala kami.
We only lasted for 3 or 4 weeks lang ata. Kasi nga, may mahal daw siyang iba. Bale dalawa daw kaming mahal niya at nalilito siya kung sino yung pipiliin niya. Pero nung una, hindi pa niya sinabi kung sino, ang alam ko lang, kaibigan ko raw.
Kaya nagmamasid ako sa classroom kung sino ba yung isa niyang mahal, hahahaha investigate at nag-oobserve kung baga. Tas noong friday, bago niya sinabi yung pangalan sa girl, nakita ko silang magkasama ni girl, yung friend ko. I was hurt. Kasi dapat ako yung kasama niya, hindi yung kaibigan ko.
Kaya nung gabing ssasabihin niya sana kung sino ang babaeng mahal niya, inunahan ko na siya. Like duh!! Ano ako tanga, para hindi alam na siya yung tinutukoy niya?? No one can escape from my observation skills.
Sabi ko sa kanya, "okay lang na siya yung piliin mo, atleast alam kong nasa mabuti kang mga kamay." I trusted my friend. I value friendship over relationship. Mas mahal ko ang kaibigan ko kaya ako nalang mismo ang naglet go. Kaysa naman ihold ko pa siya na alam ko naman na mas mahal niya ang kaibigan ko diba?
Kaya nung wala na kami, yung squad ko naman yung nasaktan para sa'kin. Eh masakit naman talaga na ipagpalit ka diba? At sa kaibigan mo pa!! They feel sympathy on me. Nakakaawa daw ako. Tas negative comment agad kay boy kasi iniwan daw ako. Hahahaha mahal talaga ako ng mga kabarkada ko 😂😂
Sabi ko kay boy na support lang ako sa inyo ng kaibigan ko. Pero pagnakikita ko sipang sobrang sweet sa classroom, napapaisip ako, "Bakit kung si girl yung MU niya, napakasweet niya samantalang ako, ang layo-layo ng loob niya sakin?" Like ang unfair diba tas ang sakit tignan na yung mahal mo noon, mas masaya sa iba.
So ayun, kinonfront ng BFF ko si boy. Sabi niya, "delicadeza lang sana kayo ni ano kasi brokenhearted pa yan, bago mo lang siya iniwan tas magswesweetan kayo sa harap niya? Respeto naman kayo kahit konti oh." Kaya natauhan siya sa sinabi niya. Oo, okay ako na may relationship sila, pero sana naman wag sa harap ko. Masakit sa heart eh. Sobra.
But now, okay na ang lahat. Friends parin kami ni girl at ni boy. Pero yung dalawa, ewan ko lang. Sobrang labo ng relationship. Sa umaga, sobtang sweet nila na para bang nilalagam na sila dahil sa sobrang sweet nila. Tas kung gabi naman, magsesenti!! Hihingi si boy sakin ng mga advice at ways daw para maglet go! Tas sa umaga ulit ang sweet nanaman! Oh diba! Ang labo!
Napapasip na ako minsan eh, "Kung ako kasi sana yung pinili niya, hindi siya magkakaganyan!" Marmi kasing kaibigan na lalaki si girl kaya parating nagseselos si boy. Lapitin ako ng mga lalaki, pero snobber ako kaya kung ako sana yung pinili niya, hindi siya magseselos!! HAHAHAHAA 😂😂😂
Ngayon, dahil wala na akong problema sa lovelife, sumali ako ng pageant, kasi nga, "nagmahal, nasaktan, gumanda" daw ako sabi ng mga kaibigan ko. Unfortunately, hindi ako napili sa Ms. Intrams. Hanggang top 12 lang. Hindi ako sporty eh hahahaha 😂😂
Yun lang ang nakakaumay kong love story na nauwi sa wala. Hahahaha makakahanap pa ako ng mas gwapo at mas matangkad sa kanya noh!! Ang ganda ko kaya tas aasa pa ako sa kanya? No way!! No second chances bruh!
Sabi nga noong last episode sa MMK, "He was my first love, but he broke my heart."
Hahahaha sana hindi kayo na bored na bagbabasa nito at thank you kasi binasa niyo.
I'm just sharing this kasi, wala lang. Gusto ko lang malaman niyo na as an author, may pinagdadaanan din ako. Hindi tayo perpekto. 😃😃
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Teen FictionMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...