Yohanna's POV
Haaaay.... Ang boring naman dito sa room ko!! Hehehe... Maka-'room ko' parang akin na talaga ah... Basta! Ang boring dito!!
Pagkatapos kasi namin kumain kanina, pinabalik niya ako dito at sinabihan na wag aalis hangga't hindi niya ako tinawag. Ugh! Ano ba kasi ang problema ng lalaking yun?! Bakit ba kailangan kong mag-stay dito?!
That's it! Hindi na kaya ng curious mind ko ang pagkukulong niya sa'kin! I need to go and find out what's his motive para ikulong niya ako dito.
I sneak out of my room at tinignan kung may guards ba siyang nilagay sa labas ng kwarto. Hoh! Buti wala. Masyadong tahimik yata sa baba kaya I assumed na wala siguro si Mr. T. Baka nag-shopping or may ginagawa sa "other business" niya sa underground economy.
Hindi na ako bumaba ng hagdan kasi natour ko na dun kaninang umaga. So dito nalang ako sa 2nd floor magtour para di na ako maligaw pa!
Nagsimula na akong maglakad papuntang east wing. Yung kwarto ko kasi nasa west wing kaya east ako pupunta. Ang dinig ko kanina sa mga kasambahay niya, nasa dulo ng east wing ang kwarto ni Mr. T. Hmmm... Puntahan ko kaya? Wala naman sigurong masama kung sisilipin ko yung kwarto niya diba?
Habang naglalakad ako papuntang east wing, may nadadaanan akong mga portraits ng mga naggagandahang mga babae. Wow, ito siguro yung mga collection ni Mr. T no? Hahahaha joke lang! Ang sabi sa label, sila yung mga babaeng naging Queen ng mafia. Wow... Mula pa talaga 1959 ah hanggang 1991! Si Mrs. 1991 ang last na babae na naging Queen ng mafia. Ang sumunod sa kanya ay...
Ang sumunod na portrait ay empty. Ehh? Bakit? Ahh!! Baka nakalaan yan para sa magiging bride ni Mr. T!! Ang swerte pala siguro ng mapapangasawa niya no? Nasa kay Mr. T na kasi ang lahat. Mayaman, gwapo (di ako sure kasi nakamask), yun nga lang mas cold pa siya sa north pole! Pinaglihi yata kay Yeti!
The next room na nakita ko ay ang double door the room. Wow social! Double door talaga?
I opened a little space on the door para maka-peak kung may tao ba. And... May tao nga! I mean, mga tao kasi marami sila, hehehe... I think nagmemeeting sila. Hmmm... Mafia meeting huh?
"Mr. T, this serial killing is really getting on our nerves!! We need to do something!! Baka ang anak ko na ang sunod na madamay diyan!!" Sabi nung matabang kalbo na parang buddha. Nasa harap nila si kuya T na naka krus lang ang mga kamay na para bang nalalanangin. Grabe, ganyan ba talaga ang mannerism ng mga mayayaman?
"There is nothing to worry about Mr. Guzman. Hinahunting na ngayon ng mga assasins ko ang taong may pasimuno nitong lahat. He needs to pay for making Yohanna's lives on the line! Speaking of Yohanna, Mr. Bay? Do you have any lead kung saan pwedeng mag-stay si Yohanna?" My ghad?!! Nandito pala si kuya?!! At ayiiiee~ Pinagtakpan ako ni kuya T!! Lamat T!!
"I have a hunch na nasa kaibigan o ka ibigan ng kapatid ko siya nag-stay. Sabi ni Kendra, siya na daw bahala sa kapatid niya at kumbinsihing isurrender na siya." Nagulat naman ako sa sagot ni kuya. Si ate Kendra at si kuya? Friends na?! At ano yung sinabi niya kanina? Ka ibigan?!! Dapak!! Paluin ko kaya to eh!!
"Bati na kayo ni Kendra?" Nagtatakang tanong ni kuya T. Ehh?? Nag-away ba sila? Ah! Kaya siguro ayaw niyang makita si ate Kendra nun. Tsk tsk tsk...
"Yeah, nagkasundo na kami regarding kay John. Pero di pa daw niya ako fully na patawad. Grabe, para parin siyang bata." Natatawang sambit ni kuya. Teka, ano yung sinabi niya?
"Whaaaaat?!!!" Napahawak ako bigla sa bibig ko. Shit!! Traydor kang bibig ka!!
"Ano yun?!!"
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Dla nastolatkówMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...