Chapter 26: Heart

296 12 0
                                    

Yohanna's POV

Nakaupo kami ngayon ni Ken dito sa isang bench malapit sa booth namin. Naisipan niyang sa labas nalang ipagpatuloy ang pag-eexplain ko para makalanghap ako ng sariwang hangin.

"M-may sakit ka sa puso? Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Sa amin?" Nagtataka niyang tanong. Huminga muna ako ng malalim bago pa ako magsalita ulit.

"Ayokong kaawaan niyo ako. Gusto kong mamuhay ng normal gaya niyo. Gusto kong maranasan ang buhay na natatamasa niyo niyo. Kasi buong buhay ko nun, nasa ospital lang ako, o hindi kaya sa bahay. Ang daming bawal!" Sabi ko sa kanya sabay pahid ng mga luha ko. Ghaaad!! Ang iyakin ko naman!!

"I was born with a hole on my heart. Sabi ng doctor kailangan ko raw ng agarang transplant para hindi pa lumaki ang butas sa puso ko. Ginagawa lahat ng pamilya upang mabuhay ako. Si daddy, nagpakasasad sa trabaho dun sa UK. Si mommy naman naglibot kung saan-saan makakita lang ng donor. At si kuya, siya ang may pinakamalaking sakripisyong ginawa para sa'kin." Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa'kin na parang sabik na sabik siya sa sasabihin ko. Grabe! Interested ba siya sa kuya ko ah?

"A-ano ang ginawa niya?"

"Sabi niya sa'kin noon na may babae daw siyang mahal. Sabi niya, papakasalan daw niya yung babaeng yun kasi nga mahal niya. Childhood crush daw niya kasi. Until one day, na-admit ako sa ospital kasi mahihirapan akong huminga. Sabi ng doctor na lumulubha daw ang sakit ko at kailangan na daw ng agarang transplant upang maging okay ako. May nakita na si mommy pero hindi kayang mabili ng pamilya ko. It costed millions. Kaya walang choice si kuya kundi umalis ng bansa upang magtrabaho. He needs to put up a business in UK para mabili nila ang pusong iyon at isalin sa'kin. Kahit labag sa kalooban niyang iwan ang babaeng pinakamamahal niya, ginawa niya parin yun para maligtas ako. Para mabuhay ako. He is indeed my hero." Sabi ko sa kanya. Hindi ko namalayan na pati tong kasama ko, umiiyak na pala! Grabe! Ganyan ba talaga kadrama ang buhay ko?

"H-hindi ko alam na may ganun pala.. I'm sorry Yohanna kung naano kita. I really don't know na may sakit ka at yung kuya mo—" binatukan ko siya dahil sa ka-OAhan niya. Haaay naku!

"Wag ka ngang magsorry! Tanga! Hindi naman ikaw ang bumutas sa puso ko eh baliw! Pero kahit ganun, magaling na ako, still under observation pa ako. They need to see kung okay na ba talaga ako or what. Bawal daw muna ang excess feelings like depression and too much excitement. Baka daw sumakit ang puso ko. And also, bawal ako sa isang bagay na sumisira sa daang-daang puso sa mundo." Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Tssss... Ang week naman nito!

"Ano?"

"Edi PAG-IBIG! Bawal ako dun! Once daw kasing mainlove ako o masaktan, magiging irregular ang heartbeat ko which is a very big bawal sa'kin. Once I'm inlove, its either my heartaches or a miracle would happen." Napanganga naman ang kasama ko sa sinabi ko.

Grabe! So looking forward talaga siya na mamahalin ko siya? Huh! No way! Ikakamatay ko yun! Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tumingin sa'kin sincerely.

"I don't care kung bawal ka sa pag-ibig or what! I care is that I will love you Yohanna kahit hindi mo man suklian yun! Sapat na sa'kin ang presence mo! Gusto kong bumawi sa mga panahong sakim ako. Kung kailangan kong maghintay ng isang milagro, gagawin ko para sa'yo Yohanna." Sabi niya sa'kin habang humihigpit na ang kapit niya sa mga kamay ko. Napaiyak ako sa sinabi niya. Really? He'll do it for me?

"K-Ken? Mahal mo ba talaga ako?" I know that it is a stupid question pero gusto ko lang manigurado. Ayokong umasa no! Sakit kaya nun!

"Oo! Mahal kita! Hindi paba kita yun sa mga ginagawa ko Yohanna? Hindi parin ba halata sa mga pinaggagagawa ko para sa'yo? Ganyan ka ba ka manhid par—"

Chatting With The WeirdosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon