Chapter 14: Kiss

323 11 0
                                    

Yohanna's POV

Bwisit na bwisit ako tuwing nakikita ko sina Elise at Yorin sa kabilang table, naglalandian!! Ugh!! Dahil sa galit ko, tinusok-tusok ko ang cake na nasa harapan ko. Eh sa wala akong mabuntungan ng galit eh!!

"Hoy! Papatayin mo ba yang cake mo?" Tanong nung mokong kong kasama.

"Eh sa bwisit ako sa dalawang yun eh! Nakakainis!! Ugh!!" Tinodo ko pa ang pagtusok sa cake hanggang sa madurog na talaga ito. Pinagtitinginan na nga kami ng tao eh! Pero I don't bother. Bahala sila!

"Tignan mo lang sila oh. Mukhang magkakabalikan na sila." Sabay kuha niya sa cake niya at sinubo ito. Tinignan ko naman sila. Hay, is it time for me to let go? But wait! How did this devil know na nandito sila?

"How did you know that they'll have a date here, Johnson?" Bigla siyang nasamid sa kinakain niyang cake at dali-daling uminom ng juice. Yan! Ang takaw kasi!!

"*cough* Umm... I just know because nakita ko kasi si Elise na nagbook dito ng reservation and I think it is so suspiscious kaya I book a reservation too. And that brings us here." Ahhh okay... Kaya pala nagyaya ang gago.

Dahil sa wala na talaga akong magawa, kinain ko nalang ang cake na dinurog ko. Sayang naman kasi kung di ko kakainin. Favorite ko pa naman tong black forest huhuhu...  Habang palalim ng palalim ang conversation ng dalawa, pasweet ng pasweet sila lalo. Shit!! Ang lalaswa niyo!! Mahiya naman kayo! PDA!! Ugh!!

Nang matapos na naming kainin ang mga cake, binigay na ng waiter ang bill namin. Kukuha na sana ako ng pera when this devil stop me and insist to pay the bill. I glared at him but still, he payed it.

"C'mon Yohanna, I insist. Its ashame kung babae ang pababayarin ko diba?" Sabi niya sabay abot ng pera sa waiter. Agad namang umalis ang waiter. Tsss.. Ang OA naman nito!

"You're so OA! Hindi naman tayo nagdedate diba kaya I insist to pay the half of the bill." Napailing nalang siya sa sinabi ko. Tsss... This man is really a pain in the ass!

"A date or not, I promised you that this is my treat kaya I have to fullfill it." Sabay hawak niya sa kamay ko. Agad ko namang kinuha ang kamay ko sa kanya. Anong akala niya sa akin?! GF niya?! Ha! Chansing tlaga ng isang to!

"Tigilan mo nga ako sa pagkahokage mo demonyo ka! Hindi nakakatuwa!" Dinuro-duro ko pa nga ang mokong nato! Mabuti nalang to kaysa mabugbog ko to! Nasa public place pa naman kami.

Pagkatapos ko siyang paglecturan, sumilip ako secretly nina Yorin at Elise. And to my suprise, they just did the most terrifying thing that would really make my heart break into pieces.

They've just kissed.

Hindi ko namalayang habang nakikita ko sila na ganun, umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang luha ko at dali-daling lumabas sa resto. Bahala na si Johnson dun sa loob basta ako, aalis na ako! Nung nasa labas na ako, dali-dali akong pumunta sa elevator at dun umiyak. Sakto kasing walang tao sa loob. Sasarado na sana ang pinto ng elevator ng biglang pumasok si Ken. Ano ba?!!! Moment ko to eh!! Wag kang epal!!

"Umalis ka nga!!! Moment ko to pwede ba!! Wag kang epal!!" Sabay punas ko sa mga luha ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko at tinanggal ang sunglasses ko. Ay, di ko pa pala natanggal.

"Shhh... It's alright. Hindi mo dapat inaaksaya ang luha mo sa taong yun dahil hindi pa naman kayo." Sabi niya sabay yakap sa kin. Okay, hindi ko muna siya gugulpihin ngayon kasi I need human support right now. Ang sakit eh! Ang sakit sa puso!

"Minsan kasi, mas nasasaktan ka ng may kasama siyang iba at mahal niya pa at alam mo naman na hindi pa kayo officially. Ang tanga ko grabe!!" Mangiyak-ngiyak kong sambit kay Ken habang kayakap niya ako.

"Sabi pa nga ni snake princess; 'Letting go may be tough, but you can't hold on to someone who isn't yours!'" Natawa nalang ako sa sinabi niya. Ginaya niya kasi ang the way snake princess talk. Wait! Fan siya ni medyo maldito?

"Fan ka pala ni Medyo Maldito?" Bigla kong tanong sa kanya. Eh sa curious ako eh.

"Yeah a little. Kaibigan kasi siya ng pinsan ko kaya I care to watch his hugot lines." Sus! A little daw tas memorize ang lines! Ang taray niya, may pinsan siyang kaibigan ni Medyo Maldito.

"Teka! May naisip ako! Para mas maka move on ka kay Yorin, dun tayo sa videoke bar sa 4th floor!" Sabi niya sabay pindot ng 4 sa elevator. Ano naman ang gagawin namin dun? Kumanta hanggang sa mabaliw?!

"Ano naman ang gagawin natin sa isang videoke bar, aber? Sing until we get insane?!" Bigla siyang natawa sa sinabi ko. What?! Wala namang nakakatawa ah!

"Its a videoke bar, Yohanna. There are drinks and pulutan. Kaya alam kong madali kang makakalimot doon." Sabi niya sabay hila sa akin palabas ng elevator. Nasa 4th floor na kami eh. Pumiglas naman ako sa pagkakahila niya dahil nga sa hindi ako umiinom.

"Gago ka! Paano ako makakamove on niyan kung hindi naman ako umiinom ng alak?!" Hindi parin nagpaawat ang demonyo at hinila ulit ako papuntang videoke bar.

"Try mo lang, pramis! Masarap talaga yung alak nila. And ito ang mas madaling way para makalimutan mo na siya." Sabi niya sabay hila sa akin papasok ng videoke bar.

***

Inom lang ako ng inom dito sa videoke. Wooohh!! Tama si Ken, ang sarap ng alak tas ang dali ko pang makalimot. Shots pa!!

"♬♪Diri nalang ko kutob! Diri nalang ko taman! Dili na ko mugukod sa tawng kusog mu dagan!♬♪" Kanta lang ako ng kanta dito. Bisaya to pero alam ko ang meaning no! Ito kaya ang kinakanta ni Medyo Maldito tuwing maghuhugot siya at iniiwan! Wooohh!! Inom pa ako!

"Shots pa!!" Sigaw ni Ken sabay bigay sa akin ng isang shot glass na alak.

"♬♪WOOH!! Kay kung di jud, di jud!! Wa na tay pugsanay!! Ay nalang, ay na kog atika!! Pero atik ra!! Ha, ha atik ra!! Ha, ha atik raaaa!!♬♪" Grabe! Ang astig pala pag lasing ka noh? Ganito pala ang feeling high! Woooh!!

"Ganito ka pala malasing noh? Napakawild mo! Grabe!!" Sabay inom niya sa bote ng alak. Grabe talaga tong lalaking to! Hindi parin siya nalalasing!! Kalmado pa ang gago!

"Teka! Hindi bakit hindi ka pa nalalasing?!!" Takang tanong ko sa kanya. Ehh ang pula ko na nga eh tas siya parang wala lang!!

"Sanay na kasi akong uminom kaya kaya di na ako gaano ka kalakas ng tama gaya mo." Sabi niya sabay inom. Sus! Nagtaka pa ako!! Demonyo nga pala tong kasama ko no? Mabuti pa't kumanta nalang ako.

"♬♪Move on-move on, murag uyab! Ambut ning dughan kong pataka rag pasagad! Nanu mang maglisud ko ug buhi na wa man ta ko guniti! Pugngi sad ko biiii!!♬♪" That line hits me.

Ang ibig kasi sabihin nun, 'move on ng move on hindi naman kayo, ano ba tong puso ko mali ang akala. Bakit ba mahirap na bumitaw na hindi naman ako hinawakan. Pigilan niyo naman ako.' Ang galing ko magbisaya noh? Huh! Pro ako eh!

"Alam mo Yohanna, dapat kasi ang lalaking katulad ni Yorin, binabali ang buto hindi minamahal. Marami naman kasing lalaki ang nandiyan eh! Nandito naman ako!" Sabi niya sabay turo sa sarili niya. Echosero din tong isang to!

"Hoy anak ni santanas!! Bakit naman ako papatol sa'yo, aber?!!!" Sabay upo ko sa tabi niya. Ang sakit na kasi ng paa ko eh! Kanina pa ako namamanhid! Nagulat nalang ako ng bigla akong akbayan ni Ken at lumapit ng husto ang mukha niya. Ano ba ang ginagawa niya?!

"Dahil mahal kita, Yohanna." Sabi niya sabay halik sa akin. SHIIIIIIT!!!! 😬😬😬😬😬😬😬😬😬😬

THAT'S MY FIRST KISS!!!!

Chatting With The WeirdosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon