Ken's POV
Papasok na ako ngayon sa school na nakahoodie. Ayoko kasing makita nila ang mukha ko. May black-eye kasi ako kaya naghoodie ako. You know why? Dahil sa nangyari sa amin ni Yohanna sa hangout namin.
Flashback
Lasing na lasing na si Yohanna pero kanta parin siya ng kanta. Pft! Ganito pala malasing ang babaeng to! And not to mention, nasaktan rin siya ng todo kanina kaya nagpakalasing ng todo.
"Alam mo Yohanna, dapat kasi ang lalaking katulad ni Yorin, binabali ang buto hindi minamahal. Marami naman kasing lalaki ang nandiyan eh! Nandito naman ako!" Sabi ko sa kanya. Ano ba Yohanna! Wag ka na ngang pa-hard to get!
"Hoy anak ni santanas!! Bakit naman ako papatol sa'yo, aber?!!!" Sabi niya sabay upo sa tabi ko. *smirk* I think its time for me to take a step in making her fall for me.
"Dahil mahal kita, Yohanna." Sabay halik ko sa kanya. Damn! Ang lambot ng labi niya. Sorry ka nalang Yorin, you wont be able to taste this soft lips of hers.
Kitang kita sa mukha niya na nagulat siya sa ginawa ko. So ano? Ma fafall ka na ba sa akin ngayon?
"Y-YOU PERVERT!!!!! THAT IS MY FIRST KISS!!!" Sabay suntok niya sa mata ko. So first kiss niya pala ako? Wow! Achievement! Pero ouch!! Sakit niyang manuntok!
"ARAY!!! FVCK!!" Ang sakit ng suntok niya grabe! Mabablack eye ako neto!! Hindi ko namalayan na lumabas na pala si Yohanna sa videoke bar kaya tumayo na ako at hinabol siya.
Nakita ko siyang nakasakay sa elevator and sad to say, sumara na ito at bumaba na ng floor. Fvck! No choice, I have to take the escalator. Kahit alam kong umaandar ang escalator, I manage to run as fast as I can. Pagkarating ko sa ground floor, nakita ko si Yohanna na paalis na sakay ang taxi. Shit! I'm too late! Pumunta nalang ako ng basement para kunin ang motor ko at habulin siya. Pero nung nakarating na ako sa kanila, nakaoff na lahat ng ilaw at ang mga aso nila ay nasa gate mismo tinali.
What the fvck, Yohanna?!!
End of flashback
Nasa classroom ako ngayon. Nakatungo ang ulo dahil ayaw kong magworry ang mga chicks ko dahil sa black eye ko. Baka nga iiyak sila pagnakita nila ang sitwasiyon ko, tsk. Biglang napadaan si Faye sa table ko at napansin niya na nakahoodie ako ngayon. Pustahan tayo, isa siya sa magiging worried dahil sa black eye ko.
"Oh Ken? Ba't ba nagpapakamysterious ka ngayon? Siguro may tinakbuhan ka noh?! Hala, hindi kaya't nakabuntis ka?!!" Gulat niyang tanong sa akin. Aba't gaga din tong isang to! Ako? Makakabuntis? Never!
"Grabe ka naman!! Hindi noh! Kahit playboy ako hindi ko kayang mambuntis ng babae! At isa pa, tinatago ko yung black eye ko. Ito oh!" Sabay pakita sa kanya ng black eye ko. Huh, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. See? Every girl is worried to see my face destroyed.
"Hala! Anong nangyari diyan?! Bakit ka may black eye?! Yan kasi eh!! Ang basagulero mo! Umaaway ka tas hindi mo naman kaya!! Haaiiss!" Napafacepalm naman ako sa sinabi niya. Kung lalaki pa tong si Faye matagal ko ng binatukan! Naiinis na ako sa wrong conclusions na binibigay niya ah!
Sasagot na sana ako ng dumating si Yohanna at binati ito si Faye. Nang napansin niya ako, biglang nagkuyom ito ng kamao. Wow! Siya pa galit tas ako tong may black eye.
"Faye sa susunod, wag kang kumausap ng demonyo. Baka bigla ka nilang hilahin at lasingin." Sabay tingin niya sa akin. What?! Ako demonyo? Excuse me! I'm too handsome for that insult. And wait, pinaparinggan niya ba ako.
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Teen FictionMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...