Chapter 3: Jexter and Ken

549 20 0
                                    

"Jexter Jude Hyun." I said it outloud.

"Hoy gaga! Wag mong sabihin na may crush ka rin kay Jexter?!" Wow Faye ha? Sinabi ko lang yung pangalan crush agad? Loyal ako kay Yorin my labs noh!

"Yaks! Hindi noh! Napaka-mysterious kaya niya."

"And just so you know, girls. May crush si Eponine kay Jex! At si Yohanna naman ay kay Yorin noh!" Ito talagang si Elly! Puro nalang mga loveteams sa classroom yung inaatupag!! First day pa nga lang!

"Mag-order na nga kayo! Puro mga lablyp yang inaatupag niyo eh!!"

"Sus! Pasungit-sungit pa, kinikilig naman. Yiieee!!" Hay naku! Itong mga tatlong bibeng talaga!! Mga sira ulo!!

Pumunta na sila sa counter para bumili ng viand at rice. Mga loka-loka! Ang yayaman ng mga ito tas hindi pa nagbaon! Hay naku! Hindi talaga sila marunong magtipid!!

Maya-maya pa ay biglang dumilim ang paligid. Meron kasing alien na tumatakip ng mata ko!!

"Hulaan mo kung sino ako~" Sabi ng boses lalaki. Hmm… Sino kayang demonyo toh?

"Si Santanas ba to?!"

"Hoy! Ang gwapo ko naman santanas!!" Edi wow! GGSS naman ng isang toh!!

"Sino ka ngang demonyo ka?! Pag hindi mo ako binitawan!! Kakatayin talaga kita!!"

"Sus ang sunget mo naman!! Kaya siguro single ka until now." Wow ha! Kala mo sino kang makasingle!! Kinuha niya ang mga kamay niya sa mata ko. Hay salamat!!

Kinusot-kusot ko muna yung mga mata ko at tumingin sa lalaking tumakip ng mata ko. Medyo blur pa ang paningin ko pero kilala ko yung tindig niya. Naku! Masapak nga!!

*paaak

"Aray!! Para san naman yun??!!"

"Kala mo kinagwapo mo yang pagtakip ng kamay mo sa mga mata ko!!" Feeler din tong taong to! FC!

"Gwapo naman ako, diba?" Wow! Iba rin yung karisma nitong si Ken noh?!

"Tigilan mo na yang si bhouxcz Yohanna! Baka masira beauty niyan!" Naku Luise! Kanina pa akong kating-kating sapakin ka ha?!

"Hoy mga panget!! Wag niyo nga yang awayin si Yohanna!!" Haay salamat!! Dumating na ang mga gagang savior ko!!

"Oo nga! Baka pagalitan kayo ni Yorin pag inaway niyo siya!" Binabawi ko na. Gaga nalang!!

"Hay naku!! Mababaliw ako sa inyo!! Mabuti pa'y babalik na ako sa classroom!!"

Padabog akong lumabas ng canteen. Ugh!! Nakakastress talaga ang mga taong yun!! Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko namalayang may bangga ako.

"Sorry." Tipid kong sagot.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Malay mo, si Mr. Right na ang nabangga mo."

Tinignan ko kung sino ang nabangga kong alien. OMGIEE!! Si-si-

"J-jexter??" Ang gwapo niya pero- Ang kapal ng mukha!! Tinawanan pa ako!!!

"Pfft… Nakakita ka lang ng gwapo, shock ka na agad?"

"Kapal din ng mukha mo noh?! Pareha lang kayo ni Ken!! Mga mahangin! Che! Tabi nga diyan!!" Hinarangan niya ang dinadaanan ko. Ano bang topak ng lalaking toh?!

"Alam mo, Yohanna. Napakaganda mo pala sa malapitan. You are too innocent for him. Masasaktan ka lang sa huli." Ha?! Ano bang pinagsasasabi ng lalaking toh?

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" Walang hiya! Nag winolk outan ako!!

"Hoy!! Hindi mo pa ako sinasagot!!"

"Edi manligaw ka!!"

"Ew! Baliw ka ba?! Yung tanong ko sagutin mo, ulol!!"

"Malalaman mo rin yan!" At nawala na siya sa paningin ko.

Hay naku!! Bakit ba gusto ni Eponine tong si Jexter eh wala naman pala yung kwenta eh!! Pare-pareha lang ang mga lalaki dito!! Well, except kay Yorin may labs!!

***

Yes!! Sa wakas!! Tapos na ang unang araw ng school!! Makaka-fb na ako at makaka-wattpad!! Yehey!! Nandito na ako ngayon sa labas, naghihintay kay Mang Juan. Yeah, ang tagal niya tologo! Tatawagan ko na sana siya nang may isang lalaking nakamotor ang tumigil sa harap ko. Hindi ko siya nakilala kasi may helmet tong alagad ni santanas. Yes! Lahat ng lalaking hindi ko kilala ay tinatawag kong demonyo o alagad ni santanas kasi wala lang! Binabad trip ako nila eh!

"Yohanna! Sabay ka na sa kin!"

"Ano ka, siniswerte?! Bakit naman ako sasama sa alagad ni santanas?!"

"Kanina mo pa akong tinatawag na ganyan ah! Mukha kong to? Eh ang gwapo ko nga noh?!" Tinanggal niya ang helmet niya at lumabas ang pinakagwapong nilalang na kilala ko!

Wow! Ang hot niyang tignan! Wait!!! Ano ba tong sinasabi ko?!! Erase! Erase!!! Ugh!!

"No thank you. May service naman ako eh. At tsaka, baka irape mo ko dun sa kanto! Kaya wag na!"

"Edi diyan ka na. Alam mo naman siguro na bawal magpagabi dito diba?"

"At bakit naman?" Tinatakot ba ako n lalaking toh? Huhuhu… Pinakaayaw ko pa naman yung mga multo!!

"Hindi mo alam na may nagmumulto dito?"

"Ano ba Ken! Huhuhu… Sige na nga! Sasama na ako!! Basta sa bahay mo ako ihatid ah! Wag na wag mo kong ililiko?!!" Nakakainis naman tong si Ken eh! Huhuhu…

"Oh. Isuot mo yan." Binigay niya sa kin yung helmet niya.

"Eh pano ka?"

"Okay lang! Hindi ko naman ibabangga to eh! Sige angkas na!"

Umangkas na ako sa likuran niya ay nagdadalawang isip ako kung saan ko ilalagay yung kamay ko. Huhuhu… Ang awkward kasi eh!!

"Kung ayaw mong mahulog, kumapit ka ng mabuti!" Wala akong choice eh! Sige nalang! Hinawakan ko ang beywang niya. Huhuhu… Nakakahiya!!

"Higpitan mo naman!" Hala go sige!! Nakayakap na ako sa kanya ngayon.

Lubdub… Lubdub… Lubdub…

Ano ba tong nararamdaman ko? Tas nakahawak pa ako ngayon sa- sheeett!! Abs to!! Huhuhu… Abs!!

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Pinagtitripan yata ako n lalaking toh!!

"Anong tinatawa-tawa mo diyan! Tayo na! Suntukin kita diyan eh!"

At humarurot na siya. As in. Ang bilis niyang mag-drive! Mukhang in splits seconds, nasa bahay na yata ako! Hooh!! Ang saya nito!!

***

"Dito lang ako!" Agad naman niyang hininto ang motor sa tapat ng bahay namin na mansion. Joke! Hahaha! Mansion talaga to kasi lahat ng nakatira dito sa Springton Ville ay mansion! So yeah! RK lahat ng nakatira dito. Like me! And him. -_-

"So ito pala yung bahay mo? Ang ganda ah! Mas malaki siya ng konti sa mansion namin."

"Tss… Who cares! Sige pasok na ako!" Akmang papasok na sana ako ng gate ng hinawakan niya ang kamay ko.

Lubdub… Lubdub… Lubdub…

Ano ba tong heart ko!! Dabog ng dabog! Shit!

"Wait! Hindi ka man lang ba magpapasalamat?"

"Oww!! Ha-ha-ha… T-thank you!! Sige! Alis na ko ha? Okay na ba? Baka pwede mo na ko bitawan?" Sarkastiko kong sabi.

"No problem!! Anything for you." Sabay talikod niya at sumakay na sa motor niya. Isinuot niya ulit at helmet niya at pinaandar ito.

Ang hot niya talaga! Ugh!! Ano bang sinasabi mo Yohanna!! Shit!! Wag naman sana akong mainlove sa taong yun!!

Yuk!! Eewww!! Pweeeh!!

Chatting With The WeirdosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon