Chapter 12: Home Visitation

335 17 1
                                    

Yohanna's POV

Ang galing... Ang dali kong mauto. Kahit sabihin pa niya na hangout to, isa pa rin ang nasa isip ko. At yun ay DATE! Halata kasing date tong ginagawa namin kahit isa lang tong simple lunch at pasyal-pasyal!! Like duh!! Kami lang dalawa ang magkasama!! Date yun noh!! D-A-T-E!! DATE!

Kasalukuyan akong nagbibihis para sa 'hangout' daw namin ni Ken. Psh! I should've say no in the first place! Ugh! Nakakainis!

Pumili ako ng isang simple white long sleeve lace blouse at isang balloon nude pink skirt. Like that in the picture.

Ang ganda noh? Sana kasing ganda ko rin ang model no? HAHAHA!! Pero mas maganda parin ako noh!

Bumaba na ako sa hagdan para sa baba nalang ako maghintay sa mokong na yun! Late comer kasi yung gag*ng yun! Ang babae pa yung pinahihintay?! Kapal din noh? Machat ko nga!

Ken Timothy Johnson.                     

Yohanna: Hoy demonyo! Nasan kana?!

Ken: Teka lang! Maliligo pa ako!! 😅

Yohanna: Hala ka! Ang galing mo rin noh?! Magseset ka ng maagang hangout tas siya lang pala late!

Ken: Sorry na!! Matagal kasi akong natulog kagabi eh!! 🙏🙏

Yohanna: Che! Bahala ka! Pupuntahan na kita diyan sa bahay niyo!!
____________________________________

Agad ko namang nilagay sa bag ko ang cellphone ko at padabog na lumabas ng bahay namin. Ugh! Pinapahirapan yata ako ng demonyong to! Naku! Kung makita ko yung pagmumukhang yun! Kakalbuhin ko talaga ng todong-todo yun!

Lumabas ako ng gate namin at nagsimulang hanapin yung bahay ni demonyo. Ano nga yung address nun? Ahh oo!! Block 9 lot 7! Nasa malapit lan pala yung mokong na yun! Naglakad-lakad lang ako dito sa neighborhood until I saw the sign I was wanting to see. Block 9 lot 7. Medyo malaki ng konti ang bahay nila gaya ng sinabi niya noon pero mas maganda yung amin no! Mas futuristic! Sa kanila naman napaka old-fashioned. Nagdoorbell ako sa gate nila at naghintay kung sino ang magbubukas ng gate na ito. Within a minute, lumabas na ang yaya at inusisa muna ako.

"Sino po sila?" Tanong nung yaya nilang nasa mid-30s I think, at mataba rin siya if you don't mind.

"Umm... Kaibigan ako ni Ken. Nandiyan po ba siya?" Mabuti talaga ako sa harap ng ibang tao. Pag dating sa mga taong malapit at lumalapit sa akin, huh! Evil as a devil ang peg!

"Ahh oo!! Halika! Pasok ka!" Sabi niya at agad na binuksan ang gate nila. She lead the way into the house of the Johnson's. The closer I get to their house, the faster my heart beats. Ano ba ang feeling na to?

"Hindi ako lubos na makapaniwala na ang isang napakagandang babaeng katulad mo hija ay ang magiging nobya niya." Kinikilig na wika ng yaya nila. WTF!! Yung taong yun?!! Like EWW!! ANG PANGIT NUN! Inside and out!!

"Ha?! H-hindi po ah!! May importanteng lakad lang kasi kami." Huhuhu... Ang hirap naman magpanggap! Ugh! Ang hirap magbait-baitan! Grabe! Sinenyasan niya akong umupo dun sa sofa nila. At umupo naman ako.

"Ahh... Magdedate kayo?" Biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Date? Ugh! Pati ako naguguluhan nga eh!! Sasagutin ko na sana yung yaya nang biglang may dumating na bata na tumakbo papunta sa akin. Waaah!! Ang cute naman ng batang toh!!

"Waaah!! Ang cute-cute mo naman!!" Sabay pisil ko sa mga chubby cheeks niya. Waaah!! Pwede ko bang iuwi to?!!

"Owts! Your playing my cheeks like my tito pogi always do!!" Hala!! Spokening dollars yata tung batang to ah!! And wait, tito pogi? Like seriously?!

Chatting With The WeirdosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon