Ken's POV
Panira talaga tung si Yorin eh! Eh ano ngayon kung may bodyguards yang si Yohanna, eh kaya ko naman siya protektahan.
"Alam mo ang epal mo! Kaya ko naman protektahan si Yohanna eh! Kaya ko siyang ihatid ng ligtas!"
"Kaya mo? Kaya mong magbarilan sa harap niya? Kaya mo ba talagang maligtas siya mula sa mga taong pumapatay ng tao?" Kalmang tanong sakin ni Yorin. Gigil na gigil na akong suntukin tung lalaking to eh.
"Kaya ko gawin lahat para kay Yohanna! Kahit kapalit pa nun ay buhay ko!" Sigaw ko sa kanya sabay talikod.
Agad kong sinuot ang helmet ko at sumampa sa motor ko. Pinaharurot ko ito papalabas ng campus. Eh badtrip ako eh! Kainis!
Yohanna's POV
Nakauwi na ako sa mansion ni T. Or should I say, mansion ni Yorin since siya naman ang totoong boss nila. Well, as usual kinulong na naman ako sa kwarto kung saan ako palaging natutulog. WALA BA AKONG PWEDENG GAWIN DITO NA MAS PRODUCTIVE?!!
NAKAKAMATAY ANG BOREDOM DITOOOOOOO 😭😭
At dahil bored na bored na talaga ang lola niyo, lumabas na ako ng kwarto ko. Sinabi ko nalang sa bantay ko na kakain lang ako sandali. Pero joke lang yun noh! Mag iikot pa ako dito kasi bored ako. Chos! Mag iikot talaga ako kasi gusto kong magdig deeper sa organisasyon na ito.
Syempre san pa ba ako mag-sstart edi dun sa east wing! Sana walang tao dun kasi baka pabalikin lang nila ako sa kwarto ko. Like duuh! Ayokong bumalik dun no! Boring ampupu!
So while naglalakad ako sa mahabang pasilya na ito, may naririnig akong mga boses na ewan ko kung saan nanggagaling. Nang malapit na ako sa hagdanan patungo ng ground floor ng bahay, dun na lumalakas ang mga boses. Parang ang dami ata ah. Mukhang may party?
I just sneak sa wall, hindi ko tinuloy ang paglalakad kasi baka makita ako ng mga tao. And I was right! Madami sila at parang nagpaparty. Sosyal kasi ang mga damit eh. Kaya siguro pinabantayan at kinulong ako dun sa kwarto, may bisita pala. Eh ba't ba ako pinayagan ng man in black dun sa labas ng kwarto ko na bumaba at kumain?!! Hala hindi attentive yung si kuya ah.
Nakakahiyang maglakad ako papuntang east wing kasi makikita nila ako mula dito sa taas! Parang grand staircase kasi tung hagdan nila! Tas idagdag niyo pa ang pambahay kong outfitan! Nakakahiya!
Maglalakad na sana ako pabalik ng kwarto ko ng biglang may nagsalita mula sa likod ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" Hala siya! Pamilyar ang boses niya kaya lumingon ako ng dahan-dahan.
Oh sht!! Si Mr. T!!!
"What are you doing here?!! Sino ang nagpapasok sa'yo dito?!!" Sabi niya habang lumalapit na siya sakin.
"Sagutin mo ko!" Hinawakan niya ang braso ko ng sobrang higpit!
"Aw!! Masakit ah!! And besides, dito ako pinatira ng boss mo!! Kaya wala kang choice kundi makisama sa'kin!!" Sigaw ko sa kanya sabay bawi ng kamay ko. Tila nagulay ata siya sa mga rebelasyon na sinabi ko.
"Oh ano? Gulat ka no? Sinabi na sakin ni Yorin ang totoo Mr. T! Siya nga ang nagsabi na dito ako maninirahan pansamantala eh." Explain ko sa kanya. Agad niyang nabitawan ang champagne glass na hawai niya dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Chatting With The Weirdos
Novela JuvenilMay mga group chat ba kayo sa messenger ng mga barkada niyo? Kung gayon, relate na relate kayo sa story nato! Ito kasing story ay about sa tatlong magkakaibigan na kasali sa group chat ng section nila. Ang tatlong magkakaibigan ay isang babae at dal...