Kabanata 15

2M 52.5K 50.5K
                                    

[Kabanata 15]


"Carmelita, ayos ka lang?" narinig kong tanong ni tiya Rosario, nasa kalesa na kami ngayon pabalik sa bahay nila dito sa Laguna. Tumango na lang ako sa kaniya.

Napatingin ako sa bintana, bumalik na din si Juanito sa Maynila, bago kami maghiwalay kanina hindi siya kumikibo, alam ko namang malungkot din siya sa nangyari sa pamilya nila Aling Trinidad pero parang alam niya na alam ko kung anong iniisip niya kanina.

"Magpahinga at Magpagaling ka na Binibing Carmelita, hanggang sa muli" yun ang sinabi niya sa'kin kanina bago ako sumakay ng kalesa, bakas sa mukha niya ang kalungkutan at poot.

Si Mang Nestor na asawa ni Aling Trinidad ay isang magsasaka sa aming Hacienda, at ayon din sa payat na matandang babae na bagong may-ari ng tindahan ni Aling Trinidad, nagnakaw daw si Mang Nestor ng isang kaban ng bigas sa hacienda ng mga Montecarlos.

Sino ba ang pinuno ng Hacienda at pamilya Montecarlos?

Walang iba kundi si Don Alejandro Montecarlos.

Biglang naalala ko yung sinabi sa akin ni Maria nung nagkausap kami sa labas ng bahay noong isang gabi...


"Hindi natin alam kung anong kayang gawin ni ama, minsan na niyang sinabi sa akin na masira na ang lahat huwag lang ang pangalan at dangal ng ating pamilya, kung kaya't natatakot ako na sabihin ang tungkol sa amin ni Eduardo" - Maria.


'Hindi natin alam kung anong kayang gawin ni ama'


Paulit-ulit yung tumatakbo sa isipan ko, naalala ko din noong kinausap ko si Don Alejandro nung sinabi ko sa kaniya ang pinapasabi ni Aling Trinidad...


"A-ama... kanina po sa palengke sa kabilang bayan may isa pong tindera ang nakiusap sa'kin na iparating sa inyo ang pakiusap nila na taasan daw po ang pasahod sa mga magsasaka ng ating lupain" - ako.

"Maari ko bang malaman kung sino ito? Mahalagang bigayng pansin at matugunan ang mga kahilingan ng ating mga manggagawa" - Don Alejandro.

"Si Aleng Trinidad po ng kabilang bayan" -ako.

"mabuti naman at inaalala mo ang kapakanan ng ating mga manggagawa, Bueno, itataas ko ang kanilang sahod sa sususnod na linggo" - Don Alejandro.


Bakit pala kailangan pang malaman ni Don Alejandro kung sino yung humingi ng pabor?

Pakiramdam ko tuloy may kasalanan din ako...

Binanggit ko ang pangalan ni Aling Trinidad kay Don Alejandro!



Pagdating namin sa bahay, magsisimula pa lang mag-tanghalian ang lahat, "Kanina pa namin kayo hinihintay, Kumain na tayo" sabi ni ina. Ngumiti naman si Tiya Rosario at agad naupo sa upuan.

"Carmelita, ano pang ginagawa mo? Halika na baka lumamig ang pagkain" sabi ni ina. Hindi ko alam pero naistatwa lang pala ako sa tapat ng pintuan. Nakatingin silang lahat sa'kin.

"May problema ba Carmelita anak?" narinig kong tanong ni Don Alejandro. Napatingin ako sa kaniya, sa totoo lang wala sa itsura niya ang pagiging mamamatay tao. at sobrang mapagmahal din siya lalo na sa kaniyang pamilya.

Kaya hindi ko magets kung paano niya magagawang ipapatay ang buong pamilya ni Aling Trinidad?

"Carmelita? Ayos ka lang ba?" narinig kong tanong ni Josefina. Bigla tuloy akong natauhan. "Uh---Oo naman" sagot ko na lang kahit pa mukhang husky yung voice ko at ibinaling ko ang paningin ko kay ina. "Ina, masama po ang aking pakiramdam, gusto ko po munang magpahinga" paalam ko. Napatayo naman si ina at hinawakan ang pisngi ko.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon