[Kabanata 44]
(A/N: The town of San Alfonso and the noble families of San Alfonso are Fictional, They are not part of the Philippine History kaya wag kayo malilito mga besh ah hihi, Enjoy~)
Ilang segundo pa ang tumagal habang nakadapa ako ngayon dito sa ilalim ng Arko. Napapikit na lang ako sa sakit na nararamdaman ko, at hindi na maawat ngayon ang pagbagsak ng mga luha ko. Wala na akong pakialam kahit tinitingnan na ako ng ibang estudyante na napapadaan sa gilid ko.
Napatingala ako sa taas at nakita kong nakalagpas na ang araw sa Arch of The Centuries, maaliwalas din ang kalangitan at kasabay nito ang malamig na pag-ihip ng hangin, parang nakikiramay ito sa nararamdaman ko ngayon... kahit pa nakabalik na ako dito sa panahon ko hindi ko pa rin matanggap na...
Naiwang mag-isa si Juanito.
"Omg! Carms? What are you doing there?" narinig kong tugon ng isang babae mula sa likod ko at agad silang lumapit sa akin at hinawakan ako. "Ikaw ah! Baka talaban ka ng myth, hindi ka makaka-graduate pag dumaan ka dito sa Arko" sabi pa niya at napatango-tango naman yung mga girls na kasama niya. Napayuko na lang ako narealize ko na siya pala si Pat ang leader ng group report namin sa klase ni Prof.Hermios at ang mga kasama niyang babae ay mga ka-group mates ko din.
"Teka nga, What happened to you? Bakit may gasgas ang arms mo?" gulat na tanong ni Pat at takang-taka rin yung mga kasama niya. hindi na ako nakapagsalita pa, patuloy lang umaagos ang mga luha ko, hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa kasalukuyang panahon.
"Come on! Dadalhin ka namin sa clinic" sabi pa niya at inalalayan nila ako tumayo pero sa pagkakataong iyon parang biglang may pumintig na ugat sa ulo ko at tuluyan akong nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod.
Naalimupangatan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki at may kausap ito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kulay puting kisame na may nakakasilaw na florescent light, napatingin ako sa kamay ko at nakita kong may nakasalpak na dextrose sa'kin. at nalagyan na rin ng band aid ang mga gasgas at sugat na nasa braso ko. nagkalat din ang amoy alcohol sa loob ng silid at napaka-lamig din dito sa loob, nandito pala ako sa clinic... Teka! Panaginip lang ba ang lahat?
"Should I bring her to the hospital?"
"No sir, I think she's already fine na, Dr. Reyes said that she's just overfatigued"
"I think so, kakagaling lang din kasi namin sa vacation yesterday and something bad happened to her while we're staying there"
"If you mind sir, pwede ko po ba malaman kung anong nangyari sa kaniya yesterday?"
"Actually, the other day nangyari yun and yesterday lang kami bumyahe pabalik dito sa Manila she's unconscious while we drove back here, her sisters and lola were scared after she was closely become a victim of kidnapping and rape by a stranger he met in a bar, buti na lang someone save her and bring her to the police station"
"Oh, it was too bad, Sir I think po na-trauma siya, and that's where she got those bruise and scars in her arms and forehead"
"In fact, I told her not to come in school today but she's so stubborn... matigas ang ulo ng batang yan"
"Intindihin niyo na lang po sir, ibang-iba na ang mga kabataan ngayon kaysa sa mga kabataan noong sinaunang panahon"
"Well, I still love her no matter what, anyway thanks for taking care of my daughter"
"No problem sir, I know that you really love your daughter"
Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala sa kanila, naramdaman kong patuloy na pumapatak ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang likod ni... Daddy. Nandito din siya sa loob ng clinic at nakatalikod siya sa'kin habang kausap yung nurse na medyo maliit, maputi at chinita.
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
Ficțiune istoricăSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...