Kabanata 9

2.3M 58.3K 61.2K
                                    

[Kabanata 9]

"TILA malalim ang iyong dinadamdam, iyo na rin bang naranasan ang umibig?" tanong ni Juanito na nagpatigil sa'kin. Napatingin ako sa kaniya at mukhang interesado rin siya malaman. "Ikaw naman ngayon ang magkuwento, hindi maaaring ang buhay pag-ibig ko lamang ang naisawalat dito." Hirit niya sabay ngiti. Napakunot ang noo ko, mukhang feeling close siya. 

"Malabong hindi mo pa nararanasan ang umibig." Dagdag pa niya habang tulala sa lawa. 

"Tama ka. Hindi di natin maiiwasan 'yon, at dahil doon... hindi rin natin maiiwasan masaktan." Sagot. Ako na yata ang literal na nasaktan, nadapa, at napunta sa panahong to!

Huminga ako nang malalim saka ipinikit saglit ang aking mga mata. Kapag first love ang usapan, isa lang ang naaalala ko...

Since kindergarten magkaklase na kami ni Shae hanggang elementary. Sobrang close kami at parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Pero lahat ng 'yon nagbago mula nang pumasok sa eksena si James.

Naging kaklase namin si James noong fourth year high school kami. Halos lahat may crush sa kaniya at syempre isa sa mga babaeng patay na patay sa kaniya ay kaming dalawa ni Shae. Basketball player, matangkad, gwapo, at mayaman. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kaniya?

Si James Gilbert ang first love ko dahil sa isang pangyayari. Uwian na namin noon, napadaan ako sa basketball court sila nang bigla na lang tumama sa likuran ko ang isang bola dahilan para madapa ako. Nagulat at natahimik ang lahat. May mga tumawa rin. 

Akala ko ay walang ibang tao ang magmamalasakit sa'kin pero sa lahat ng naroroon, hindi ko inaasahan na si James Gilbert pa ang tutulong sa'kin. "Ngumiti ka lang para isipin nilang walang problema" 

Binago ng class adviser namin ang sitting arrangement, hindi ko inaasahan na magiging magkatabi sina Shae at James. Noong una ay okay lang sa'kin pero habang tumatagal hindi ko na nakakasama si Shae dahil lagi silang magkasama ni James. Pinapansin din ako ni James pero halatang may gusto siya kay Shae. Kapag magkakasama kaming tatlo, sila lagi ni Shae ang nag-uusap.

Hanggang sa hindi ko na matiis at iniwasan ko na lang silang dalawa. Napansin iyon ni Shae at kinausap niya ako. Sinabi ko sa kaniya ang totoo, na hindi ako komportable hanggang sa namalayan na lang namin na nakapagbitaw na kami ng masasakit na salita. 

Iniwasan ko na rin si James pero isang araw bago ang graduation ceremony, umamin siya sa'kin na may gusto rin siya sa'kin at nagpapatulong lang siya kay Shae para maging close kami. Gusto niya akong ligawan pero nahihiya at natatakot na baka tarayan ko siya. Ang pag-amin ni James sa nararamdaman niya para sa'kin ay narinig ni Shae. Sa totoo lang, masaya ako noong umamin siya, pero ayoko na maugnay sa kanilang dalawa. Masyado na akong nasaktan at pinili ko nang mag-isa para bumalik pa sa isa sa kanila.  

Pagdating ng college, hindi ko rin inaasahan na sa parehong Univesrity kaming tatlo mag-aaral. Hindi natigil ang pangungulit ni James kaya mas lalong hindi kami naging okay ni Shae. Kapag sinisiraan niya ako, sinisiraan ko rin siya. Hindi ako magpapatalo sa kaniya at alam kong ganoon din siya. 

"O'siya, kung hindi mo nais magkwento, walang problema." Natauhan ako nang marinig ang boses ni Juanito. Napaayos ako ng upo. Nakalimutan kong nasa tabi ko pa rin pala siya. Napahinga na lang ako ng malalim, hindi naman niya kilala sina James at Shae kaya siguro okay lang na magkwento.

"Sabihin na na lang natin na ang malas ko sa pag-ibig, sa dinadami-dami ng lalaki sa mundo sa maling tao ko pa binigay ang puso ko." Tumingin sa'kin si Juanito saka muli niyang ibinalik ang mata niya sa lawa. 

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon