[Kabanata 36]
"HINDEEEEEE!"
Parang biglang gumuho ang mundo ko nang makitang bumagsak sa harapan ko ang duguan at wala ng buhay na katawan ni ina.
Tatakbo sana ako papalapit sa kaniya pero bigla akong pinigilan ni madam Olivia dahil hindi pa rin tapos ang palitan ng putukan ng mga baril ng guardia civil at ng grupo nila Ginoong Valdez. Bigla naman akong niyakap ni madam Olivia ng mahigpit "S-sa pagkakataong ito Carmela... isinakripisyo ni Donya Soledad ang buhay niya para kay Juanito... dahil alam na niya kung sino ka... at ang misyon mo sa panahong ito" tugon niya dahilan para mas lalong manghina ang tuhod ko at tuluyang bumigay ang katawan ko habang inaalala ang mga huling salita ni ina...
Pasa sa iyo ito anak
"Cesa el fuego!" (Cease fire!) sigaw nung punong guardia civil, halos kalahati naman ang nalagas sa panig nila Ginoong Valdez dahil dalawa lang ang may baril sa kanila kaya wala silang nagawa kundi tumakbo na papalayo dahil hinabol na sila ng iba pang mga guardia civil. napatulala na lang ako sa duguan at tadtad na bala sa katawan ng dalawang rebeldeng kasama namin na pumasok sa Fort Santiago. Samantalang nakatakas naman yung dalawa pa bitbit si Juanito, nang hinarang ni ina ang kaniyang sarili para hindi matamaan ng bala si Juanito at makatakas ito.
Parang dahan-dahang sinasaksak ang puso ko habang pinagmamasdan ang duguang katawan ni ina na nakahandusay sa sahig. Tumigil na ang putukan kaya dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya. "I-Ina! G-gumising ka... p-parangawa mo n-na..." pagsusumamo ko, pero hindi siya kumikibo at ramdam ko din ang pagdanak ng dugo niya sa mga kamay ko. hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko at ang panginginig ng buong katawan ko. "D-dalhin natin siya sa H-hospital!" sigaw ko pa pero ni isa sa mga guardia civil ay walang kumibo. Maging si madam Olivia ay tulala lang at tahimik na umiiyak sa kinatatayuan niya.
Biglang lumapit yung isa pang guardia civil at hinawakan niya yung leeg ni ina para tingnan ang pulso nito, pero ilang sandali lang mas lalong bumigat ang dinadala ng puso ko nang mapailing yung guardia civil "Wala na siya... wala ng pag-asa" tugon niya at napa-yuko na lang siya.
"Hindi! Meron pa! d-dalhin na natin siya n-ngayon sa------" hindi ko na natapos yung paghihinagpis ko kasi biglang lumapit yung punong guardia civil sa akin.
"¿Qué estás haciendo aquí? ¿Dónde está hukom Fernandez? ¿Estás con los rebeldes?" (What are you doing here? Where is hukom Fernandez? Are you with the rebels?) galit niyang tugon. Kahit hindi ko naiintindihan yung sinasabi niya alam kung galit na galit siya.
Bigla namang napatakbo si madam Olivia papalapit sa amin. "Señor, son inocentes, no tenían ni idea de esto" (Sir, they are innocent, they had no idea about this).
"¡No soy estúpido! Indios como tú no puedes engañarme" (I'm not stupid! Indios like you can't fool me) galit na sigaw nung punong guardia civil. magsasalita pa sana siya kaso biglang may isa pang tauhan niya ang patakbong lumapit sa kaniya.
"¡Señor! Hukom Fernández se lesionó dentro de la mazmorra" (Sir! Hukom Fernandez got injured inside the dungeon) tugon nung guardia civil, bigla namang nanlaki yung mata nung punong guardia civil at ibinaling niya agad sa amin ang nanlilisik niyang mata sa galit.
"¿Como estaba? ¿Vivo o muerto?" (How was he? Dead or alive?) tanong nung punong guardia civil dun sa tauhan niya pero sa amin siya nakatingin at halos hindi kumukurap sa galit.
"Señor, está vivo" (Sir, he's alive) bigla akong napatulala dahil sa narinig ko. napatingin ako kay madam Olivia at maging siya ay gulat na gulat din. Hindi maaari! Makakapag-testigo laban sa amin si hukom Fernandez!
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
Tarihi KurguSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...