Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

467K 20.3K 74.2K
                                    

A/N: Halos apat na taon na ang lumipas bago ko ito nasundan ng espesyal na kabanata. Maraming salamat sa patuloy na pagmamahal sa kuwentong ito, Sunshines! Nais ko ring magpasalamat sa WattpadPH, at Kumu para sa opurtunidad na ito sa "Write With Me". Narito na ang kabanatang ating binuo nang magkakasama. Salamat, Sunshines! Sinisinag ko kayo!


NAPATIGIL ako sa pagbabasa ng dyaryo dahil sa ibinalita ni Theresita. "Bakit siya sasama?" Tanong ko saka ibinaba ang dyaryo at tiningnan si Theresita na abala sa paglilinis ng paa ko.

Ngumiti si Theresita na parang kinikilig, "Sa aking palagay ay mapagkakahulugan nating nais ka niyang makasama at masilayan, binibini." Napakunot ang noo ko, siguradong may kailangan lang ipadalang sulat si Juanito kay Helena kaya niya gustong sumama mamaya sa amin ni Maria. Napailing ako sa ideyang iyon. Ano naman kung magiging messenger ako? Sa susunod talaga hihingian ko na sila ng service charge para hindi naman ako lugi rito.

Ibinalik ko ang aking mga mata sa pagbabasa ng dyaryo. Nakasulat ito sa wikang Kastila, hindi ko maintindihan pero pilit kong iniintindi. "Binibini, ano po ba ang nginunguya niyong iyan?" Nagtatakang tanong ni Theresita saka nilublob sa maliit na palanggana na gawa sa kahoy ang paa ko.

"Ito?" Tanong ko sabay kuha ng piraso ng kahoy sa bibig ko na kanina ko pa sinasabi sa kaniya na dapat may toothpick kami sa bahay. Ibinalik ko sa bibig ang toothpick saka nagpatuloy sa pagbabasa. Simula ngayon ay magseseryoso na ako sa pag-aaraL... ng wikang Kastila.

Tumawa ako na parang isang lider ng gang. Sasabihin ko sana na puwede 'tong pangtusok ng fishball kaso siguradong hindi niya magegets. Mawawalan na ng sense ang joke kapag pinaliwanag ko. Tumikhim ako tulad ng ginagawa ni Don Alejandro kapag may sasabihin siyang mahalaga habang salo-salo kaming kumakain sa hapag.

"Hindi mo na kailangan malaman." Tumawa ako nang mahina. Napaisip si Theresita pero hindi na siya nagsalita. Bakas sa mukha niya na naweiwerduhan siya sa 'kin. Kakatapos lang namin ma-almusal, hinihintay lang namin si Juanito na nag-volunteer na magdadala ng kalesa. At least, day off ngayon ang mga kabayo namin.

Makalipas ang isang oras ay dumating na siya. Maayos na inilagay ni Theresita ang payneta sa buhok ko saka ngumiti sa salamin. "Tiyak na maiibigan ni Ginoong Juanito ang iyong ayos ngayon, binibini!"

Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin. Heartbroken man si Carmelita, hindi ko hahayaan na maging losyang siya. Kailangan siya ang maging pinakamagandang babae sa panahon niya. Napalitan ng pagtataka ang hitsura ni Theresita nang tumawa ako na parang may masamang plano.

Pababa na kami ng hagdan nang makasalubong namin si Maria na kakalabas lang din sa kaniyang silid. White and yellow ang suot niyang baro't saya. Samantala, light blue and white naman sa akin. Napangiti kami sa isa't isa na parang rarampa sa runway.

Napatigil ako nang may maalala akong importanteng bagay. "Ate Maria, sa tingin ko mas maganda kung isasama natin si Helena." Ngumiti ako sa kaniya. Alam na rin niya ang tungkol sa Oplan Tigil Kasal. Minsan na rin niyang sinama si Leandro nang mamasyal kami dati sa pamilihan.

"Iyo bang nasabihan si Helena?" Tanong ni Maria habang humahakbang kami pababa ng hagdan. Tumango ako kahit ang totoo ay ngayon ko lang naisip ang brilliant idea na 'yon. "Iyong nabanggit sa kaniya kung anong oras tayo magtutungo sa pamilihan?" Patuloy ni Maria. Kung may group chat lang kami ay na-message ko na agad sina Helena at Laura.

"Daanan na lang siguro natin siya kasi baka nakalimutan niya hehe." Ngumiti ako, laging gumagana ang pagpapacute kong ito kay Maria. Ngumiti nang mahinahon si Maria, "O'siya, mabuti pang daanan na lang natin si Helena." Pagsang-ayon niya.

Hihirit pa sana ako na huwag siyang papayag na sumama si Natasha kung magpupumilit ang bruha na 'yon. Sigurado naman ako na hindi rin gusto ni Maria makasama namin si Natasha kaya lang baka mahiya siyang tumanggi.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon