[Kabanata 23]
Pinasyal din ako ni Juanito sa mansyon nila, una kaming pumunta sa library nila, Grabe! Ang daming libro, nakalagay din sa pinakagitna yung family painting portrait nila. Nakaupo sa gitna si Don Mariano at Donya Juanita samantalang nasa tabi naman ni Donya Juanita si Sonya, nasa tabi naman ni Don Mariano si Angelito habang nakatayo naman sa pinakalikod si Sergio at Juanito.
"Noong isang taon iginuhit ang larawang iyan" narinig kong sabi ni Juanito na nasa tabi ko na ngayon. Hindi ko namalayang napatulala pala ako sa family painting nila. Nakita ko na rin naman yung family painting nila Don Alejandro at Donya Soledad sa bahay kaya lang hindi ko ma-feel kasi hindi naman ako si Carmelita na nasa larawang iyon.
"Ang ganda ng pagkakaguhit sa inyo, sino ang nagguhit niyan?" tanong ko, sobrang na-aamaze talaga ako. Mas maganda talaga ang mga bagay na pinaghihirapan. "Si Maestro Silvacion ang gumuhit niyan, isa siyang matalik na kaibigan ng aking ama at iyan ang inihandog niyang regalo sa ika-dalawampu't limang anibersaryo ng kasal nina ama at ina" paliwanag ni Juanito habang nakangiti at nakatingala din dun sa family painting nila.
"Whoa! Ang galing naman" sabi ko sabay thumbs up. Grabe! Siguradong sobrang mahal ang mag-papainting, at least nakalibre na sila.
"Binibini... nais mo rin ba magkaroon ng iginuhit na larawan?" nakangiting tanong ni Juanito, napalunok naman ako at nagpalingon-lingon sa paligid. Gosh! Kaming dalawa lang pala ang tao dito sa loob ng library nila. "Huh? ah—eh marami naman akong ganyan sa bahay" sagot ko na lang kahit pa wala naman masyadong painting si Carmelita sa bahay.
"Kakausapin ko sana si Maestro Silvacion kung kailan siya pwede upang maiguhit ka niya... o kaya sa kasal na lang natin mismo" tugon pa niya. nanlaki naman yung mga mata ko at napatingin sa kaniya dahil sa huling sinabi niya sa kasal na lang natin mismo. WHUT? ANONG SABE NIYA?
"P-pero diba hindi dapat m-matutuloy yung kasal-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nginitian lang ako ni Juanito sabay kindat, Shems!
Hindi porket nagiging close na kami aakitin na lang niya ako ng ganyan? My Ghawd!
Magrereklamo sana ako kaso bigla na siyang tumalikod at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Ewan ko ba natameme na lang ako at parang automatic na sumunod yung mga paa ko papalapit sa kaniya.
My Gosh! I Kennat!
Paglabas namin sa library nakasalubong namin si Angelito at Sergio sa hallway, galing sila sa kwarto ni Donya Juanita. "Kamusta na si ina?" agad na tanong ni Juanito.
"Maayos na ang kalagayan ni ina, sa ngayon nagpapahinga na siya" sagot ni Sergio. Naka-pang general outfit pa din siya, napatulala naman ako sa mga gintong medalya at stars na nakasabit sa uniform niya... Magkano ko kaya mabebento ang mga yon?
"Binibini?" natauhan lang ako nung biglang magsalita si Juanito. Omg! Di ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa uniform ni Sergio. Waaahh!
"Whoah! Grabe---Ang galing mo talaga Heneral Sergio! ang dami mong medals----Ah! este medalya" sabi ko sabay thumbs up sa kaniya. Natawa naman si Sergio pero nagtaka sila ni Angelito sa pag-thumbs up ko.
"Anong ibig sabihin niyan?" nagtatakang tanong ni Sergio. Sasabihin ko sana sa kanila kaso biglang ibinaba ni Juanito yung kamay ko. "Sa amin lang ni Carmelita ang bagay na iyon" sagot ni Juanito at hindi na siya nakangiti ngayon.
"Ganoon ba? mukhang ayaw ibahagi ng aking kapatid ang sikretong senyasan nila ng mapapangasawa niya ah" pang-asar pa ni Sergio at nagtawanan sila ni Angelito. What the heck? Bakit ba kasi nagdadamot ng information tong si Juanito?
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
Ficción históricaSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...