[Kabanata 22]
Dugdug. dugdug.
"Magandang umaga Binibini" nakangiting bati ni Juanito, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako kanina pa. Waahh!
Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kaniya habang naglalakad papalapit sa kaniya. "B-bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ko, Omg! bakit ka nauutal Carmela! Umayos ka!
My gosh! natutunaw na ko sa mga ngiti at titig niya huhu.
"Nais ko lang makita ka" diretso niyang sagot. Dugdugdugdugdugdugdug!
Waaahh! sasabog na ata yung puso ko My goodness!
Nahahawa na ba siya kay Leandro? nakadalo ba sila sa seminar kung paano ma-enhance ang flowery words nila at maging vocal? Kyaahh!
At dahil hindi ko na keri pa ang nakakabaliw na akwardness namin kailangan kong ibahin ang usapan! "Whoa! philippine eagle---ah! este agila ba yun?" tugon ko sabay turo dun sa ibon na lumilipad sa kalangitan, napatingala naman si Juanito at napatingin din doon sa ibon,Medyo malakas din yung hangin dito sa barko, at ang dami ring mga dolphins ang enjoy na enjoy tumalon sa tubig at nakasunod sa barko namin.
"Mukhang naglalaan ka ng oras sa pag-aaral ng mga hayop bukod sa mga gawaing bahay Binibini, bibilib si madam Olivia kapag nalaman niya na nag-aaral ka ng mabuti" papuri pa sa'kin ni Juanito, sabay ngiti. Okay Carmela dagdag points ka kay Juanito haha! Gosh! buti na lang masipag talaga ako mag-aral nung elementary pa ko haha!
Whew! kahit papano medyo nabawasan na yung awkwardness kanina. Ang galing mo talaga Carmela haha!
"Binibini... maaari ba akong magtanong?" tugon pa ni Juanito. Shocks! hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan sa itatanong niya. Waahh!
Napatango na lang ako, Omg! Carmela bakit ba natatameme ka sa harapan ni Juanito Ughh! nakakahiya huhu.
"A-anong masasabi mo sa sulat na binigay ko sa iyo noong isang gabi" seryoso niyang tanong, at nakatingin siya ng diretso sa mg mata ko, nasa likod naman niya ang papasikat na araw at kulay orange na kalangitan habang umiihip ang malamig na hangin at kumikislap ang kulay asul na karagatan.
Huh? sulat?----OH MY GOSH! Oo nga pala!
Shocks! Hindi ko pa nababasa yung sulat niya Oh Noes!
Omg! sasabihin ko ba na hindi ko pa nababasa? Paano ba naman kasi nung gabing binigay niya yung color blue na sobre bigla namang dumating si Helena tapos nahimatay pa, nakatulog din ako habang hinihintay siyang magising tapos nung umaga busy naman ako sa pagluluto at pag-iimpake kaya nawala na sa isip ko yung sulat na binigay niya Waahh!!
Oh noes! saan ko ba nilagay yun? Waahh! Di ko na maalala!
Nadala ko ba? Ughh! feel ko naiwan ko ata sa kumbento huhu.
"Binibini... nagustuhan mo ba ang tulang handog ko para sa iyo?" tanong pa ulit ni Juanito. Halaa! tula pala yun. Tsk Carmela bakit ba kasi di mo binasa agad! Siguradong mahuhurt siya pag nalaman niyang nawala ko yung tulang ginawa niya haays.
Hmm... pero feel ko naitago naman ni Josefina yun kasi siya yung naglagay ng mga libro at sulat sa bagahe ko kanina habang busy ako magluto. Tama! babasahin ko na lang mamaya.
"Ah--eh Pasensiya na pero di ko pa kasi nababasa, Abala kami sa pag-aasikaso kay Helena at sa pagiimpake kahapon" palusot ko pa, mukha namang na-convince ko si Juanito kasi ngumiti naman siya.
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
Historical FictionSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...