Kabanata 4

3.6M 73.3K 74.5K
                                    

[Kabanata 4]

NATARANTA ako sa sinabi niya kung kaya't nadulas ang isa kong paa. Nahulog ako at diretsong bumagsak ang puwet ko sa lupa. Mabilis namang tumakbo ang aso papalayo.

Napahawak ako sa aking balakang. Bumagsak ako sa sahig kanina nang bitawan ako ng mga madre. Ngayon naman ay bumagsak ako sa lupa, hindi man lang ako nasalo ng lalaking ito gaya nang sinabi niya kanina!

"Binibini, may masakit ba sa iyo?" narinig kong sabi niya, tinukod niya ang isa niyang tuhod at tiningnan ako. Gusto ko sana siyang sigawan at awayin, akala ko pa naman ay masasalo niya ako.

"Ano bang ginagawa mo sa itaas?" nagtatakang tanong niya. Pinilit kong tumayo kahit medyo masakit pa ang aking balakang at pwet. Napatingin ako sa kaniya, nakatitig lang siya sa'kin. Gusto ko sana siyang sagutin na Akyat bahay ako gaya ng sabi mo kanina.

"Wala kang balak tulungan ako?" tanong ko, napataas din ang aking kilay. Akala ko ba gentleman ang mga lalaki sa panahong ito.

"Ngunit binibini, hindi dapat ako magpadalos-dalos hawakan ka" tugon niya saka tumayo. Mas conservative nga pala ang mga tao noong sinaunang panahon. Magsasalita na sana ako kaya lang bigla naming narinig ang boses ni Madre Olivia. Naaninag din namin ang aninong papalapit.

Napatingin ako sa kaniya, sinubukan kong humakbang pero hindi ako makalakad nang maayos. "Dali! Buhatin mo ako!" utos ko kay Juanito. Nanlaki ang mga mata niya.

"Ngunit..."

"Hindi niya ako pwedeng mahuli. Dali! Dalhin mo ko roon" utos ko, halos pabulong lang ang pag-uusap namin pero parang nakakabingi na dahil sa sobrang tahimik ng lugar na ito.

Wala nang nagawa si Juanito, binuhat niya ako. Bakas sa mukha niya na nahihiya siyang ewan. Napansin ko rin na parang nahirapan siya. Aminado naman ako na medyo mabigat ako.

"Dito! Dito!" bulong ko pa sa kaniya, maingat niya akong binaba sa isang gilid at nagtago kami. Madilim ang paligid kaya wala kaming makita. Tanging ang lampara lang na hawak ni Madre Olivia ang nagbibigay liwanag. Nagmasid-masid si Madre Olivia sandali hanggang sa bumalik nagtungo siya sa kabilang kalye.

Nagtatago kami ngayon sa gilid, sa pader ng Santa Isabel. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag at napasandal doon. "Muntik na tayo dun ah" sabi ko, napahawak ako sa puso. Ang sakit pa ng pwet ko at mukhang napilay ata ako.

Napansin kong parang nanigas ata si Juanito. Hindi ko siya makita pero naririnig ko na humihinga siya. Hindi ko namalayan na hawak ko rin pala ang kamay niya. Nanlalamig na ito.

Nang mapatingin ako sa kaniya, siya ang unang bumitaw sa pagkakahawak ko. "Juanito. Okay ka lang?" tanong ko, umusog siya pa siya nang kaunti papalayo sa akin.

"P-paano mo nalaman ang aking pangalan?" gulat niyang tanong. Kahit hindi ko masyado makita ang hitsura niya ngayon. Pakiramdam ko ay kinakabahan siya.

"Basta mahabang kwento" sagot ko saka humarap sa kaniya. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata kahit pa naaninag lang namin ang isa't isa. "Juanito. Makinig ka sa sasabihin ko" patuloy ko, hindi ko sigurado kung nakatingin pa siya sa'kin o kung nakikinig siya kaya itinaas ko ang kamay ko at hinahanap ko ang mukha niya saka hinawakan ito.

"S-sandali" wika niya, ramdam ko na parang gusto niyang lumayo sa'kin. Ibinaba ko na lang ang kamay ko saka napahinga nang malalim. Pakiramdam ko ay gulat na gulat at takot na takot na siya. "Ang arte naman neto" bulong ko sa sarili.

"Sinabi kanina ni..." napaisip ako, hindi ko pala kilala kung sino ang babaeng nagbalita kay Madre Olivia na narito si Juanito. "Basta sinabi ng babaeng 'yon na nandito ka raw. Sinabi niya ang pangalan mo kaya nalaman ko" hindi siya nagsalita. Napatikhim ako, maybe he's thinking that I'm taking advantage on him.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon