[Kabanata 39]
Je t'aime (French)
Ich liebe dich (German)
Te amo (Spanish)
I Love you (English)Paulit-ulit kong sinusulat ang mga salitang iyon sa diary at ewan ko ba kasi mukha na akong baliw na todo ngiti dito habang sinusulat ang mga iyon. Gosh! di ko akalain na dito ko pa mararanasan ma-inlove sa panahong to. iba pala talaga ang feeling kapag inlove ka, parang ang saya-saya ng buong paligid, napakaganda ng sikat ng araw, humuhuni ang mga ibon sa labas, ang lamig ng simoy ng hangin at kahit anong gawin ko hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko kyaaahh!
Tanghali na at halos nagsisiyesta na ang lahat, nandito na ulit ako sa kwarto ko at kahit dalawang araw na ang lumipas matapos ako halikan ni Juanito sa ilalim ng puno ng Narra habang ang buong paligid ay nakikisaya sa aming nadarama pakiramdam ko ay fresh na fresh pa din sa'kin yung halik niya. Kyaahh!
Agad akong humarap sa salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko, nanlaki yung mata ko nang mapansin ang isang rare na specie sa noo ko. Gosh! Carmela bakit may pimple ka na?
Dahil ba inlove ako kaya sumulpot ang pimple na'to? Omg! Wapakels! Kahit pa tadtarin ako ng pimples basta di lang mawawala ang feelings na'to kyaahh!
Napatigil ako nang biglang kumatok si Esmeralda sa pinto at sumilip siya. "Binibini, Churva ek ek" tugon ni Esmeralda at dahil dun napangiti ako ng todo at agad inayos ang sarili ko. Omg! Nakumbinse ko kasi si Esmeralda kahapon na dapat may code siyang sasabihin kapag naghihintay sa akin si Juanito sa labas. At dahil wala akong maisip na unique words, sinabi ko na lang sa kaniya na 'Churva ek ek' ang code namin, naweirduhan siya nung umpisa at tinanong ako kung anong ibig sabihin nun pero sinabi ko na lang na isa yung dayuhang salita hahaha!
"Saan daw?" excited kong tanong habang tinatali ko ng maayos yung buhok ko. at sobrang nagmamadali na ako kasi baka mainip si Juanito Waahh!
"Sa palengke ng kabilang bayan" sagot ni Esmeralda. At dahil dun nanlaki yung mata ko, Whut? Hindi ako papayagan ni Don Alejandro pumunta sa palengke lalo na sa kabilang bayan pa.
"Ha? Paano ako----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi naweirduhan ako kay Esmeralda na nakangiti na ngayon. tapos nagulat ako nung pumasok siya sa kwarto ko at nilock niya yung pinto sabay abot nung isang damit pangkasambahay.
Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kaniya. Gosh! mag-didisguise ako as kasambahay?
"Siguradong hindi ka mapapansin ng mga tao dahil hindi magarbong damit ang iyong suot" tugon ni Esmerlada. TAMA!
At dahil dun napayakap ako sa kaniya sa sobrang tuwa. "Binibini, sige na magbihis ka na, ako na ang bahala dito, sasabihin ko na lang na masama ang iyong pakiramdam at ayaw mong lumabas ng kwarto" sabi niya pa. napatango naman ako at agad tumakbo papaunta sa banyo para magbihis.
Simple, medyo luma at kulay brown na baro't saya ang suot ko ngayon, may malaking kulay green na tela din ang nakapalupot sa baywang ko, para akong nagtitinda sa palengke. At may malaking tela din na kulay green ang nilalagay sa ulo.
Paglabas ko ng banyo napangiti si Esmeralda. "Kahit pa mag-damit kasambahay ka Binibini, bagay pa din sayo" tugon niya, sabagay fashion conscious pala talaga ang mga tao sa panahong to.
"Binibini, kailangan nandito ka na bago mag-takipsilim, iiwan ko ang iyong damit sa likod ng pader ng hacienda, magpalit ka doon ng damit bago pumasok dito sa mansyon" tugon pa ni Esmeralda. Napatango naman ako, bumaba na kami at sa likod kami ng kusina dumaan. Halos wala namang katao-tao dahil tanghaling tapat na at nagsisiyesta ang karamihan. Inabot na rin niya sa akin ang isang bayong at dalawang piso.
Nanlaki yung mga mata ko sa barya na hawak ko ngayon, Seryoso? 2 pesos? Pambili ko lang to ng candy eh.
Ahh! Oo nga pala, malaking halaga na ang dalawang piso sa panahong to. kung nakapagdala lang sana ako ng 1000 pesos sa panahong to siguradong mayaman na mayaman na ako. nahihiya kasi akong humingi kay Don Alejandro, hindi ko rin alam kung ano yung mga appropriate words na dapat sabihin kapag manghihingi ng pera sa panahong to. kapag nanghihingi kasi ako kay dad sasabihin ko lang na 'Dad where's my baon' and bibigyan na niya agad ako. haays.
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
Historical FictionSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...