[Kabanata 29]
"Binibining Carmelita! Tara na po!" narinig kong tawag ni Theresita na kumakaway mula sa malayo at dahil dun natauhan ako, sumakay na sa bangka si Juanito at yung dalawa niya pang kasamang mangingisda.
Hindi ko akalain na makikita ko siya dito. So ibig sabihin dito sila pinatapon?
"Binibini!" narinig kong tawag ulit ni Theresita at ngayon ay tumatakbo na siya papalapit sa akin. "N-nakakain at nakapagpahinga na po ang kabayo, m-maaari na daw po tayong magpatuloy sa byahe" hinihingal na sabi ni Theresita. Napalingon ulit ako sa bangkang sinasakyan nila Juanito, sobrang layo na nila at nasa gitna na sila ng dagat.
Sa totoo lang, kung pwede lang gusto kong tumayo na lang doon buong araw at hintayin na makabalik sila Juanito. Pero alam kong imposible iyon, at kung makita ko man siya ulit, alam kong itatanggi niya ulit na kilala niya ako.
"Binibini? Ayos lang po ba kayo? Bakit parang nakakita kayo ng multo?" nagtatakang tanong ni Theresita habang inuusisa ng mabuti ang itsura ko. "Huh? p-pagod lang siguro ako sa byahe" sabi ko na lang at naglakad na kami pabalik sa kalesa.
Sa huling pagkakataon nilingon at tinanaw ko ulit ang bangkang sinasakyan ni Juanito. Halos tatlong linggo ko din siyang hindi nakita at gustong-gusto ko talaga siya yakapin kanina. Pero alam kong imposible mangyari iyon...
"Carmelita... bakit ang tagal mo? Nakakahiya sa ating kutsero" nagtatakang tanong ni madam Olivia. "W-wala po, pasensiya na" sagot ko na lang at sumakay na rin kami ni Theresita sa kalesa. Hindi ko alam pero ayoko talagang umalis sa lugar na iyon, nagbabakasakali ako na makikita ko ulit si Juanito doon.
Pagdating sa kumbento agad kaming sinalubong ni madam Ofelia, ang punong madre ng Cebu. "Salamat sa Diyos dahil nakarating kayo rito ng matiwasay" sabi niya sabay yakap kay madam Olivia. Nag-mano naman kami ni Theresita sa kaniya.
Napansin kong tiningnan ako ng mabuti ni madam Ofelia "Siya ba ang bunsong anak ni Don Alejandro Montecarlos na si Carmelita?" tanong niya kay madam Olivia. Tumango naman si madam Olivia.
"Napakaganda ng inyong lahi, kamukhang-kamukha mo ang iyong ate Maria at Josefina" sabi niya pa sabay yakap din sa'kin. "Nagagalak akong makilala ka Binibining... Carmelita" bulong niya pa sa'kin. Sa totoo lang parang medyo naweriduhan ako sa binulong niya, para kasing nagdududa siyang tawagin ako na Carmelita.
Oh My Gosh!
Hindi kaya... Alam niya na hindi ako si Carmelita?
Waaaahhh!
"Maligayang pagdating din sa iyo munting Binibini" bati naman ni madam Ofelia kay Theresita. Bigla namang nagulat si Theresita hindi niya akalaing babatiin siya at papansin ni madam Ofelia. "Hija, narito ka upang mag-aral rin... huwag kang mag-alala hindi ka namin sisingilin, sapat nang makita naming pinagsisilbihan mo ng buong puso at tapat si Binibining Carmelita" sabi pa ni madam Ofelia kay Theresita at niyakap niya ito. Sobrang bait at approachable naman pala ni madam Ofelia.
Pagpasok namin sa loob, binati kami ng ilan pang kababaihan dito sa kumbento. Si madam Ofelia lang ang sanay magtagalog kaya hindi namin masyado nakakausap yung ibang nag-aaral na babae dito. Hinatid na kami ni madam Ofelia sa kwarto namin, share kami ng kwarto ni Theresita at kitang-kita ko sa mukha ni Theresita na hindi siya makapaniwala na makakapag-aral na siya.
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
Ficción históricaSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...