[Kabanata 33]
Kasalanan ko ang lahat ng ito...
Hindi ko na dapat pinakialaman ang mga nakatakdang mangyari...
Hindi ko na dapat sinunod ang tibok ng puso ko para kay Juanito...
"Binibini... mahigpit pong bilin ni Don Alejandro na hindi po ako aalis dito sa inyong kwarto hangga't hindi po kayo kumakain" narinig kong sabi ni Esmeralda at inilapag na niya yung pagkain na dala niya sa mesa.
Si Esmeralda ang nagsumbong kay Don Alejandro, Heneral Seleno at Maximo kagabi nang tinangka naming tumakas ni Maria at sumama kina Juanito. kaya ngayon nakuha niya muli ang tiwala ni Don Alejandro at nakabalik siya dito sa hacienda Montecarlos bilang mayor doma ng mansyon.
"U-umalis ka na" sabi ko na lang, hanggang ngayong umaga hindi matigil ang pagbuhos ng mga luha ko. nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama sa isang sulok at pilit kinukumbinse ang sarili ko na isang masamang panaginip lang ang nangyari kagabi... na hindi pa patay si Juanito.
"Hindi po ako aalis dito hangga't hindi niyo ginagalaw ang pagkain niyo" seryosong tugon ni Esmeralda. hindi ko na lang siya pinansin at nagtaklob na lang ako ng unan sa mukha ko.
Hindi pa ako kumakain mula kagabi, at ngayon mag-hahapunan na wala akong gana at balak kumain.
"Kailangan niyo pong kumain-----" hindi na natapos ni Esmeralda yung sasabihin niya kasi biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok madam Olivia.
"Ako na ang bahala sa kaniya" tugon ni madam Olivia pero tinitigan lang siya ni Esmeralda.
"Kabilin-bilinan po ni Don Alejandro na hindi po ako aalis dito sa kwarto ni Binibining Carmelita hangga't------" hindi na naman natapos ni Esmeralda yung sasabihin niya kasi agad siyang pinatigil at sinuway ni madam Olivia.
"Narito ako upang makausap si Carmelita---" hindi natapos ni madam Olivia yubg sasabihin niya kasi biglang nagsalita si Esmeralda at tinaasan pa siya ng kilay.
"Ipinagbawal ni Don Alejandro ang sinumang panauhin na nais dumalaw ngayon kay Binibining Carmelita" mataray na sagot ni Esmeralda, nagulat naman siya nang biglang dumating si ina.
"Kahit pa ako ang nagpapunta kay madam Olivia?" tugon ni ina, agad napayuko si Esmeralda.
"P-pasensiya na po Donya Soledad hindi ko po batid na kayo po ang nagpapunta kay madam Olivia dito" paliwanag ni Esmeralda. lumapit naman si ina sa kaniya at tinapik ang balikat niya.
"Lumabas ka na, kami na ang bahala kay Carmelita... at huwag mo subukang banggitin ito sa aking asawa" tugon ni Donya Soledad. napatango naman agad si Esmeralda at dali-daling lumabas ng kwarto dahil sa kaba.
"Carmelita anak" tugon pa ni ina at agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Buti na lang naiintindihan ni ina ang narardaman ko ngayon.
"Carmelita... kumain ka na parangawa mo na, ayokong magkasakit ka" sabi niya pa habang pinupunasan ang mga luha ko.
lumapit na din sa'kin si madam Olivia at iniabot niya ang pagkaibg dala-dala ni Esmeralda kanina.
"Malamig na ang sabaw... sandali lang at iinitin ko muna" tugon ni ina at agad siyag lumabas dala ang pagkaing hindi ko man lang nagalaw.
pagkasara ng pinto agad akong napahawak sa kamay ni madam Olivia, hindi ko man sabihin ang dinadamdam ko ngayon alam kong alam na niya.
napahinga ng malalim si madam Olivia. at hinimas-himas niya ang ulo ko.
napansin ko na parang namumula din ang mga mata ni madam Olivia at parang pagod na pagod siya.
"Carmela... Hija, naalimpungatan ako kagabi, batid ko na na may hindi magandang nangyari kagabi ngunit wala akong nasagap na balita, sinubukan kong pumunta rito kaninang umaga ngunit ayaw akong papasukin ni Don Alejandro, kung kaya't hinintay ko muna siyang makaalis bago humingi ng pahintulot kay Donya Soledad na makausap ka" panimula ni madam Olivia, ramdam ko din ang pag-aalala niya ngayon. at Oo nga pala magkaaway na din sila ngayon ni Don Alejandro kaya mahihirapan na siya makapasok dito sa hacienda Montecarlos.
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
Historical FictionSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...