Kabanata 32

2.2M 47.7K 109K
                                    

[Kabanata 32]

'Carmela'

Hindi ko maalis ang titig ko sa pangalan ko sa kuwintas na gawa sa kahoy na binigay sa akin noon ni Juanito. hindi nagawang mahalin ni Juanito si Carmelita pero bakit nahulog siya sa'kin?

Dahil sa pag-ibig na ito mas lalong nagiging mahirap ang misyon ko. ang tanging kailangan ko lang gawin ay siguraduhing mabuhay si Juanito pero dahil sa mga pangyayari kailangan ko na din protektahan ang pamilya Montecarlos lalo na ang ipinagbubuntis ni Maria na pagmumulan ng aming lahi.

Nagulat ako nang biglang kumatok at pumasok si Josefina sa kwarto ko at may dala-dala siyang mga halamang gamot. "Kamusta na ang iyong sugat? Dumudugo pa rin ba?" tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin at umupo sa tabi ng kama ko.

"Kamusta na si Maria?" tanong ko, napahinga naman ng malalim si Josefina. "Kakagaling ko lang sa kwarto niya, hindi siya maaaring makalabas dahil ipinagutos ni ama na ikulong siya sa kaniyang kwarto hangga't hindi pa nila alam kung kailan siya ipapadala sa Laguna, sa tahanan ni Tiya Rosario" sagot ni Josefina at inumpisahan na niyang gamutin ang sugat sa tuhod ko.

"A-aray!" hindi ko mapigilang mag-react kasi sobrang hapdi talaga ng sugat ko at hindi ako makalakad ng maayos. "Bakit ipapadala sa Laguna si ate Maria?" nagtataka kong tanong. Sa totoo lang, duda na ako at unti-unti nang nawawala ang tiwala ko kay Don Alejandro.

"Malaking kahihiyan sa oras na malaman ng lahat na buntis si Maria at hindi pa siya kasal, kung kaya't sa tingin ko nais siyang itago ni ama sa malayong lugar, malayo dito sa San Alfonso kung saan pinapangalagaan talaga niya ang pangalan natin" paliwanag pa ni Josefina habang hinuhugasan ang sugat ko.

"pero natatakot ako na baka ipalaglag ni Don Alejand----ah este ni ama ang anak ni ate Maria?" sabi ko pa kay Josefina, napa-iling-iling naman siya.

"Nangako ka naman na ikaw na lang ang magpapakasal sa mga Flores, at dahil sa ginawa mo nailigtas mo si Maria at ang anak niya, at sa tingin ko hindi naman magagawa ni ama na ipapatay ang magiging apo niya" tugon pa ni Josefina at binalot na niya ng puting tela ang magkabilang tuhod ko. "Sa ngayon ipahinga mo muna ang iyong paa para madaling gumaling ang iyong mga sugat, si Esmeralda muna ang magsisilbi sa iyo habang wala pa si Theresita" sabi pa ni Josefina. At iniligpit na niya yung mga gamit na ginamit niya sa paggamot sa sugat ko.

Tama nga si Josefina. Dahil sa pagpayag ko na magpakasal na sa mga Flores, nawala na ang pag-aalinlangan ni Don Alejandro.

"Pero bakit kay Gobernador Flores pa ipapakasal si Maria? hindi ba pwede si Leandro?" tanong ko, nagulat naman si Josefina.

"A-ayos lang sa iyo ikasal ang dating nobyo mo sa iyong kapatid?" gulat na tanong ni Josefina. Oh! Gosh! Oo nga pala! May past si Carmelita at Leandro huhu.

"Huh? h-hindi naman sa ganun pero kasi... m-masyadong matanda si Gobernador Flores" sagot ko pa, napaisip naman ng malalim si Josefina.

"Huwag kang maingay ah... ngunit sa iyo ko lang sasabihin ito" sabi pa ni Josefina at lumapit pa siya sa'kin para bumulong. "Napag-alaman ko mula kay Eduardo ayon kay Laura ang tagapagsilbi ng mga Flores na matapos maudlot ang kasunduang kasal niyo ni Leandro at magtungo ka sa Cebu ay kinausap ni ama si Gobernador Flores at sinabing si Maria na lamang ang ipapakasal ni ama kay Leandro pero tumutol si Leandro, mataas na rin ang katungkulan ni Leandro bilang Heneral kung kaya't hindi na ganoon kadali ang pilitin siya sa ipinagkasundong kasal, ayon din kay Laura sinabi daw ni Leandro na kung hindi lang ikaw ang papakasalan niya, walang iba sa aming mga Montecarlos ang papakasalan niya, hindi naman ako pwede dahil ganap na akong madre" bulong pa ni Josefina, at dahil dun hindi ako nakapagsalita. Tunay nga na mahal na mahal talaga ni Leandro si Carmelita.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon