[Kabanata 24]
"D-dahil si L-leandro po talaga ang m-mahal ko" sabi ko habang nakaluhod sa harapan nilang lahat. Parang unti-unting nadurog ang puso ko nang makita ang reaksyon sa kanilang mga mukha. Hindi man sila nakapagsalita agad, bakas na bakas naman sa itsura nila na hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
"Malaking kataksilan din ang ginawa mo!" narinig kong sigaw ni Natasha. "Natasha! Wala ka sa lugar para sabihin yan! Wala kaming ginagawang masama ni Carmelita!" suway naman ni Leandro kay Natasha.
"Magsitigil kayo!" suway naman ni Kaptian Flores kay sa mga anak niya. Nagulat kami nang bigla din siyang lumuhod sa harapan ni Don Alejandro at Don Mariano.
"Ipagpaumanhin niyo po ang pagkakasangkot ng aking mga anak, ngunit naniniwala po ako na walang kasalanan si Helena at Leandro" depensa ni Kapitan Flores, napapikit naman sa galit si Don Alejandro.
Magsasalita pa sana si Leandro pero agad siyang sinuway ni Kapitan Flores. "Hindi na mahalaga kung sino pa ang may kasalanan ng lahat ng to, ang malinaw sa lahat ay... Hindi na matutuloy ang kasal, at hindi na kailanman magkakaroon ng ugnayan ang pamilya Montecarlos sa pamilya Aflonso!" galit na sabi ni Don Mariano. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya, napaluhod na rin si ina sa harapan ng Gobernador ng San Alfonso. At sunod na lumuhod din si Donya Juanita.
"Mariano! Huwag kang padalos-dalos sa iyong desisyon... maaari pa nating ayusin ang gulong ito" pakiusap ni Donya Juanita sa asawa niya.
Nakita ko namang pinipilit ni ina na lumuhod at magmakaawa si ama kay Don Mariano pero matigas ang ulo ni Don Alejandro ayaw niyang lumuhod sa harapan ni Don Mariano. "Ang anak mo ang nakitang may kalaguyong iba! Labis kong pagsisisihan ang maikasal ang anak kong si Carmelita sa taksil mong anak!" galit na sigaw ni ama kay Don Mariano. Sinuway siya ni ina at nila Maria at Josefina pero hindi nagpaawat si ama.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! Baka nakakalimutan mo kung sino ang pinuno ng bayang ito!" galit na sagot naman ni Don Mariano, napansin ko na biglang namula sa galit yung mukha ni ama, sisigawan sana niya si Don Mariano pero bigla siyang napatigil at napahawak sa puso niya.
"MAHAL! ANONG NANGYARE SAYO?!" nagpapanic na sigaw ni ina, agad naman kaming napatayo nila Maria at Josefina at tinulungan naming alalayan si ama na ngayon ay hindi na makahinga.
"Inaatake sa puso ang inyong ama! Tumawag kayo ng doktor!" sigaw ni ina agad namang tumakbo si Josefina kasama si Theresita upang tumawag ng doktor, lalapit sana si Juanito para tulungan si ama pero pinigilan siya ni Don Mariano.
Lumapit din si Leandro, iniutos naman ni Kapitan Flores sa kaniyang mga guardia personal na buhatin si Don Alejandro pasakay sa kalesa at dalhin sa pinakamalapit na gamutan sa bayan.
Samantalang, napatulala lang ako, hindi ako makagalaw, parang ang bilis ng lahat ng pangyayari. Parang kahapon lang masaya at maayos ang lahat pero ngayon sa isang iglap lang nagbago na ang lahat. Napatingin ako kay Juanito, hila-hila siya ngayon ni Don Mariano at Sergio pasakay ng kalesa, pero bago siya makasakay nakita kong lumingon muna siya sa'kin.
Nagtama ang mga mata namin. At sa pagkakataong iyon nakakalungkot isipin na tapos na ang lahat sa amin.
Pagdating sa bahay, agad kaming sinalubong ng isang doktor at tiningnan ang kalagayan ni ama. Hindi na rin natuloy ang handaan sa bahay dahil masama ang pakiramdam ni Don Alejandro at wala ng gana ang lahat magsaya sa kabila ng gulong kinasangkutan namin kanina. Iniuwi na lang ng mga trabahador at kasambahay ang mga ulam na niluto para hindi mapanis.
"Carmelita... may nais akong itanong sa iyo" narinig kong sabi ni Maria nandito kami ngayong tatlo sa labas ng kwarto nila ama at ina dahil hindi pa kami pwedeng pumasok sa loob. "Alam kong dinahilan mo na sa akin noon na si Leandro ang dahilan kung bakit ayaw mong ikasal kay Juanito... hindi ba dapat ay maging masaya ka dahil hindi na matutuloy ang kasal niyo?" tanong ni Maria, napayuko na lang ako, ayokong makita niya ang tunay na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
أدب تاريخيSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...