Kabanata 35

2.2M 49.4K 128K
                                    

[Kabanata 35]

Sobrang sikip ng dibdib ko at parang hindi ako makahinga, naramdaman ko na lang ang patuloy na pagpatak ng mga luha ko habang pinagmamasdan si Juanito na patuloy naglalakad papalabas ng simabahan.

Hanggang dito na lang ba talaga kami?

"Ang kasal ay isang sagrado at banal na pag-iisang dibdib ng dalawang pusong nagmamahalan----" hindi na natapos nung pari yung sinasabi niya kasi biglang may putok ng baril ang umalingawngaw sa labas ng simabahan at nagkagulo ang lahat.

"UMAATAKE ANG MGA REBELDE!" sigaw ng isang guardia civil na biglang pumasok sa simbahan at bigla siyang humandusay sa sahig nang tamaan siya ng bala sa likod. Dali-dali namang sinarado ng dalawang guardia civil dito sa loob ng simabahan ang pintuan ng simabahan upang hindi makapasok ang mga rebelde.

Gusto ko sanang pigilan sila dahil nasa labas ngayon si Leandro at sinara nila ang pinto. Pero pinigilan ako ni ina at Maria.

At dahil dun nagsitakbuhan at nagsigawan ang lahat ng tao dito sa loob ng simbahan. Bigla namang napahawak si Leandro sa kamay ko at agad niya akong dinala malapit kina Don Alejandro, Maria at ina na ngayon ay gulat na gulat din at magkakahawak na.

"Dito ka muna Carmelita... huwag kang lalayo sa iyong pamilya" nagmamadali niyang tugon, hindi naman na ako nakasagot pa kasi bigla na niyang kinuha ang armas niya at may ibinulong siya kay Kolonel Santos saka dire-diretsong tumakbo papalabas ng simbahan. Sumunod naman sa kaniya si Heneral Seleno at ang ilan pang mga guardia civil dito sa loob.

Kahit nakasara ang malaking pintuan ng simabahan rinig na rinig pa rin namin mula sa labas ang sigawan at ang malalakas na palitan at putukan ng mga baril.

"Huminahon kayong lahat... hindi hahayaan ng ating mga sundalo na makapasok dito sa loob ng simbahan ang mga rebelde, at bukod doon naniniwala ako na hindi magagawang dungisan ng mga rebelde ang loob ng banal na simbahan" sigaw nung pari at dahil dun napatahimik ang lahat ng tao dito sa loob ng simabahan at sama-sama kaming nanalangin.

Hawak ni Maria at ina ang mga kamay ko ngayon, pare-pareho kaming nanginginig sa takot at hindi alam ang gagawin. Maging sa itsura ni Gobernador Flores, Natasha, hukom Fernandez at hukom Valenaciano ay mababakas din ang matinding pagkatakot.

Kahit ipikit ko ang aking mga mata, kahit hindi ko man nakikita ang nangyayari ngayon sa labas... nararamdaman ko pa din kung gaano katindi at kadami ang mga dugong dumadanak sa mga oras na ito. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kalagayan ni Juanito...

TEKA!

Kaya ba siya nandito kanina ay para pangunahan ang pag-atake at maudlot ang kasal namin ni Leandro?

"Ama namin, sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo, Mapasaamin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo------"

Napatigil ang lahat nang biglang maghari ang nakakabinging katahimikan mula sa labas, sa bawat Segundo na lumilipas ang aming pangamba at kaba ay mas lalong lumalakas. Halos lahat kami ngayon ay nakatingin sa pintuan ng simabahan.

Biglang napaatras at nanlaki ang mga mata ng lahat nang biglang umalog ang pintuan ng simabahan. Parang may pwersa sa labas ang pilit na tumutulak dito upang bumukas anng pinto.

Ang mga rebelde!

"Sumunod kayo sa akin!" sigaw nung pari sabay lakad papunta sa gilid ng altar at may pinto sa gilid nito, nagunahan ang mga tao at dali-daling sumunod sa pari. "Huminahon kayo! Huwag kayong mag-unahan... mas mahihirapan tayo makalabas dito" patuloy pa nung pari pero hindi pa rin nakinig ang mga tao. sa mga pagkakataong ito sa oras ng panganib, kapag takot na ang naghari sa puso't-isipan ng isang tao hindi na nito makokontrol pa ang sarili at tanging ang iisipin lamang nito ay ang makaligtas sa paparating na panganib.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon