[Kabanata 21]
"B-binibining Helena?... ayos ka lang?" tanong ni Juanito habang mabilis na tumakbo papunta kay Helena at inalalayan niya ito. hawak na ni Juanito sa kaniyang bisig si Helena na hinang-hina pero nakamulat pa din ang mga mata niya.
Tumakbo na rin ako papalapit sa kanila, "H-helena... anong nangyari----?" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nakasunod pala sa kaniya si Laura, ang tagapagsilbi ng mga Flores.
"Binibini... magpahinga po muna kayo" narinig kong sabi ni Laura, madami din siyang dalang bagahe. Tumingin si Helena kay Juanito at hinawakan niya ang damit nito. "G-ginoong J-juanito... p-pakasalan mo a-ako" naiiyak at nanghihinang sabi ni Helena kay Juanito. nanlaki naman yung mga mata ni Juanito, ganun din ako. Ano?
"Ngunit Binibini----" hindi na natapos ni Juanito yung sasabihin niya kasi tuluyan ng nawalan ng malay si Helena. Omg! Buti na lang hawak na siya ngayon ni Juanito kundi mababagok yung ulo niya sa semento
"Binibini! Gumising po kayo!" nagpapanic na sigaw ni Laura. Napatulala lang ako sa kanila, Omg! Anong nangyayare?
"Binibining Carmelita... maari mo bang tawagin si madam Olivia?" nagpapanic din na sabi sa'kin ni Juanito at dahil dun natauhan ako at agad tumakbo papasok sa loob. Sakto namang pababa na ng hagdan si madam Olivia. "Anong kaguluhan ang mayroon sa labas? At bakit ngayon ka lang? gabi na ah" reklamo sa'kin ni madam Olivia. Naka-evening dress na siya. mukhang nagising siya dahil sa sigaw ni Laura sa labas.
"Madam Olivia! Nahimatay si Helena!" nagpapanic ko ding sabi, Grabe, nahawa na din ako sa pagpapanic nila Juanito at lalong-lalo na si Laura. Napataas naman yung kilay ni madam Olivia. "Ano? Si Helena Flores? Anong ginagawa niya dito sa Maynila?" nagtatakang tanong ni madam Olivia.
"Omg! Madam Olivia promise hindi ako nangtitrip! Tara na!" sabi ko pa tapos hinila ko na siya papalabas, mukha ba akong joke? Gosh!
Pagdating namin sa labas ginigising pa din ni Juanito at Laura si Helena. "Sus maryusep! Bakit kayo nandito?... ipasok niyo si Binibining Helena sa kwarto" utos ni madam Olivia, agad namang binuhat ni Juanito si Helena habang nakasunod naman kaming lahat. Tinulungan ko naman si Laura bitibitin yungmga bagahe nila.
Nagising din sila Nenita at ang iba pa naming kasama dito sa dormitoryo.
"Anong nangyari?"
"Akala ko nasa San Alfonso si Helena?"
"Oo nga! At bakit mukhang pagod na pagod siya?"
Narinig kong bulong-bulungan nila, nagulat at napatahimik naman sila nang magsalita si madam Olivia. "Magsibalik kayo sa inyong kwarto! at walang lalabas!" at dahil dun nagsipasukan sila sa kani-kanilang kwarto. dumiretso naman kami sa kwarto namin ni Helena. inilagay muna namin ni Laura lahat ng bagahe nila sa likod ng pinto.
Inilapag na din ni Juanito si Helena na wala pa ring malay, agad tiningnan ni Juanito ang pulse rate ni Helena. "Mahina ang puso niya, at mabagal rin ang kaniyang paghinga" sabi ni Juanito. napahinga naman ng malalim si madam Olivia, bakas sa itsura niya na nag-aalala talaga siya.
"Carmelita, tawagin mo si Doktor Hidalgo at papuntahin mo dito" utos sa'kin ni madam Oliva dahilan para lumaki yung mga mata ko dahil sa gulat. WHAAAAT?
Tiningnan ko si madam Olivia at binigyan ko siya ng hindi-ko-alam-kung-saan-nakatira-si-doktor-hidalgo-at-hindi-ko-rin-siya-kilala-look. Mukhang hindi nagets ni madam Olivia kasi inutusan niya pa din ako na puntahan si Doktor Hidalgo "Sige na Carmelita puntahan mo na si doktor Hidalgo" utos pa ni madam Olivia at stress na stress na siya ngayon. My goodness!
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)
Ficción históricaSi Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. N...