"A-ako po?!" Halos maibuga ko na ang iniinom kong frappe dahil sa pagkagulat ko."Yes. You. Ikaw." Pag-uulit ni Sir sa akin habang nakatayo sa harapan ko at ako naman ay sitting pretty.
"Kaya naman ihanda mo na yung sarili mo sa next project mo." At pagkasabi nya na 'yan ay umalis na sya sa harap ko habang nagpapaypay.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala na. Hindi na ako makakaatras. Tanging pag ehem lang ang ginawa ko dahil sa pagkakasamid ko.
Magdadasal nalang ako na maging successful.
"Aeryl! You're here lang pala. Anong sabi sa'yo ni Sir. Liam? Bakit kanya nilapitan?" Tanong ng kaibigan kong si Elay.
"Hindi ko alam kung matutuwa ka sa balita ko, Elay. Kasi ako, hindi ako natuwa." Kumunot ang noo ni Elay ng marinig nya iyan sa akin.
"Bakit, Aeryl? Anong meron?" Tanong nya. Binaba ko ang hawak kong frappe sa katabi kong lamesa at tumayo ako para maging magkasing tangkad na kami.
Lumapit ako dito.
At ibinulong ko sa kanya ang balita.
"Magkakaroon ako ng bagong project. Magkaka play ang university. Ako ang bida, Elay. At alam mo kung sino ang leading man?"
"Sino?"
Huminga ako ng malalamin at itinuloy ko na ang sinasabi ko.
"Si Ryzen Lewis lang naman."
-Ang nag-iisang prinsipe ng campus namin.
••••
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Captivated By The Campus Prince (On-going)
Teen Fiction[SLOW UPDATE] (1/25/17) Aeryl hates Ryzen with every fiber of his being. So why does his heart beat faster whenever his nemesis is around?