Chapter 16: Alam nya?

47 2 0
                                    

Chapter 16.

Nakakaasar talaga ha! Ang yabang na, assumero pa, playboy pa, bossy pa! Aba'y sa'n ka pa!

Oo. Lahat na ata na sa kanya.

Padabog akong sumakay sa kotse. Oo! Naiinis ako eh. Ang bossy-bossy.

Kaya ngayon pa lang, sinasabi ko ng hinding-hindi ko magugustuhan ang tipo ng ganyang lalaki ano.

"Ikaw pa galit." Narinig kong bumulong sya kaya naman tinignan ko sya ng masama.

Tumalikod ako sa kanya at humarap nalang sa bintana. Nakakainis eh.

"Nyenyenye" pag-okray ko at talaga namang pinaparinig ko!

"Aeryl."

"ANO?!" Sigaw ko sa kanya.  Ang sama pa ng tingin ko.

Nakatitig lang sya sa'kin kaya naman napatitig din ako sa kanya pero nakakunot ang aking noo.

Gusto ko mabasa 'yung iniisip nya ngayon eh. Pero kahit anong titig ko sa mata nya, eh hindi ko mabasa.

Pero ilang saglit pa eh bumitiw na sya sa pagkakatitigan at tumawa sya ng kaunti.

Kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ano bang akala mo sa'kin ha? Porket gwapo ka eh magkakagusto din ako sa'yo? Never kaya 'no!"

"Pinagsasabi mo?" Suplado nyang tanong kaya naman sinungitan ko nalang.

"Whatever!"

Jusko. Baka maging hater ako nito. Tsk!

Habang bumibyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Bigla ko namang naalala 'yung damit na binili namin 'yung dress na pink.

Tinignan ko si Ryzen na naka earphone. Siguro ay hindi nya naman ako rinig eh.

"Sana, ingatan ng ate mo 'yung dress. Type na type ko pa naman," bulong ko habang pinagmamasdan ang mga kuko ko. Huhuhu. Gustong-gusto ko talaga kasi 'yung damit eh.

Bumuntong-hininga na lamang ako at isinandal ang ulo sa bintana. Parang inaantok ako.

~~

"Aeryl,"

Bakit nanaginip akong tinatawag ako ni Ryzen? Hanggang panaginip ba naman si Ryzen pa rin?!

"Gumising ka nga dyan."

See? Ang sungit-sungit talaga kahit sa panaginip ko. Tapos ginigising pa daw ako?

Naramdaman ko nalang ang paglindol.

Omygod?!?!

"A-aray!" Daing ko. Napadilat ako at namalayan ko nalang na...

"W-wait?! H-hindi nalindol?" Tanong ko at nilibot ko ang paningin ko at nagulat ako ng loob ng kotse ang nakikita ko.

So... inaalog nya lang ako non? H-hindi talaga n-nalindol?!

"What are you saying?" Tanong nya at bumaba na sya.

So kasama ko talaga sya?

Inalala ko ang mga huling nangyari at oo nga pala! Sinamahan ko nga pala sya sa pamimili.

Napailing nalang ako at bumaba na.

Medyo kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko dahil hindi ako nagkakamali na nasa street na kami ng bahay namin.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?" Tanong ko ng nagtataka.

Imposible naman nya kasi malaman 'di ba? Wala naman akong babanggit sa kanya. Hindi ko naman sinasabi ang mg ganitong bagay sa kanya. Kaya paano nama---

"Mahalaga pa ba 'yon?"

Ano?! Tinatanong nya kung mahalaga pa 'yon?! Malay ko ba kung mamaya eh stalker ko pala sya? Tapos may balak pala sya--- NO! Aeryl! Imagination mo ha!

"I know what you're thinking."

Napalingon kaagad ako kay Ryzen.

"A-anong alam mo?" Tanong ko dahil baka hindi ko alam na manghuhula na pala sya! Or baka naman mind reader?!

"Tss." At pumasok na sya sa kotse nya.

Eh?

Ganon nalang 'yon? Bigla nalang aalis? Ang bastos kausap ah!

Para akong tanga dito na hindi umaalis sa kinatatayuan. Bakit ba kasi ayaw gumalaw ng mga paa ko?

"Kailan mo ba balak umalis dyan?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa gilid ko. Pagtingin ko ay nakababa ang bintana at nakita ko syang nakatingin sa'kin.

"Ehh--eto n-na nga eh!" At naglakad padabog ako. Ang sungit-sungit kahit kelan!

                   ~•••••~

Memorize dito, memorize doon. Waaa!! Sasabog na yata utak ko nito. Tapos may project pa pala akong hindi nagagawa.

"Huhuhu" at nagpagulong-gulong ako sa kama ko habang bukas ang laptop at may malaking mangkok ng pagkain sa  tabi ko. Samahan nyo pa ng maraming mga papel.

"Thank you. Pero hindi mo na kailangang damayan ako." Pagkabisado ko habang pagulong-gulong sa kama ko.

Si Ryzen kaya memorize na 'to? Baka nga mga chix pa unahin non eh. Asahan nyo pa sa famous na playboy!

Gumulong ulit ako at biglang may pumasok sa isip ko.

Galing 'no? Nakakausap ko na ang tulad nya na dati ay hanggang tingin ko lang!

Tapos.. ganon lang pala sya. Nakakaasar kasama. Kaya sure talagang hindi ako magkakagusto don. Tss. Ano ba kasi nagustuhan nila don?

*ting*

Napabalikwas ako ng higa ng tumunog ang phone ko.

Ah! Si Sir Liam lang pala.

Agahan mo bukas ang pasok.

Waaa! Tapos aagahan ko pa ang pasok?! Eh andami ko pang gagawin ah!

Umayos na ako at ipinagpatuloy ang mga ginagawa. Ano ba uunahin ko?

To be continued...

•••••

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon