Chapter 19: Selos?

78 2 0
                                    

Chapter 19

Kasama ko ngayon si Elay na hindi ko alam bakit parang naiinis sa'kin.

"Elay naman!"

"Nagtatago ka na ba ngayon ng mga sikreto, Aeryl ha?!" Tanong nya. Nagtaka naman ako sa kanya.

"Bakit?! Never pa ako sa'yo nagtago ng sikreto!" Sabi ko.

"Eh ano 'yung magkasama kayo ni Ryzen at sumakay ka pa sa kotse nya? Hindi mo binabanggit sa akin 'yon."

Inalala ko ang mga sinasabi nya. Teka? Ayun ba 'yung araw na bumili kami ng damit ni Ryzen?

"Elay! Nagpasama lang sya sa'kin bumili ng damit para sa ate nya!" Paliwanag ko at patuloy parin sa pagtampo si Elay.

"Elay naman eh!"

"Fine. Pero once na may itinago ka sa'king sikreto.. naku Aeryl!" Sabi nya kaya naman tumango ako ng nakangiti.

Bumuntong-hininga sya at nagyaya ako ng libre para makabawi sa kanya. Pumayag naman sya at pumunta na kami ng canteen.

"Strawberry cake?" Nakangiting tanong ko sa kanya at tumango naman sya.

"Alam mo talaga ha!" Natatawang sabi nya. Ako na ang pumila at naghintay nalang si Elay.

Ng matapos akong bumili nagulat nalang ako sa nakikita ko sa harapan ko.

May kalandian si Ryzen. Hindi naman 'to bago ah? Palagi naman syang may kalandiang iba't ibang babae. May kahalikan or kaharutan. Kasi playboy sya at alam ng lahat 'yon pati ako.

Pero bakit ngayon? Bakit feeling ko naiinis ako! Matapos nyang sabihin na 'wag akong sasama sa tulad ni Marcus!

"Ouch naman, Ryzen"

Nakakainis! Babaero nga!

"Excuse me nga. 'Wag sa daan maglandian." Sabi ko at nilagpasan sila.

Pagkalapit ko kay Elay ay inabot ko na sa kanya ang Strawberry cake nya at habang ako ay hawak ko ang Crossini.

"Thank you!" Masayang sabi nya.

"Tara na." At naglakad na ako.

"Bad mood na agad? Angyari?" Pagtatakang tanong ni Elay. Umiling lang ako at tinabi ang crossini ko sa bag ko.

"Hindi mo kakainin?" Tanong nya habang naglalakad kami.

"Nawalan ako ng gana." Tipid kong sagot at hindi na ako umimik. Naramdaman naman siguro ni Elay na ayoko ng pag-usapan pa kaya pati sya ay tumahimik na.

Ng makarating kami sa mga bench sa hallway ay umupo kami.

"Anong scene na kayo?" Tanong nya.

"Alin? 'Yung naghahalikan sila kanina sa daanan?! Nakaharang pa sila sa dadaanan ko!"

"Huh?"

Napatakip ako kaagad ng bibig sa nasabi ko.

Nasabi ko ba talaga 'yon?! Tanga!

"Aww. Kaya pala," iiling-iling na sabi ni Elay. Kinunutan ko sya ng noo.

"Huy hindi ah!" Depensa ko pero hinuhuli ako ng mga mata ni Elay.

Bestfriend ko si Elay noon pa. Alam nya kung kailan ako nagsisinungaling. Alam nya kung kailan ako kinikilig o nagagalit.

Kaya alam ko naman na ngayon pa lang ramdam ko na alam na kaagad ni Elay.

"May gusto ka na kay Ryzen?!" Tanong ni Elay na may kasama pang nakakalokong ngiti.

Bumuntong-hininga ako.

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon