Chapter 14: Thank you

47 3 0
                                    

Chapter 14.

"May mga pagkain ba kayo dito?" Tanong ko ng tumayo ako patalon dito sa kusina nila.

Tinignan ako ni Ryzen at ngumiti ako. Aba! Bisita kaya ako!

"Kakakain mo lang."

Oo nga. Kakatapos ko lang kasi ubusin yung crossini ko. Bitin talaga 'yung apat! Kahit maka isang balot pa nga yata ako hindi ako tumataba eh.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil kasi naman eh! Bisita ako!

"Tss. Fine! Meron dyan." Masungit nyang sabi sabay napangiti ako!

Yiiiieee~ ano kaya mga pagkain nila dito?

Agad-agad kong sinilip 'yung ref nila at nakita kong puro can beer. May mga chocolates din naman. Tapos may cake!

Pero bago ko pa kuhanin 'yung cake tinignan ko muna si Ryzen.

"Why?" Nagtatakang tanong nya nung nakita nya akong tumingin sa kanya.

Ang sama yata ng tingin ko?

Kinuha ko na 'yung cake na dark chocolate at umupo na sa tabi nya.

"Ang hilig nyo sa beer." Irita kong sabi sa kanya.

"Lalaki kami."

"Kahit na! Tapos ayun oh!" Sabay turo ko don sa taas ng lababo nila sa cabinet.

"Puro alak! Grabe!" Pagpapatuloy ko sabay crossed legs.

Binuksan ko na 'yung cake at sinimulang kainin.

"Anong problema naman don?"

Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay.

At humarap na ako sa kinakain ko.

"Wala lang. Inis lang ako sa lalaking umiinom." Bulong ko at sabay subo ng isang tinidor na cake.

"Tss. Hindi kami palainom. 'Wag mo ko itulad kay Ken." Sabi nya.

Nilingon ko sya ng mabilisan.

"A-ano? B-bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ang daldal mo. Kumain ka nalang dyan." Utos nya kaya naman sumimangot ako. Nakakainis naman! Parang sasabihin nya lang kung bakit pati 'yung si ken na kaaway ng grupo nila eh nabanggit.

"Ang gwapo kaya ni ken..." bulong ko habang hinihiwa ang cake sa lalagyan.

"What?" Napalingon kaagad ako ng magtanong sya. Narinig nya?

Talas ng pangdinig eh!

"Ang gwapo ni ken sabi ko," kilig na sabi ko.

"Tss."

Pagkatapos kong kumain ay tinapon ko na ang lalagyan at tumalon ulit ako para libutin itong room nila.

Si Aryan kaya nakapasok na dito?

Malamang naman siguro. 'Yon pa! Kung ako nga nakapasok na dito eh, sya pa kaya! Sya pa kaya na sexy, sikat, chix ng bayan!

Sa pagtatalon-talon ko ay hindi ko nakita ang vase na nasa gilid kaya nahulog ko ito at

"Aray!" Bigla akong napasigaw ng mahulog ito sa paa ko.

Medyo sinulyapan ko si Ryzen na nagce-cellphone parin.

Kaya kahit masakit 'yung paa ko ay pinilit ko namang pinulot ang mga bubog.

"Huhuhu"

Takte! Isa pa 'tong daliri ko! Dumugo pa! Ano ba naman 'yan, Aeryl! Magpululot ka na nga lang ganya----

"Fuck!"

Sa ka-busy-han kong mag-emote eh hindi ko na napansin na nandito na pala si Ryzen!

Teka paano nya ako nakita? Eh ang layo ko naman at naka tungo ako maigi kaya imposible naman na nakita nya ako.

"Tatanga-tanga kasi." Sabi nya habang kinuha nya ang daliri kong nasugatan at binalutan nya ng panyo nya.

Puti pa naman 'yung panyo na! Sorry na Ryzen.

"Sabi ko naman kasi 'wag kang magulo. Pasaway!"

Sermon lang sya ng sermon habang binabalutan yung daliri ko.

Habang ginagawa nya ito bakit parang nabagal 'yung paligid?

Bakit parang ang focus lang ng mata ko ay ang mga muka nya?

Aeryl ano ba! Gumising ka nga!

Iniling ko ang ulo ko at bwiset! Ang seryoso lang ng muka nya. Kung hindi lang 'to mayabang, assumero, playboy, eh ang gwapo na nito sa paningin ko!

"Wag mo sabi akong titigan." Pagbabanta nya kaya naman umiwas kaagad ako ng tingin.

Natapos na pala ang daliri ko. At ngayon ay pinupulot na nya 'yung mga bubog na kanina ay pinupulot ko.

"Doon ka nalang sa sala. Manahimik ka." Sabi nya sabay kuha ng pandakot.

Tumango nalang ako at sinunod ang utos nya. Pero bago pa ako makahakbang ay nagsalita ako ng hindi humaharap sa kanya. Nakatungo lang ako.

"Salamat."

Hindi ko na sya hinintay magsalita at pumunta na ako ng sala.

Parang nanghina ako na ewan. Feeling ko kasi nakaperwisyo na kaagad ako sa kanya.

At alam ko rin na iritadong-iritado na sya sa'kin pero malikot pa rin ako.

Tapos ngayon?! Nakabasag pa ako.

Galing mo naman, Aeryl.

Nakita ko na si Ryzen na papunta dito kaya naman tumayo na ako.

Lalabas na ako. Pasaway lang ako dito. At biglang pumasok sa isip ko na si Ryzen Lewis parin ang kausap ko.

Pero kahit sya pa 'yan, wala akong pakielam.

Nakatungo lang ako habang nakatayo katabi ng couch.

"Uhmm.." hindi ko alam kung paano magsisimulang magsalita.

"Aeryl."

"Ahh--ano. A-alis na.. uhmm.. ako." Sabi ko habang nakatungo.

"S-sorry nga pala sa abala." Tumalikod na ako at akmang aalis na ako ng may makalimutan akong sabihin.

"Salamat nga pala, Ray."

At bubuksan ko na ang pintuan ng hawakan ni Ryzen ang wrist ko.

Tinignan ko naman ang pagkakahawak nya rito.

"Samahan mo 'ko."

Napatingin ako sa mata nya.

"Samahan mo 'ko sa mall. May bibilhin lang."

••••

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon