Chapter 10: Playboy

58 5 0
                                    

Chapter 10

Dali-dali akong pumunta sa class ko. Math.

Ng makarating ako ay nagsisumula na. Kumatok ako at binuksan ang pintuan.

"S-sorry, Sir. I-im late." Nakayukong sabi kay Sir.

"Why are you late?" Tanong ni Sir. Mercado.

"S-sir, dahil po sa play. Pinatawag po ako." Pagpapalusot ko at sana naman effective! Please. Huhuhu.

"Okay. Seatdown." Sabi nya at nagpatuloy na sya sa pagturo.

Yehesss!! Effective!

Umupo na ako sa bakante at kinuha ang notebook ko para mag take down notes.

Sinulyapan ko si Elay na masama ang tingin sa akin!

Hayst! Oo nga pala. Hindi ko nga pala sinagot ang tawag nya!

Habang nagsasalita si Sir ay lumulutang ang isip ko.

Napahawak na naman ako sa labi ko. Biglaan ang mga nangyari. Sya kaagad ang nakakuha ng first kiss ko!

Matapos ang math class ay tinignan ko kaagad si Elay.

Nakatingin sya ng masama sa akin. Lumapit sya sa'kin ng naka crossed arm.

"Sorr---"

"Saan ka galing? Bakit hindi ka nagpaalam?" Masungit nyang tanong sa'kin habang palapit sa akin.

"Eh. Biglaan kasi.. uhmm.. pinatawag ako. Lowbat phone ko kaya hindi kita na text." Palusot ko sa kanya.

"Nagkita kayo ni Ryzen?" Tanong nya ulit ng makalapit sa akin.

Umiling ako.

"Nope. Ako lang yung pinatawag." Another kasinungalingan na naman.

"Nakakainis ka! Bigla ka nalang nawawala." Sabi nya at niyakap ko sya.

"Sorry na Elay-ngot." Sabi ko sa kanya at hinampas nya naman ako ng mahina.

"Loka!" Natatawa-tawa nyang sabi.

Lumabas kami ng room at pumunta kami ng canteen. Nagutom ako.

Hindi kasi ako kumain nung lunch at ang tanging almusal ko lang ay yung egg pie at kape.

Dumiretso ako sa location ng mga spaghetti, macaroni, vegetable salad.

Umorder ako ng spaghetti at Apple juice at ganun din naman yung kay Elay.

Dumiretso na kami sa table at magsisimula pa lang kaming kumain ng may pumasok na kung sino.

"Psst bes, si Ryzen oh!" Sabay nguso ni Elay sa may dulo.

Tinignan ko naman ito at marami ang mga nagsi-tilian.

"Wew. Akala mo kung sinong gwapo eh." Iiling-iling ako at hinarap ko na ang pagkain ko.

Ayokong mawalan ng gana. Gutom ako!

"Tsk! Ang mga mahaharot nga naman oh!" Sabi ni elay.

Tinignan ko si Elay at matatalim ang tingin nya doon sa harapan nya kung nasaan sila Ryzen at yung mga tropa nya. Pinagkakaguluhan ng mga babae.

"Kumain ka nalang dyan Elay!" Suway ko sa kanya. Inirapan nya muna ako bago nya ipinagpatuloy ang pagkain.

Hindi parin nya tinitigilan ang pagtingin doon sa dulo kung nasaan sila Ryzen.

Nakatalikod kasi ako ng upo kaya hindi ko sil nakikita.

"Elay.." suway ko ulit.

"Bes! Tignan mo kasi si Carlos! Nilalandi nila!" Bulong nya.

Anim kasi sila Ryzen na magtotropa. So it means, Anim silang heartthrob dito sa school.

Hindi ko sila masyadong kilala kasi wala naman akong paki. Wala akong interes sa kanila.

"Hindi naman 'yan papatulan ni Carlos, Elay." Sabi ko sa kanya at bumalik na sya sa pagkain.

"Sa bagay."

Pagkatapos namin kumain ay tumayo na kami at umalis na.

Akala ko, wala na dito kanina pa sila Ryzen.

Pero mali ako dahil nagtama ang paningin namin. Hawak nya ang bewang nung babae habang nakaupo sila.

Inirapan ko lang sya at naglakad na kami paalis ni Elay.

"Ang playboy pala talaga ni Ryzen 'no?" Bulong ni Elay sa akin at dumiretso na kami sa field dahil tapos na ang klase namin.

Uwian na pero ayaw pa namin umuwi.

Palaging may nag lalaro dito ng soccer kaya pwede naming panuorin.

"Sinabi mo pa. May mala anghel bang katulad nya?" Tanong ko. Kaya medyo tumawa ako.

Baka nga marami 'yong girlfriends eh.

"Hahaha. Pero mas bagay kayo." Sabi nya kaya napalingon kaagad ako sa kanya.

"What?!" Iritado kong tanong sa kanya.

"Hahaha. Joke. Imposibleng mangyari na maging kayo. Famous na suplado sya, samantalang ikaw, nobody na masungit. Edi ano na kinalabasan nyo? World war?" Natatawa nyang sabi sa akin at sinamaan sya ng tingin.

Hindi tumigil sa pag ngiti si Elay kaya hinampas ko sya.

May biglang lumapit sa aming lalaki.

"Harang ka naman kuya! Tabi-tabi dyan!" Sigaw ko dahil may pumwesto sa harapan namin.

"Pinapatawag po yung mga characters sa play." Sabi nito kaya naman tinaasan ko sya ng kilay.

"Makakaalis ka na!" Mataray na sigaw ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ni Elay at nagpaalam na sa'kin.

"Sige na. Pumunta ka na. Ingat ka!" Niyakap ko sya at nagpaalam na ako.

Pumunta na ako sa private room at kumpleto na pala sila. Shocks! Ako nalang kulang?!

Nandoon narin si Ryzen. Busy sa cellphone habang naka earphones.

Kausap na naman yung babae nya. Napailing ako at dumiretso na sa bakanteng upuan.

"Hi, Aeryl. Naituro mo na ba kay Ryzen yung plot ng story?" Tanong ni Sir Liam ng makaupo ako.

"Yes po. Tapos na po. Hopefully naintindihan nya." Ngumisi ako at tinignan lang sya na busy parin.

Nasa meeting kami tapos lakas maka earphones!

"I see," sagot nito at pumunta na sa harapan namin para magsalita.

"Okay, guys. Sisimulan na natin ang practice bukas." Announce nito.

Actually, live ipapalabas yung play sa buong school.

Kaya, live din kami makikita na umarte.

"Kaya, be prepared na. Magdala kayo ng damit na i-a-assign ko mamaya sainyo." Dagdag pa nito.

Eto na, eto na! Magsisimula na ang rehearsal. Mukang kinakabahan ako na ewan.

Feeling ko may magbabago.

Feeling ko may mangyayari na hindi ko malaman.

Ayoko ng intindihin 'tong pakiramdam ko. Baka masyado lang akong nag-iisip ng marami.

Sabi nga ni Ryzen, 'wag ako mag-assume.

Bumuntong-hininga ako at pinikit saglit ang mga mata ko.

To be continued...

••••••

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon