Chapter 11: First Scene

47 5 0
                                    

Chapter 11

Umaga. Panibagong umaga na naman. Ngayon na rin ang simula ng rehearsal namin.

Hindi ko alam bakit nakatulog pa ako. Eh halos maka tatlong kape nga ako ng nainom eh.

Bumangon na ako at naligo. Kumain rin ako bago umalis.

Pero hanggang ngayon naiinis parin ako. Nakakainis kasi 'yang Ryzen Lewis na 'yan eh. Kinuha yung first kiss ko. Bwiset.

"Ano na namang problema mo, Aeryl? Umagang-umaga nakasimangot ka!" Bulyaw ni Elay sa'kin pagkadating ko sa school.

"Inaantok lang ako!"

"Talaga? Eh ba't ang aga mong pumasok?" Sabi nya at ngumiti ng nakakaloko.

Ginawa ko ang palagi kong ginagawa. Ang umirap.

Maaga ba ako? Parang 7:05 naman na ng umaga. 8:00 yung pasok ko.

"Nga pala, Aeryl. Ngayon na pala yung play 'no?"

Napalingon ako kaagad kay Elay.

"Paano mo nalaman?" Mabilis na tanong ko dito at nagkibit-balikat lang sya at hinila ako kung saan.

"Saan ba tayo pupun---" napahinto ako sa pagtanong ng huminto kami.

"Bakit sya?"

"Hindi naman sya maganda ah?!"

"Hindi bagay sa kanya maging bida!"

Rinig na rinig ko ang mga bulungan sa paligid. Anong nangyayari?

Napatingin ako sa gilid ko.

Yung tarpaulin namin.

Kitang-kita ko ang sarili ko na nandoon sa tarpaulin. Yung kuha namin sa photoshoot. Yung pose na nakapatong ang kamay ko sa balikat nya habang sya ay nasa bewang ko na nakatitig lang kami sa isa't isa. Tapos inedit, na yung ibang characters ay nasa likod namin. Mapa kontrabida man.

Napailing ako at napasapo sa noo ng makatanggap ako ng mga lait.

"Ang panget nya!"

"Yeah, I agree!"

"Bes, ayos ah!" Sabi ni Elay sabay hampas sa braso ko.

"Akalain mo 'yon! Best friend ko ang bida sa play na gaganapin sa buong school!" Natatawa-tawang sabi ni Elay.

Hindi ko na lang sya pinansin at umalis nalang ako doon sa lugar na 'yon.

Bawat sulok nito ay mayroon.

Mas marami pa ang puri kay Ryzen eh. Syempre. Heartthrob eh.

"Oy ba't ka ng iwan!" Dinig kong sigaw ni Elay na habang hinahabol ako.

"Nakakainis kasi don. Andami kong bashers." Sabi ko.

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Kapag hindi ka nila kilala, lalaitin ka.

Pero kung iisipin ko, kung si Aryan Monteverde lang ang gumanap sa role ko... naku! Baka mamatay na sila sa kilig. Plus pa si Ryzen.

Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na nagsalita.

Laking gulat ko naman ng makita ko ang isang papel na naka paskil sa may pader na dinadaanan namin.

Schedule ng practice namin para sa play.

7:30 am.

Owemji!?!?! Eh anong oras na?! Mag aalas otso na mahigit eh.

Bakit hindi kami sinabihan na ganito kaaga?

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon