Chapter 8
"Sorry na!" Pagmamakaawa ni Elay sa'kin habang hinahabol akong maglakad.
"Uy! Aeryl naman eh." Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang sya ay sumusunod.
Nagtampo ako sa kanya kasi nga di'ba? Hindi sya nagpaalam sa'kin nung araw na tinawagan ko sya tapos parang lasing pa sya non.
Tapos kahapon, absent pa sya. Hindi manlang sya nagsabi sa'kin.
Huminto ako at hinarap ko sya.
"Gawain ba ng kaibigan ang hindi magpaalam sa kaibigan nya? Tell me, Elay!" Sabi ko sa kanya at nag crossed arm ako.
Bumuntong-hininga sya at nagsalita.
"Okay, okay fine. Sorry na, Aeryl. Niyaya kasi ako ng pinsan ko. Hindi ko naman alam na malalasing pala ako. Tapos kahapon, tulog ako maghapon. Huhu sorry na!" Paglalambing nya.
Inirapan ko sya at tinaasan ng kilay.
"Kapag inulit mo pa 'yan, Elay! Naku! Kalimutan mo ng may bestfriend ka pa!"
"Oo. Promise! Hindi ko na uulitin. Sorry ulit Aeryl." Sabi nya at niyakap nya ako.
Ngumiti ako sa kanya at naglakad na. Papunta ako ngayon sa canteen para bumili ng makakain. Hindi ako nag almusal. Kaya dito muna ako dumiretso.
"Anong bibilhin mo, Aeryl?" Tanong ni Elay pagkapasok namin ng canteen.
Malawak ang canteen namin at may mga tables ang chair para sa mga kakain.
Naka aircon din ito.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng mga Crossini. Siguro Crossini nalang.
"Crossini nalang siguro. Ikaw?" Sabi ko kay Elay na nasa tabi ko lang.
"Strawberry cake nalang akin." Tumango ako at bumili na kami.
Umorder din ako ng coffee pagkatapos ay lumabas na kami ni Elay.
"Nag-i-start na ba kayo ng shoot, Aeryl?" Tanong ni Elay pagkalabas namin ng canteen.
"Ahm, hindi pa kami nagsisimula. Baka bukas pa." Sabi ko naman at tumango lang sya.
Pumunta kaming field kung saan may mga naglalaro ng soccer since maaga pa naman.
Tumambay muna kami at nagpahangin.
"Kamusta naman yung mga makakasama mo sa play? Masaya ba sila?" Tanong nya ng makaupo kami.
"May nakilala naman ako. Si Isha. Mabait sya. Madaldal, at maganda."
"Eh si Ryzen? Kamusta?"
Nag-iba bigla ang mood ko ng maalala ko na may babae si Ryzen. Oo! Ni-consider ko ng may babae sya! Paano ba naman kasi, palaging nakaharap sa cellphone. Parang laging may katext.
"Aeryl?" Tinignan ko naman si Elay na ngiting-ngiti.
"Ewan sa lalaking 'yon!" Inirapan ko nalang si Elay at nagpatuloy kumain.
Mas maganda pang manuod ng mga naglalaro kaysa pag-usapan ang mga walang ka-kwenta-kwentang bagay.
Narinig ko namang tumatawa so Elay kaya nilingon ko sya ng masama ang tingin.
"What?" Irita kong tanong sa kanya kaya mas lalo syang tumawa.
"Hahahaha. May something na bang nagaganap sainyo? Ang bilis naman, Aeryl!" At tumawa na sya ng malakas.
Sinimangutan ko sya at pinanuod kong tumawa. Nakakabadtrip ang isang 'to ah!
Bestfriend ko ba talaga 'to?! Baka nagkamali lang ako?!
"Joke lang! Bakit naman inis ka sa kanya? Ikaw lang yata ang naiinis sa tulad ni Ryzen ah? Sa gwapo nyang 'yon!" Sabi nya na mas lalo akong nainis.
"Ayon na nga eh! Porket kompiyansang gwapo eh sukat ba naman magpaasa ng maraming babae!" Sigaw ko sa harap nya.
Kumunot ang noo ni Elay na parang nagtaka sa sinabi ko.
"Ano bang meron? Kwento mo ng maayos!"
"May girlfriend na si Ryzen, Elay!" Bulong ko rito. Nagulat naman si Elay sa binulong ko.
"A-ano?! Paano mo nalaman?"
"Eh wala. Palagi kasi syang nakatutok sa phone nya. Parang laging may katext," sabi ko sabay kagat ko ng Crossini.
"Tapos? Ayun lang? Dahil don kaya mo nasabing may girlfriend na?"
Medyo kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. Ewan. Bakit ko ba iniisip 'yan?
"It's none of my business na." At uminom na ako ng kape.
~~~
First class ko ay history. At hindi ako nainform na may quiz pala. Kaya nganga ako ngayon. Huhuhu.
Buti nalang medyo alam ko ang iba. Kaya nung nagpasa na ay siguro ako ang huli.
"Ayos ka lang?" Tanong ng katabi kong si Sara.
"Oo. Okay lang ako." Pinilit kong ngumiti at magpretend na okay kahit hindi naman.
Okay ba yung alam mo ng bagsak ka sa quiz?!
Nang mag lunch break na, hindi ako lumbas ng room. Kaya nagtaka naman itong si Elay.
"Ayaw mo talagang lumabas?" Pangatlong tanong ni Elay sa'kin.
Tumango ako sa kanya.
"Sige. Hintayin mo nalang ako dito. Kakain lang ako. Ingat ka dito bes!" At niyakap nya ako.
Kasama nya yung iba kong classmates.
Pagkalabas nila ay nilabas ko nalang ang phone ko at headset para magpatugtog.
Nag nap muna ako dahil feeling ko wala ako sa mood ngayon.
Kaya lang naalala kong nasaakin nga pala ang script ni Ryzen.
Binigay ni Sir Liam sa'kin kahapon at ako daw ang magbigay kay Ryzen.
Galing 'no? Bakit kaya hindi sya 'yung magbigay ano?
At paano ko 'to mabibigay sa kanya? Famous 'yon. Baka mapahiya lang ako oras na subukan ko syang lapitan.
Baka magmukang patay na patay ako sa kanya! Ayoko 'no.
Tinignan ko ang bag ko at oo nga! Andito. Huhuhu. Kailangan ko pa naman idiscuss sa kanya ang mga 'to. Kainis.
Sumilip ako sa labas ng room, may mga students na dumadaan.
Malamang. School 'to, Aeryl.
Naglakad-lakad ako at baka sakaling makita ko si Ryzen.
"Asan na ba 'yon?!" Sabi ko sa sarili ko kasi halos mag iilang minuto na akong naglalakad dito eh.
At nararamdan ko narin ang gutom! Baka makita pa 'ko ni Elay. Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa
"Ay----!"
Ganon nalang ang gulat ko ng may humila sa'kin papuntang pader at---
AT----
HINALIKAN AKO!
••••••
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Captivated By The Campus Prince (On-going)
Teen Fiction[SLOW UPDATE] (1/25/17) Aeryl hates Ryzen with every fiber of his being. So why does his heart beat faster whenever his nemesis is around?