Chapter 9.
~•|•~
Ellayah Fajardo"Asan na kaya si Aeryl? Sabi ko naman kasing maghintay sya dito. Baka nagutom?" Sabi ko habang nakatayo dito sa pintuan.
Sabi-sabi sya na magpaalam sa kaibigan tapos sya naman ang hindi magpapaalam? Ibang klase.
"Oy, oy! Gelo! Nakita mo ba si Aeryl?" Naka pamewang kong tanong kay Gelo----kaklase namin na suplado.
"Kinalaman ko kay Aeryl?" Sabi nito kaya naman akmang tatadyakan ko na pero pinigilan naman ako ni Sara. Kaklase din namin.
"Chill. Alam mo namang bwiset 'yang si Gelo." Paalala ni Sara.
Pumasok nalalng kami ng room kesa makipagtalo kay Gelo na mayabang.
Matext na nga lang 'yong bruhang 'yon.
~•|•~
Aeryl Castelltort"shut up." Sabi nya. Nakatakip ang kamay nya sa bibig ko matapos nya akong halikan.
Ang sarap tadyakan nitong lalaking 'to eh!
Ng alisin na nya ang kamay sa bibig ko ay hindi na ako nakapag pigil na sumigaw.
"Ano ba! Bakit ka nanghahalik dyan? First kiss ko 'yon! Ano ba! Nakakainis ka!" Pinaghahampas ko sya hanggang sa hawakan nya ang wrist ko para pigilan ako.
"Manahimik ka nga muna. Hindi ko ginawa 'yon dahil maganda or gusto kita. Nakikita mo 'yon?" Sabi nya.
Inirapan ko sya at tinignan ang tinitignan nya.
"Oh? Anong meron?!" Tanong ko sa kanya.
"Ayan. Mga babaeng naghahabol sa'kin. I kissed you para matigil na muna sila. Kaya 'wag kang mag assume."
Tinignan ko lang sya ng masama. Hindi pa ba sya nasanay na may naghahabol sa kanya?
"Eh! First kiss ko 'yon!" Sigaw ko sa kanya.
Totoo naman! Sya pa ang nakakuha ng unang halik ko.
Si Ryzen Lewis.
Well, sa tulad ko, hindi na dapat nag-iinarte. Pero kasi eh!
"Tsk. Choosy ka pa. Ako na ang humalik sa'yo. Ang arte mo pa." Mahinahon nyang sabi sa akin kaya hinampas ko sya.
"Isang hampas mo pa, hahalikan ulit kita!" Pagbabanta nya.
Shocks! Ano ng nangyayari ngayon?! Gising Aeryl!!! Pinagpapantasyahan mo sa isip si Ryzen!!
Kinagat ko ang labi ko pero nasaktan ako. So... totoo ito?!
"Ano ba 'yang hawak mo?" Tanong nya sa'kin habang nakatingin sa mga papel na nasa kamay ko.
"Eto. Script mo! actually hinahanap nga kita eh! Ibibigay ko 'to sa'yo!" Sabi ko at inangat ko ang mga papel.
"Tss. Kaya mo?" Ngumiti sya ng nakakaloko.
Tinaasan ko sya ng kilay ko at pinanliitan ng mata.
"Bakit? Sino ka ba para katakutan ko ha?!" Matapang na sagot ko. Tumawa sya ng kaunti. Inalis na nya ang kamay nya sa pader pero nakatayo parin sya sa harap ko.
Kinuha nya ang mga papel sa kamay ko at binasa.
"Bakit ngayon mo lang ibibigay? Hindi ko pa 'to napapapag-aralan." Sabi nya habang bina-browse ang mga papel.
Tumungo ako at nagsalita.
"Ituro ko daw sa'yo sabi ni Sir Liam," Pabulong kong sabi kay Ryzen.
Ramdam kong tumingin sya sa akin habang nakatungo ako. Baka pagtawanan nya lang ako. Or mandiri sya na kasama ako.
BINABASA MO ANG
Captivated By The Campus Prince (On-going)
Teen Fiction[SLOW UPDATE] (1/25/17) Aeryl hates Ryzen with every fiber of his being. So why does his heart beat faster whenever his nemesis is around?