Chapter 17: Punishment

40 3 0
                                    

Chapter 17

"Sir, sorry talaga" huhuhu. Eto ako ngayon! Nagmamakaawa kay Sir Liam.

As usual, na-late na naman ako. Andami ko kayang tinapos kagabi! Inabot pa nga ako ng madaling araw eh!

"Kay Ms. Garcia ka magpaliwanag. Sya muna ang mag ga-guide sainyo."

Nanlaki ang mata ko ng marinig kong hindi muna si Sir Liam ang magtuturo.

"B-bakit?" Tanong ko at sinabi naman ni sir na may aasikasuhin daw sya.

Kaya naman tumango ako at napalunok ng sunod-sunod dahil para sainyong kaalaman ay masungit si Ms. Garcia.

Nasa Private Room ako ngayon kasama ang mga iba pang mga cast.

Hindi ko pa nakikita si Ryzen at wala akong balak. Ano naman pakielam ko sa supladong 'yon?

Lumapit na ako kay Ms. Garcia.

"Ma'am, sorry po na-late ako. May tinap---" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng sumigaw sya.

"Ms. Castelltort! Para malaman mo, ang rules ko ay bawal ma-late ang isa sainyo. Bida ka pa naman!"

Nakatungo lang ako habang sinesermonan nya ako. Huhu. Nakakatakot!

"Nag-iisip ka ba?! Alam mo ng bida ka tapos magpapa-late ka?! Wow!"

Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa amin. Napapahiya na ba ako?

"Dahil ginalit mo ako, eto gawin mo lahat 'to!" Sabi nya at tinuro ang mga tambak na papel.

TAMBAK NA PAPEL.

nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga papel. Omygosh! Ngayon pa lang gusto ko ng maiyak! Parang poste na kataas! Mygad huhuhu. Kaya ko ba 'yan? Heeeeelp!

Lumapit sya sa akin at tinaas ang baba ko. "Sa susunod kasi, kung ano ang kay Aryan, sa kanya lang ha? Wag ahas."

Umalis na sya at naiwan akong nakatulala. Ano 'yung sinabi nya?

"Sa susunod kasi, kung ano ang kay Aryan, sa kanya lang ha? Wag ahas."

~~~

"Kakain na kami, Aeryl. Hindi ka kakain?"

Umiling lang ako kay Isha habang naka focus sa mga papel. Icocorrect ko daw ang mga maling words and spell na nasulat.

At dahil tambak ito, tingin ko gawain dapat 'to ng bente plus na katao.

At hello? Isa lang ako!

"Aeryl, nag time break kanina hindi ka rin kumain. Sure ka ba? Nag-aalala na ako sa'yo." -nginitian ko lang si Isha at tinuloy ko na ang ginagawa ko kahit ang totoo ay gutom na gutom na ako.

Naiwan ako sa room ng mag-isa.

Mag-isang nagugutom.

Nakakailang minuto na ako at parang may mga nagbabadya ng luha! Naiiyak na kasi ako. May iba pa akong asikasuhin sa grades ko dahil palagi akong excuse or absent sa klase.

Tapos isa pa 'tong mga script ko.

At ngayon dumagdag pa ang mga tambak na papel na 'to.

Napatingin ako sa kapaligiran at napabuntong-hininga dahil feeling ko tutulo na 'tong lecheng luha na 'to.

Gantong bagay lang iiyak na ako? Ang baba ng rason mo, Aeryl! Ang lampa mo kasi.

Napatungo ako ng nagugutom na talaga ako. Huhuhu. Ang sakit sa mata tignan 'tong tambak ng mga papel!

Ano ba kasi 'yung sinabi ni Ms. Garcia? A-anong wag akong ahas? Eh tao naman ako.

Maya-maya ay naramdaman ko nalang na may tubig sa psingi ko. Luha na?!

"Huhuhuhu" ang hirap naman! Ang dami pa.

"Feel tired?"

Napaangat ako sa nagsalita. Ng makita ko ay hindi ko pinansin. Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya. Busy ako at maraming priorities. Eh sya? Mga babae!

"Sa mga tulad mong babae, hindi dapat umiiyak,"

"Sa tulad kong mahirap, lampa at talunan." Pag sagot ko habang nakatungo at naka focus sa mga papel. Feel ko na sa script namin 'yon.

"No. You're not."

Napaangat ako ng tingin na nasa harap kong si Ryzen. Medyo napatawa ako dahil kabisado na talaga namin.

"Napatawa ka din. Muka ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa kanina." Sabi nya kaya naman sinaaman ko lang sya ng tingin.

"Ano ba 'yan?" Sabay kuha nya sa isa sa mga papel.

Naririnig ko ang mga tunog ng mga chips habang kinakagat nya. Huhu. Naiinggit ako.

"Kamusta mga babae mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ayun. Magaganda parin." Napahinto ako sa pagbabasa.

Magaganda.

"Gaano ba para sainyo magpalit ng babae?" Napapakagat ako ng labi dahil sa biglaang mga tanong ko. Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?!

"As fast as I want."

"Sexy lang ang habol nyo ganon?!"

"Beauty with brain."

"Eh? So lahat ng mga babae mo matatalino?"

"Not all."

"Eh sabi mo di'ba? Type mo ay beauty with brain!" Naasar na ako ha. Gusto ko lang naman malaman kung ano feeling ng maging babaero katulad nya.

"Maybe I have so many girls pero isang bagay lang ang sigurado ako."

Nanatili lang na nakabaling ang tingin ko sa papel na hawak ko at hinihintay ang sasabihin nya.

Bakit feeling ko seryoso sya ngayon?

Medyo ang tagal nyang magsalita kaya naman tumingin ako sa kanya at nagtanong na.

"A-ano? Tagal pa sabihin eh!" Pagkaasar ko.

Tumawa naman sya at kumagat pa ng isang chips. Tumayo na sya.

"Kainin mo nalang 'to. Mukang 'di ka pa kumakain." Sabi nya at umalis na sya sa room.

Naiwan ako ditong mag-isa at natulala. Ang korni nya lang ha? Ano kaya 'yon, magsasalita ng hindi tapos!

Napatingin ako sa isang pack ng chichiryang malaki at napailing na kinuha ito. Mayaman naman sya eh. Kaya, kaya nyang bumili ng maraming ganito.

•••••

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon