Chapter 2: Awkward!

89 5 1
                                    

Chapter 2

"Kayo ni Ryzen. Maiwan muna kayo."

Kainis naman! Akala ko makakaalis na ako sa akwardness. Tapos eto?!

"Kailangan muna magkaroon ng communication sainyong dalawa." Sabi ni Sir liam. Kaya naman kumunot ang noo ko.

"Hahaha. Don't worry. Para hindi lang magkaroon ng malaking hiyaan sa pagitan ninyong dalawa..." dugtong pa nya.

"Ahh--ehh" ayan lang ang tanging reaksyon ko sa nangyayari ngayon.

Huminga ako ng malalim at para matapos na 'to at makaalis na ay ako na nagkusa na magsimula.

"Okay, okay. I-im Aeryl Castelltort. Nice meeting you, R-ryzen Lewis.."

Okay. Okay. Okay!!! Nauutal pa ako masyado. Hindi ko ma-take ang mga nangyayari huh. 'Di hamak na sikat at talaga namang habulin 'tong si Ryzen nh lahat ng nag-aaral dito, miski yata sa labas ng school na 'to kaya ganito ako umasta sa harap nya na para bang artista ang kinakausap.

At ako? 'Di hamak na para lang akong isang maliit na alikabok sa lahat. Hindi alam ang pangalan ko o sikat ang pangalan ko. Iilan nga lang yata ang may kilala sa akin eh.

Tapos kapag play... sure akong maraming bash akong matatanggap. Syempre naman. Ikaw ba naman maka partner mo ang sikat na hearttrhob sa school mo.

Medyo natahimik ang paligid.

O----kay? Napahiya na ba ako? Hindi pa naman 'di ba? Nagpakilala lang naman ako. Ayun lang. Wala naman akong sinabing mali. Oo, tama. Wala.

Narinig kong nagring ang phone ni Sir Liam at in-excuse nya ang kanyang sarili. Tumango lang ako.

Sa pangalawang pagkakataon ay huminga ako ng malalim dahil natahimik ulit at hindi ko na kaya 'tong atmosphere na 'to.

"Ahh, sige. U-una na a-ako." Sabi ko kay ryzen kahit alam ko namang hindi nya papansin ang tulad ko.

Dali-dali na akong lumakad paalis ng marinig kong magsalita sya.

"Ryzen Lewis. Nice meeting you."

Napahinto ako saglit ng hindi humaharap sa kanya. Totoo? Kaya dali-dali na akong lumakad palayo.

~•|•~

"Oh, milk tea mo." Sabi ni Elay pagkalapag na pagkalapag nya ng milk tea sa harap ko.

Nandito ako ngayon sa store ng milk tea at kasama ko ngayon si Elay. Dahil pagkalabas na pagkalabas ko kanina ng backstage ng school ay tinext ko kaagad si Elay kung nasaan sya.

At eto, sinabi nya na nandito sya kaya naman pumunta ako.

At hanggang ngayon hindi ko pa matanggal sa isip ko na nagpakilala sya.

Pero, so what naman di'ba? Eh ano naman kung nagpakilala sya sa'yo, Aeryl?

"Huy, Aeryl Castelltort! Aba'y kanina pa kita kinakusap dyan. Tulala ka lang! What's wrong ba? Share naman!" Sunod-sunod nyang sabi sa akin at salamat naman nag load ang utak ko na ngayon ay nare-realize ko na kasama ko nga pala si Elay.

"H-ha? A-ano 'yun?" Tanong ko sa kanya kaya naman tumawa ito ng bahagya.

"See? Hindi ka nakikinig. Tsk, tsk." Kumunot lang ang noo ko sa kanya na iiling-iling na natatawa pa!

"Ano ba kasi yun," pag-uulit ko kasi hindi ko sya maintindihan.

"Aeryl kung crush mo na si Ryzen.. hindi kita pipigilan." Patuloy parin sya sa pagtawa ng mahina.

"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya habang binato ko ang tissue sa harap nya.

"Hahaha. Kita mo na, kita mo na! Guilty si ate. Ano ba kasi nangyari? Share mo naman!" Medyo natatawa parin si Elay kaya naman sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Wala naman. Nag meeting-meeting. Nagplano. Nagpakilala sa isa't- is---" natigilan ako sa pagsasalita ng maisip ko kung paano sya nagpakilala sa'kin.

Teka-----sa'kin nga ba?!

"Isa't-isa?" Pagtataka nya at parang nag iba ang aura ng muka ni Elay. Mas lalong nakakaloko.

"C'mon, Aeryl! Hindi detailed ang kwento mo. Parang may something?" Medyo sarkastiko ang tono ng pagsabi nyang 'yan.

Bumuntong hininga ako at dahil nakukulitan na ako kay Elay ay sinabi ko na.

"Sige fine!" Nakita ko ang paglawak ng ngiti nya kaya naman naasar ako.

Matapos kong ikwento yung nangyari kanina na paalis na sana ako ng magpakilala sya sa akin.

Tinignan ko ang reaksyon ni Elay at ngiting-ngiti lang.

"Baka crush ka na?!"

Halos maibuga ko ang iniinom kong milk tea sa narinig ko kay Elay.

"What?! Sa'kin?! What the hell, Elay!" Tatawa-tawa kong sagot kay Elay kaya naman pati sya ay tumawa na rin.

"Eh, wala lang. Malay mo lang. Di'ba?" Itinapon ko ang huli kong tissue na nakapatong sa harap ko at tumawa na lang sya ng tumawa.

Pauwi na rin kami ni Elay matapos ang tatlong oras na chikahan.

"See you tomorrow, Aeryl. 'Wag kang papalate. Lagi ka pa namang late!" Bulyaw sa akin ni Elay habang naghihintay kami ng taxi.

"Kakayanin ko," mapang-asar kong sagot sa kanya.

Natutuwa kasi ako kapag inaasar ko 'yang si Elay. Ang cute mapikon. Nagiging barako.

"Oh, ayan na. Una na ako, Elay. Byeee!" Nag flip pa ako ng hair bago sumakay ng taxi. Pero bago pa man umandar ay binuksan ko ulit ang pintuan.

Kumaway ako sa kanya sa maarteng paraan. Inirapan nya lang ako at napatawa na lang ako. Ibang klase.

Ng makauwi na ako sa bahay ay medyo tahimik dahil busy si Daddy sa office works while my mom busy sa business.
Gabi na nga pala dahil lumabas ako ng school ay 5PM na ng hapon kaya nakatatlong oras kami milk tea shop ni Elay kaya eto. Ginabi na ako ng uwi.

"Good Evening Ma'am Aeryl. Gutom na po ba kayo?" Bungad sa akin ng isa sa mga maids namin na si Ate Selya.

"No thanks. Pagod ako eh. Akyat na ako," paalam ko sa kanila at tumango lang sila kaya dumiretso na ako sa taas namin sa kwarto ko.

"Haaay!" Pagkarating ko sa kwarto ko ay humiga na agad ako kama ko. Nakakagod.

Kinuha ko ang phone ko at chineck ko ito. May message si Sir Liam.

May script akong ibibigay sa'yo. Kasama na rin ang settings ng play. Good night, Aeryl. : )

Napa buntong hininga nalamang ako at ipinikit ang mata ko. Pagod ako para magshower. Tapos andami ko pang iniisip. Haaaay.

Bakit ako pa kasi ang bida sa role play?!

••••••••

Vote and Comment!

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon