Chapter 18: Marcus

50 2 0
                                    

Chapter 18

Mag iisang linggo na at medyo nag iimprove na ang mga scene namin.

Maganda naman at nararamdaman ko na malapit na ang heavy scene ko na talaga namang puro kadramahan na.

"Cut!" Sigaw ni Ms. Garcia at uminom na sila ng tubig.

Wala parin si Sir Liam dahil matatagalan daw sya kaya si Ms. Garcia na muna.

Pumunta ako sa stall ng mga tubig pero pagpunta ko wala na? Bakit ang bilis maubos?!

Malungkot akong umupo na lang dahil nauuhaw na ako.

Nakarinig ako ng lagok ng tubig kaya napatingin ako sa gilid ko.

"Nang-aasar ka pa e!" Sigaw ko kay Ryzen dahil nang-aasar na wala akong tubig! Buti pa sya meron ha!

Padabog akong umalis sa tabi nya dahil nagsisimula na naman akong mainis.

"Oh, tubig." At inabot nya sa'kin ng natatawa 'yung bottled water.

Pinasadahan ko lang ng tingin 'yung inaabot nya at dahil nauuhaw ako talaga ay kinuha ko na!

"Tss. Kukunin din naman pala." Bulong nya kaya inokrayan ko sya.

Tumayo ako at lumabas muna ng room. Gusto ko muna lumabas para hindi masyadong makita 'yang Ryzen na 'yan.

Pagkalabas ko nakarinig na kaagad ako ng mga tilian.

Ako ba tinitilian nila?

Medyo assuming ako at napalingon ako sa paligid ko at doon ko napagtanto na hindi ako at nanlaki ang mga mata ko ng si Ryzen ay nasa labas narin at pinapaligiran ng mga babae.

Muka namang mga hilaw na isda 'tong mga 'to. Tapos parang kiti-kiti pa!

Nagtama ang mga paningin namin nyang maharot na lalaking 'yan kaya inirapan ko ng todo! Kaasar ang harot e.

Umalis ako sa kinatatayuan ko at lumayo dahil ayoko makita ang mga mahaharot na nilalang.

"Hey," napatingin ako sa nagsalita.

O_____O BAKIT MAY GWAPO?!

"H-hi?" Omygosh! Relax, Aeryl. Hinga! Parang nawawalan na ng hangin eh!

"Mag-isa ka lang?" Tanong nya pero imbis na masagot ko ay natulala ako sa muka nya.

T-teka?!?! May bumagsak bang anghel na gwapo sa lugar na 'to?!

"Hi? Ayos ka lang?"

Medyo natauhan ako ng i-wave nya ang kamay nya sa muka ko.

"A-ahh--eehh-- a-ano 'yon?" Tanong ko sa kanya. Medyo natawa sya kaya tumawa ako ng kuanti. Yung fake.

"Hahaha. Alam ko namang gwapo ako. Pero ano muna pangalan mo?" Tanong nya.

Tinatanong nya ba pangalan ko?

"A-aeryl Keen Castelltort." Nauutal kong sagot sa kanya.

Umayos ka Aeryl!

"Ahh. Marcus nga pala, Aeryl." At nilahad nya ang kamay nya sa harap ko.

Napatitig ako sa kamay nyang makinis ns maputi. At tumingin sa mata nya. Pati mata ang gwapo!

Hindi ko na pinatagal pa at inabot ang kamay nya.

Nginitian nya ako at nginitian ko din sya.

Umupo kami sa malapit na upuan at medyo nag-usap kahit awkward.

Mamaya pa ako babalik kasi One-hour time break.

"Ahh, So ikaw 'yung bida sa gaganapin na Play?" Tanong nya kaya tumango ako.

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon